TIW 14

9K 177 31
                                    

Kristin

Matapos naming namili ng mga pagkain ay ipinahatid niya iyon sa isang lalakeng empleyado ng pamilihan papunta sa sasakyan niya. Masyado iyong marami kaya nagtawag si Rod ng magdadala bg mga napamili.

Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ito at hindi ako nanaginip lang. Mahahalata ang galak sa aking mukha. Hindi ako nasigawan ni Rod at ngumingiti na siya sa akin!

Ang matagal ko ng hinihiling na mangyari ay paunti-unting naisasakatuparan. Muling nabubuhay ang pag-asa na nawala sa aking puso.

Nawala ang pag-iisip ko ng kung ano ano noong tinawag ako ni Rod.

"Kristin, may isa pa tayong pupuntahan. Sumunod ka sa akin." Saad niya habang bahagyang nakangiti kaya hindi ko maiwasang ngumiti rin pabalik.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pansinin ang paligid. Parang bago ang lahat ng ito sa akin. Madaming mga tao na naglalakad, nakaupo, at kumakain at hindi ko na mabilang kung ilang mga bilihan ang nasa loob ng mall.

Matapos ang may kalayuang lakaran at ilang pasikot ay tumigil siya sa isang bilihan ng mga damit, inangat ko ang aking paningin at sinubukang basahin ang nakalagay sa itaas.

Pen-shop-pe? Anong ginagawa namin dito? Bibili ba siya ng bagong mga damit at gagawin akong tagabuhat?

"I'm really sorry Kristin sa mga masamang nagawa ko sayo, hayaan mo sana akong bumawi." Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa mga pagbabago kay Rod pero masaya ako. Masayang masaya! Ito na ang inaasam ko na buong pamilya!

Nakangiti naman akong tumango sakaniya dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabi niya. Sobrang saya!

"Salamat, Kristin. Halika pasok na tayo." Sumunod ako sa yapak niya at hinayaan siya sa kung anong nais niyang gawin dito sa loob.

"Good afternoon, ma'am and sir." Pagbabati ng ilang empleyado pag pasok namin.

"Good afternoon, excuse me miss. Can you assist her on trying some clothes?" Tanong niya sa babaeng mukhang empleyado dito.

Hindi ko masyadong naintindihan ang ibig sabihin ni Rod dahil mabilis ang kaniyang pagkakasabi at diretsong ingles.

"Sure, sir." Sagot naman ng empleyado.

Inilibot ko ang aking paningin. Napakaganda at ayos ng mga damit dito.

Saktong lumingon ako kay Rod at bigla siyang nagsalita.

"Kristin, sama ka muna sakaniya. Siya na ang bahalang maghanap ng babagay na mga damit sayo." Nagulat ako sa kaniyang pahayag kaya hindi ko napigilan itanong muli.

"P-para sa akin?" Ito ang kauna-unahang beses na ibibili niya ako ng damit kahit na walang okasyon!

Ang unang beses na isinama niya akong mamili ng mga kagamitan.

"Oo, ito palang ang simula ng pagbawi ko sayo. Sana ay matuwa ka."

Dahil sa sobrang kagalakan ay hindi ko napigilan na yakapin si Rod. Naramdaman ko namang natigilan siya at kalaunan ay mahinang tinapik niya ang aking balikat kaya umayos muli ako ng tayo at lubos na nagpasalamat sakaniya.

Nagpaalam na rin sa akin si Rod at sinabing hihintayin akong matapos.

Kung ano anong mga damit ang pinasuot sa akin at pinagpilian ko. Lahat ng 'yun ay dahil sa tulong ng empleyado. Mayroong mga blusa, hindi kupas na pantalon, tshirt, sando at mga bestida. Lahat puro bago at parang mamahalin.

"Miss, ang bait naman ng sir mo at binilihan ka pa ng mga damit." Pambabasag sa katahimikan ng empleyado.

"Ah eh, oo nga eh pero asawa ko siya." Mukhang nagulat at bahagyang natawa ang babae sa sinabi ko. Nakita ko rin ang panunuya sa kanyang mga mata kahit wala siyang sinabi pero hinayaan ko lahat ng ito dahil alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo.

Akala niya siguro ay isa akong kapit sa mayaman.

Matapos ang parang napakahabang oras para sa pagsusukat ng damit ay lumabas na ako sa isang silid at pinuntahan si Rod na nakaupo habang hinihintay ako na matapos sa pagpili ng mga damit.

"May nagustuhan ka ba?" Pambungad na kanyang tanong, agad kong itinaas ang ilang pares ng damit na 'di lalagpas sa bilang na lima.

"Iyan lang ang nagustuhan mo Kristin?" Takang tanong niya sa akin. Siguro ay nabigla siya dahil sa dami ng damit ay ito lang ang kinuha ko.

"Sa katunayan ay magaganda lahat ng pinasukat sa akin R-od pero masyado kasing mamahalin ang mga damit dito." Tumango siya sa akin at tinawag ang empleyado na tumulong sa akin kanina.

"Miss, lahat ba ng pinili ko ay kasya sakaniya?" Tanong ni Rod. Ibig sabihin ay siya pala ang namili ng mga sinuot ko kanina. Hindi ko napigilang makaramdam ng tuwa.

"Opo sir, twenty three pieces na damit po lahat." Sagot naman ng babae na halatang nagpapansin sa aking asawa. Hinayaan ko na lamang dahil ayokong masira ang pagbabago ni Rod dahil sa isang maling galaw ko.

Kaya siguro ayaw niyang maniwala sa akin kanina na asawa ko si Rod. Mukhang nagugustuhan niya ang asawa ko, halatang nagpapapansin.

"Please total everything miss, kukunin namin lahat ng napili ko." Nabigla naman ako sa sinabi niya dahil kung pagsasamahin lahat ng presyong nakita ko kanina ay aabot yun sa mahigit labing walong libong piso.

"R-rod? Nakakahiya sa iyo at ayos na sa akin 'to at isa pa masyado iyong marami. Nakakahiya Rod, ayos na ito.'' Usal ko sa mababang tinig dahil sobra sobra ang magiging gastos niya para lang sa mga damit ko. Kung tutuusin ay mas ayos pang bumili nalang sa divisoria, baka mas marami pa akong damit na makuha at mas mura pa.

"It's fine besides, pambawi 'to sa ilang taon na pagsasama natin. Just let me do these things for you, Kristin." Hindi ko alam kung ilang beses na akong napangiti sa araw na ito pero siguro ay mas dadami pa ang aking mga ngiti sa mga susunod na araw.

Dahil kagaya ng sinabi ni Rod, simula palang ito ng kayang pagbawi. Sana ay magkaroon na kami ng tunay na kaligayahan simula ngayon.

Muli akong susugal para sa aming pamilya. Lalong lalo na para sa aking mga anak.

---
A/N: Bibigyan na ba natin ng second chance si Rod para ipakitang nagbago na talaga siya? Sa tingin niyo?

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon