TIW 10

9.7K 206 34
                                    

Kristin

Kahit nasaktan sa sinabi ng babae ay hinayaan ko na lang. Pinili ko na lamang na 'wag pansinin ang kaniyang sinabi at sinubukan kong maging masigla lalo na't nakita ko si Clark na tumatakbo papalapit sa akin.

"Mommy ko! Namiss po kita." Sabi niya bago yumakap sa akin ng pagkahigpit higpit.

"Anak, kamusta? Namiss ka rin ni nanay." Hinalikan ko sa pisngi ang aking anak sabay yakap ng mahigpit sakaniya.

"Mommy, ayos lang po ako sabi po ni mama lola sakanila daw po muna ako kasi miss daw po nila ako sobra sabi po nila pero sabi ko miss ko din po ikaw kaya tabi tayo mamaya tulog po." Diretsong saad ng aking anak na hindi man lang huminga.

Bahagya akong napatawa bago nagbigay ng ngumiti kay Clark tsaka tumango.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot na gusto nilang kuhain muna si Clark ng panandalian pero alam kong ginagawa lang yun ng nanay ni Rod para sa ikabubuti ng anak ko.

Gusto niyang matutukan ang nag iisang apo niya at bigyan ng buhay na nararapat dahil isa itong Bezos, ito ang buhay na kahit kailan ay hindi ko maibibigay sa aking anak.

Sa buong gabing 'yon ay ang anak ko ang aking kasama at hindi ko na muli pang nahagilap si Rod.

Hindi na ako kinausap pa ng mga kapamilya ni Rod at tanging si Clark lang ang naging kakwentuhan ko ngunit ayos na 'to. Mas mainam pang anak ko na lamang ang pagtuunan ko ng pansin kaysa sa ibang tao.

Matulin na lumipas ang oras at natapos ng payapa ang kaganapan na tanging ako lang ang naging pang gulo.

Tanggap ko naman eh, kahit kailan hinding hindi ako mapapabilang sa kanila. Alam ko na ngumingiti lamang ang iba pero itinuturing nila akong basura at mababang klase ng tao sa loob ng isip nila.

Naiintindihan ko na nirerespeto lamang ako dito dahil sa pangalan ng asawa kong nakakabit sa akin.

Umuwi kaming pamilya sa gabi na iyon. Wala ng naganap na paguusap sa amin ni Rod na laking ipinagpapasalamat ko at nakasama ko rin muli sa aking pagtulog ang aking anak sa kaniyang kwarto.

Anak, salamat ha? Dito ka lang kay mama, ikaw lang pinagkukuhanan ko ng lakas ngayon eh. Mahal na mahal kita anak.

Nakatulog akong nakangiti habang kayakap ang aking anak. Ngayon lang muli ako naging komportable at payapa sa pagtulog.

Nagising ako na wala si Clark sa aking tabi. Nagmadali akong nag-ayos at pababa na dapat ako ng hagdan noong naabutan ko si Rod na nag iimpake ng kanyang damit at mga gamit ng aking anak sa kaniyang silid.

"S-sir? Saan po kayo pupunta?" Nanginginig kong tanong habang papalapit sa kaniyang pwesto, hindi ako papayag na ilayo niya ang anak ko. Kinakabahan na rin ako dahil hindi ko mahagilap ang anak ko sa loob ng bahay.

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit bigong nakakuha ng sagot. Tahimik lang na nagpapatuloy si Rod sa kaniyang ginagawa na parang wala ako sa kaniyang tabi.

Dahil na rin sa kaba ay pilit kong binabawi ang mga damit ni Clark sakanya.

"Rod! Huwag mo namang ilayo ang anak ko! Amin na yan Rod! Nasaan si Clark?!" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sigawan siya pero magagawa mo nga ata ang lahat para sa iyong anak.

Nakita ko ang pagbabaga ng kanyang mga mata kasunod nito ang isang sampal na pinakawalan niya papunta sa akin. Tila nablangko ang aking pagiisip sa sobrang sakit ng pagkakatama ng kanyang kamay sa aking pisngi.

"Pwede ba umayos ka Kristin! Magbabakasyon kami kasama si Karell dahil siya dapat ang asawa ko kung hindi dahil sa'yo! Gusto mong malaman kung nasaan si Clark? Kasama niya si Karell ang kanyang magiging ina."

Agarang lumabas si Rod matapos ayusin ang mga damit na inimpake.

Tahimik ako na lumuluha dahil alam kong wala akong magagawa. Wala akong boses sa bahay na 'to. Muli, ako ay naiwang nag-iisa...

Kilala ng anak ko si Ms. Karell bilang isang kaibigan ng kaniyang ama at minsan na rin niyang ikwinento na mabait ito sakanya at ibinibili siya ng mga laruang gusto niya habang ako ni isang laruan ay wala akong maibigay sa anak ko maliban na lamang sa mga tinatahi kong unan na kinabitan ko ng disenyo.

Napakawala kong kwenta. Kung ba wala ako sa buhay nila, mas sasaya sila?

Wala na ba talagang pag-asa ang pamilya namin?



Lumipas ang mga linggo ngunit walang Rod at Clark na bumalik. Araw araw akong nagaabang sa pinto at natatakot ako sa naiisip na possibilidad na baka iniwan na nila ako.

Akala ko ay masisiraan na ako ng bait kakahintay sakanila pero buti na lamang at nakakausap ko ang aking anak sa pamamagitan ng telepono.

Walang nagbago sa trato sa akin ni Rod, napipilitan na lamang siyang kausapin ako minsan dahil sa anak namin. Minsan ay naririnig ko ang hagikhik ng aking anak habang kausap si Ms. Karell at paulit ulit din na sinasabi sa akin ni Rod na masaya na silang tatlo at sila ang tunay na pamilya.

Mas mainam daw kung umalis na ako at magpakalayo sakanila. Kung pwede lang.

Napangiti na lamang habang umiiyak. Lagi nalang ganito. Said na said na ako sa mga ginagawang pagmamaltrato ni Rod sa akin. Malapit ng maubos ang luha ko, kakaiyak sa mga bagay na mukhang kahit kailan ay hindi na maaayos pa.

Nais ko ng bumitaw sa relasyong ako lang ang patuloy na nagmamahal. Ito na ata ang limitasyon ko pero may pumipigil sa akin.

Alam kong oras na bumitaw ako ay hindi lang ako ang magiging kaawa awa. Hindi lang ako ang magiging apektado.

Sa akin ay pansin ko ang pagbabago ngunit ayoko nito dahil hindi ako sigurado kung matatanggap niya pero masaya pa rin ako. Isang biyaya na ibinigay ng diyos, siguro nga hindi pa ito ang oras para sumuko.

Ayoko pang sumuko...



dahil buntis ako sa pangalawang anak namin.

---
A/N: Follows, votes, and comments are highly appreciated. Thank you so much! Sorry po sa matagalang update ((:

VOTE | COMMENT | FOLLOW

The Illiterate Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon