"Ohmygosh!!!Nakakakilig! Like to the 10th power!" Tili ni Janice after kong ikwento sa kanila ang nangyari noong isang araw. Ang kahindig-hindig na pangyayaring napagtagumpayan ko dahil lang sa isang suntok. Pacquiao is shaking"Anong nakakakilig doon? Adik ka ba Janice? O maluwang turnilyo mo?" Badtrip kong tanong sa kanya.
"Wala naman. Kinilig lang ako hahaha ito naman mainit agad ang ulo. Summer din sa head?" agad na sagot nito sa akin na inirapan ko na lang. Pinoprovoke mo ko eh!
"So paano na yan? Anong plan mo? Sasabihin mo ba sa Boss mo ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Maya habang binibigyan kami ng binake niyang cake.
Kasalukuyan kasi kaming nandito sa bahay nila Maya and hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na ikwento ang nangyari noong isang araw. Eh bakit ba? Nakakabadtrip yung hayop na yun eh,akala niya hindi ko siya aatrasan? Hindi oy!
"Hindi ko alam. I dont know! Masyadong nag-eexpect sa akin si Isaac. Ugh! Bakit kasi hindi na lang ibang lalaki ang na-assign sa akin?" Nagrereklamo kong sagot dito
"Eh baka naman kasi way na yan ng Universe para sabihin sayo na kayo talaga. Na si Clifford ay para kay Kenneth at si Kenneth ay para kay Clifford. Happy Ending!!" singit ni Janice na pinitik ni Maya.
"Aray Maya, tilos tilos ng kuko mo eh,may lupa-lupa pa nga oh!" asik ni Janice kaya kaagad namang napatingin si Maya sa kuko niya. Uy may point si Janice, haciendera pala si Maya eh,dami lupain sa kuko.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Janice? Niloko niya ako and besides nandoon kayong dalawa noong nangyari iyon. Kitang kita ninyo yung kababuyan nila....teka nga lang pala, paano ninyo ba napatawad yung cheater na yun? I mean,nandoon kayo eh" nagtatakang tanong ko sa kanila habang nagpapalipat-lipat ako nang tingin sa kanila.
Ewan ko ba pero parang nagtuturuan pa ang dalawa kung sino ang mauunang sasagot.
"Ano na? Bakit nga?!" Yamot ko nang tanong dahil naiinip at kinakabahan din ako sa isasagot nila.
"Nilibre niya kasi ako sa Vikings eh, eh magkano din yun baks. Charot! Si Maya na mageexplain" sagot ni Janice na kaagad kong sinamaan nang tingin sabay baling nang tingin kay Maya na bumuntong hininga muna.
"Yes,totoo. Nandoon kami and trust me Ken na galit na galit din kaming dalawa sa kanya. Matagal,sobrang tagal bago namin nahanap ang forgiveness sa puso namin. Sobrang hirap Ken dahil everytime nakikita namin siya naaalala namin yung isang naming kaibigan na nasaktan din. But Ken,you also have to understand na kaibigan din namin si Clifford. Parte siya ng barkada and kahit papaano kailangan din namin siyang intindihin" seryoso at sinserong sagot ni Maya na masakit man ay aaminin kong naiintindihan ko.
May mali si Clifford pero hindi nun mabubura ang pagiging magkakaibigan nila. And it will be very unfair if ieexpect ko na magagalit din sila habambuhay kay Clifford. Bilang kaibigan, obligasyon natin na itama at iparamdam sa kaibigan natin ang pagkakamali nila pero hindi ibig sabihin nun ay iiwanan natin sila sa pagkakamaling iyon...at yun ang ginawa nila Maya.
"Ganda ng explanation ni Maya,sana all" bulong ni Janice
"Naiintindihan ko. Sorry if naging selfish ang thinking ko." Tanging nasabi ko bago ako yakapin ni Maya.
"Pero alam mo naman na ikaw pa rin ang babyboy ko right?" Ani ni Maya pagkabitaw sa akin
"And ako ang babygirl mo?" Singit ni Janice na sinimangutan lang ni Maya sabay balik sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?