I

5K 159 19
                                    

Hala namiss ko magsulat. First of all gusto ko mag-apologize sa mga umasa sa inumpisahan kong story na "Booked", pero kagaya siguro ng ibang nagsusulat ng stories,darating yung time na mawawalan ka ng gana at ng idea so nakakalungkot man I decided na itigil yung story na yun.

This story on the other hand ,ay nakakaexcite for me kasi I have always wanted to go back sa way ng pagsusulat ko, hindi ko ata talaga kaya magserious or drama HAHAHA. So yun, I'll be also asking you guys to share your comments and suggestions kasi doon ako minsan kumukuha ng motivation and even idea for my plot. And above all,Salamat sa mga nagbabasa pa rin ng mga previous stories ko. Salamat!!

Enjoy!!




"When are you planning to go back Kenneth?"

Boses na medyo ikinagulat ko habang nasa opisina ako ng kwarto ko at nakatunganga. Kailan nga ba ako babalik? Hanggang kailan ko ba gagawin sa sarili ko ito? Worth it ba lahat? O baka naman gago lang talaga ako sa ginagawa kong ito? Ugh! I really dont know. Ano ba ? bakit pati ako hindi ko alam ang ginagawa ko? Nakakabobo ha,ang dami kong tanong sa sarili ko.


"Its been 5 years Kenneth. Don't you think youve had enough time para makapag-isip? Iba ka na sa noon, ibang tao ka na Koi. Hanggang ngayon ba apektado ka pa rin?" dagdag pa nito nang mapansin nitong hindi pa rin ako kumikibo at nagsasalita.


Nag-iba na nga ba ako? O baka naman patuloy ko pa ring pinapaniwala ang sarili ko na nag-iba na ako? Napabuti ba ako sa pagiiba ko?


"What if I'm not ready yet?" Mahina kong tanong


Paano kung hindi pa ako handa? Paano kung masakit pa rin? Bakit ba ang hirap mabuhay sa mundo na puno ng uncertainty,mga tanong na hindi mo alam kung paano mo sasagutin o worst kung masasagot mo ba dahil ipinaglihi ka sa isat-kalahating kaduwagan.


"Ikaw lang ang makakasagot niyan Kenneth. Pero kilala mo ang sarili more than anyone else. Walang mangyayari kung lagi ka lang matatakot. I need to go" huling sabi nito bago lumabas ng silid ko at iniwan akonh gulong-gulo.

Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Kenneth? Masaya ka na ba talaga o niloloko mo pa rin sarili mo? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, this might be wrong pero bahala na. Wala naman talagang sigurado sa mundo pero tama nga siya,hindi tamang isarado ko ang pinto ko sa lahat ng mga taong nasa paligid ko. Tama na siguro ang limang taong pagiging selfish ko sa mga taong nagmamahal pa sa akin.

Uncertainty sucks pero aminin naman natin, yun ang nagdadala ng excitement sa buhay. Pero paano kung hindi ka ganun ka-adventurous para harapin lahat ng uncertainty na ito? Hay naku! Kaya nakakabilib din minsan yung mga risk takers e, wala lang nabanggit ko lang naman haha.


Bahala na. Oh fuck?! Same old Kenneth pa rin ba? Bahala na naman ba Kenneth?


Nababaliw na ata ako dahil nakangiti kong dina-dial ang number ng kaibigan kong matagal ko ding hindi nakausap. Sino nga bang hindi makakamiss sa babaeng ito, na isang planggana pa ata ng pwet ng manok ang nilantakan ng bata kaya naging sobrang daldal pag laki.


"Sino ito?" Bungad nito na kaagad ko lang ikinangiti. Grabe,same number pa rin ang gamit niya. Pero kahit na sobrang saya ko ngayon,hindi pa rin maaalis ang takot at bahala na baka galit siya sa akin. Sino bang hindi magagalit kung bigla na lamang hindi magparamdam sayo ang kaibigan mo? Ang tindi mo Kenneth ha,pati kaibigan mo ginoghost mo, taga UST ka ba?


"Uhm due date na po kayo ng Meralco ma'am" pangloloko dito. Isa sa mga bagay na namiss kong gawin,kailan nga ba ang huling pagkakataon na nang-asar at nangulit ako?


Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon