Kristin
"At sinong nagsabi sayo na pwede ka na namang umalis sa bahay ko?! Hindi ka na talaga natuto ano?" Sigaw agad ang bumungad sa akin pagkatapak ko sa loob ng bahay namin.
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Rod sa akin. Hindi ko sinasadyang umalis ngunit nais ko lamang na hanapin ang anak namin.
"Sir hinanap ko l-lang si Clark-aray!" Napasigaw na lamang ako noong hinila nanaman niya ang aking buhok.
"Anong tingin mo sa akin? Parehas sa'yo na tanga? Hahayaang mawala ang anak ko? Inutil!" Paulit ulit niyang isinigaw sa mukha ko na isa akong bobo at walang isip. Hindi pa naghilom ang mga iniwan niya pasa sa aking katawan ngunit mukhang madadagdagan muli ito.
"Hoy tigilan mo nga 'yang kakaiyak! Magluto ka maglulunch kami dito ni Karell. Susunduin ko lang siya, pag balik namin gusto ko ng romantic na ayos. Naiintindihan mo?!"
Kahit na masakit sa aking parte bilang isang asawa ay sumagot pa rin ako, 'opo sir' nalang ang naging sagot ko sakanya.
Kahit nahihirapan gawa ng pakikipagsiping niya sa akin kahapon ay nag sipag pa rin akong maglinis at mag ayos ng bahay ni Rod. Niluto ko na rin ang mga putahe na paborito niya.
Gagawin ko lahat para kay Clark, para sa masayang pamilyang pinangarap niya, iyon ang hiniling niya sa akin noong ika limang kaarawan niya.
Saktong alas dose na ng hapon noong dumating si Rod at Ms. Karell.
Napakaganda pa rin niya pero hindi ko inaasahan na sa magandang mukha niya at ugali sa harap ng media ay ibang iba pala ang tunay niyang pagkatao.
Kitang kita ko kung paano hawakan ng aking asawa ng may pag iingat si Ms. Karell. Kitang kita ko kung paano maghalikan ang dalawa na mukhang sabik na sabik sa isa't isa. Ako yung asawa pero wala man lang akong magawa.
Siguro kaya niya inilayo si Clark dito sa bahay ay dahil pupunta ngayon dito si Ms. Karell. Ayos na rin iyon para ako ang makasaksi sa pambababae niya at 'wag lang ang anak namin.
Dirediretso lang sila ng lakad na 'di ako pinapansin at nilalampasan na lang na parang hangin. Pinaghain ko sila ng makakain, inuna ko ang sabaw para mainitan muna ang kanilang sikmura ngunit noong ilalagay ko na ang sabaw sa gilid ni Ms. Karell ay bigla siyang gumalaw ng pasadya.
"Aray! Hon, tignan mo sinasadya niya akong tapunan ako ng soup!" Maarte ang pagkakasabi nito at umaktong nasaktan talaga ngunit kitang kita ko naman na sa sahig tumapon ang sabay at hindi sakanya.
"S-sir hindi p-AAAH!" Agad akong napatalon sa init na naramdaman.
"Sa susunod umayos ka! Baka gusto mong tapunan kita ng isang kalderong sabaw? 'Wag mong sasaktan si Karell, naiintindihan mo?! Layas! Pasalamat ka at sabaw lang na nasa mangkok ang tinapon ko sayo." Gigil na pagalit ni Rod sa akin.
Nakita ko ang bahagyang pag ngiti na ginawa ni Ms. Karell.
Mabilis akong umalis bago pa ako makatanggap ng iba pang masakit na salita at bago pa madagdagan ang pasakit na ginagawa ni Rod sa buhay ko.
Dumiretso agad ako sa aking kwarto na nagsilbing tahanan ko sa mga nagdaan na buwan. Miss na miss ko na ang aking anak, siya na lamang ang nagbibigay sa akin ng lakas sa bahay na ito.
Dahil marahil sa pagod ay hindi ko na namalayan ang pag pikit ng aking mga mata.
Nagising ako dahil sa mga ungol at halinghing na naririnig ko mula sa kwarto ni Rod. Agad akong napabangon at naramdaman ang hapdi ng katawan ko dahil sa sabaw na itinapon ngunit wala na akong magagawa kung hindi magtiis dahil asa naman akong bibigyan ako ni Rod ng pampagamot.
Napagdesisyunan ko na lamang na maligo at sabunan ng maigi ang natapunan na parte ng aking tiyan.
Matapos ang mabilis na pagligo ay nagtungo ako sa ibaba upang maglinis dahil alam kong walang alam sa gawaing bahay ang kabit ng aking asawa.
Nang patapos na ako sa mga hugasin ay biglang sumulpot si Ms. Karell.
"Hey look! The stupid wife is here. Pft, sorry 'di ka pala nakakaintindi ng ingles." Pang-uuyam nanaman mula sa isang tao.
"Pasensya na po Ms. Karell, aalis nalang po muna ako." Sinubukan ko siyang iwasan dahil ayokong magkaroon ng gulo.
"Hoy boba, 'di pa kita tapos kausapin!" Napalingon ako sakaniya nang hatakin niya ang aking buhok na nagpaiyak sa akin ng tuluyan, parang matatanggal ang aking anit sa higpit ng kanyang mga kamay.
"Ma'am, maawa po kayo tama na po..."
"Oh bakit ka umiiyak? Ako dapat ang umiiyak ngayon." Sabi niya sa mahinang tinig na hindi ko naintindihan ang ibig sabihin.
Kasabay nang pagbitaw niya saakin ang siyang pag gulo niya sa kaniyang buhok at pag basag ng dalawang pinggan sa kanyang harapan.
At 'yun ang saktong naabutang eksena ng aking asawa.
Biglang umarteng umiiyak si Ms. Karell, at bago pa man ako makapagsalita. Hawak na ni Rod ang aking mga panga.
"Anong ginawa mo?!" Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak sa akin ni Rod.
Kahit masakit, pinilit kong umiling upang maipaliwanag ang aking nais sabihin.
"Hon, sinaktan niya ako. Sabi niya dapat siya daw ang nasa pwesto ko kanina dahil siya ang asawa, I was just approaching her to say sorry for what happened awhile ago but then, she started saying those things and binato niya pa ako ng pinggan." ani Ms. Karell na umiiyak pa rin at halatang nagpapaawa.
Sinubukan kong sabihin na wala akong ginawang masama pero naalala kong sarado ang isip at puso ni Rod sa lahat ng bagay patungkol sa akin.
"Masyado kang ambisyosa, namumuro ka na! Hindi ba sinabi ko sa'yo na 'wag mong sasaktan si Karell?! Ang dapat talaga sa'yo pinaparusahan para matuto!"
Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko noong hinila niya ako palabas at dinala sa bakuran.
"Rod! Wag! Maawa ka, wala akong ginagawang masama!" Halos hindi magkamayaw ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ayoko doon!
Hindi ako pinakinggan ni Rod at sapilitang isinuot sa akin ang tali para sa aso.
VOTE | COMMENT | FOLLOW
![](https://img.wattpad.com/cover/156980964-288-k161432.jpg)
BINABASA MO ANG
The Illiterate Wife ✔
Romance[R 18+] "Ginusto mo to Kristin. 'Wag na 'wag mong ipapasa sa akin ang kasalanan mo!" Maria Kristin Garcia-Bezos, The Illiterate Wife. Language Used: English/Filipino 🖋 © grinnish greene