"Pasensya na talaga sa abala. Ang totoo niyan sumabay lang naman talaga ako kay Isaac kasi sabi niya mas madaling maghintay ng taxi doon sa coffee shop. Ni hindi ko nga alam na nandoon din si Maya eh" paliwanag ni Clifford habang nasa gitna kami ng byahe papunta sa resto na pagkakainan namin."No, wala namang problema." Sagot ko dito sabay ngiti habang nakatingin pa rin ako sa kalsada. Ayoko siyang tignan I mean, well syempre dahil nagmamaneho ako and pangalawa naiilang ako,basta may something sa mga titig niya. Presence niya pa nga lang naiilang ako,makipagtitigan pa kaya?
After nang mabilisang pag-uusap na yun ay namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan, alam mo yung feeling na parehas kami nangangapa? Basta yun. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang sumabay pa ng traffic at malakas na pagbuhos ng ulan ngayon. Tignan mo nga naman ang tadhanan, nang-uulul na naman.
Mukhang busy din naman si Clifford kakacellphone kaya minabuti kong buksan na lang muna ang radyo ng sasakyan.
Pero mukhang wrong move din...
Now Playing Ngiti by Ronnie Liang
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langitAfter ng first stanza ng kanta ay nakita ko mula sa gilid ko na itinigil ni Clifford ang pagcecellphone at nag-umpisa na ang palihim nitong pagngiti habang ako naman ay parang natatae na ewan dito. Bakit kailangan mong ngumiti? Nakakatawa ba yung kanta? Kasi ako asar na asar na eh.
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabikTapos titingin pa yan? Luh parang gago. Kailangan bang gawin niya yung sinasabi ng kanta?
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtinginAt hindi ko na namalayan na sinasabayan na pala ni Clifford ang kanta habang nakatingin sa akin. At eto naman ako na hindi alam ang gagawin, bakit ko ba kasi binuksan yung radyo? Dana superbass o chambe na lang ang pinatugtog bakit kailangang yung kantang yan pa?
"Bakit ayaw mo sabayan?" Nakangiting tanong ni Clifford habang tuloy pa rin ang pag-kanta niya na para bang bumabackground sa awkward naming sitwasyon ngayon.
"Ahh hehe ikaw na lang.." naiilang kong sagot dito. Whoo jusko bakit pinagpapawisan ako. AC nasaan ka,utang na loob.
"Favorite mo kaya yan haha, sabay ka na bilis" pang-aasar nito
"Kaya mo na yan hahaha" natatawa kong sagot trying to hide yung pagkailang na nararamdaman ko.
"Naaalala mo pa ba yung kantang yan?" Nakangiting tanong ulit ni Clifford. Punyemas naman bakit ba lagi kang nakangiti? Porket ba ngiti yung title nung song? Habang ang tugtog naman na to ay hindi pa rin tumitigil. Next song na dj ano ba?
"Ah haha oo. Ngayon ko na lang ulit napakinggan yan e" palusot ko na lang hoping na mababago ang topic.
"Ako araw araw pinapakinggan ko yan. Soundtrack natin yan noon ah. Bakit mo kinakalimutan? Haha Hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung paano kita napasagot sa tulong ng kantang yan haha" pagkukwento ni Clifford
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?