"Seriously?!!!" Eksaheradang reaksyon ni Janice nang ikwento ko sa kanila ang nangyari."This is so unpredictable. I mean kilala natin si Clifford, lapitin siya pero he would never settle for less. Sa tao pang hindi niya alam na nambubully sayo" dagdag pa ni Maya after niyang ibaba ang tasa ng tsaa na iniinom niya.
"Malay naman natin na mabait pala yung babaeng yun." Sabi ko na lang habang pilit kong itinatago ang totoo kong nararamdaman.
"HOY KEN wag kang magpanggap na mabait diyan ha dahil ikaw ang nagbansag doon na taong lipstick! Shuta yang si Clifford ganun ba kakati para doon pumatol" sita sa akin ni Janice habang nilalantakan ang mga inorder naming dougnut. Ano ba tong babaeng to at kanina pa kain nang kain? Wala na atang pakialam sa diet niya though pretty pa rin naman si Janice.
"Buntis ka ba?" Tanong ko dito kaya kaagad naman ako nitong sinamaan nang tingin
"Gaga! Judgemental ha. Hindi ba pwedeng wala lang akong breakfast?" Irita nitong sagot sa akin habang nguya-nguya pa rin yung bavarian na kinakain niya.
"My gosh Janice isang bata na naman ba na walang ama yan?" Gatong ni Maya sabay tawa
"Hoy mga gaga malaki lang tyan ko ngayon dahil di ako nakajebs kagabi. Teka nga! Bakit ba sa akin niyo nilalagay ang spotlight. Hindi ba dapat diyan kay Ken?! So ano na nga plano mo?" Tanong ni Janice sa akin dahilan para tignan ko silang dalawa.
Ano nga bang plano ko? Dapat ko bang habulin siya? Mali eh. The moment na iniwan ko siya dapat handa ako sa mga posibleng mangyari.
"Ken? So ano na what's your plan?"tanong ulit ni Maya na mukhang naghihintay din sa akin ng sagot.
"Why should I have a plan?" Balik na tanong ko sa kanila na sinagot ni Janice ng isang pagdadabog.
"Hoy Manners nga. Pinagtitinginan tayo oh" sita sa kanya ni Maya pero inirapan lang din siya nito.
"Naku naiirita na ako diyan sa kaibigan mo Maya ha. Akala mo kasing nipis ni Kim Chui kung makapag-inarte e, si Maine ka ba ha? Kulang na lang magpabebe wave ka eh" yamot na sabi sa akin ni Janice na ikinagulat ko.
Bakit gigil na gigil naman itong isang to.
"Janice ang OA ng reaksyon ha" sita ulit sa kanya ni Maya na sinimangutan niya kaya kahit papaano ay kumalma ito
"Janice alam kong nanghihinayang ka sa amin ni Clifford pero kailangan natin tanggapin na I already accepted the fact na malabo ng maging kami at ngayon masaya na ako may taong mag-aalaga sa kanya" medyo seryoso kong sabi sa kanya dahilan para mapatingin ito nang seryoso sa akin.
Palabiro si Janice pero iba rin ito pag nagseryoso. Minsan lang siya makausap nang matino pero once magsalita ito for sure may punto at may impact talaga. Dinadaan niya lang lahat sa biro pero magaling si Janice when it comes to observing situations. Wala siyang bias, kung nakita niyang mali ka asahan mo na irurub niya pa yun sa face mo para marealize mo ang pagkakamali mo.
"Naisip ko lang yung nararamdaman ni Clifford. Naisip ko na baka gusto mo na siyang ipaglaban.? Na baka nagising ka na sa katotohanan na sa huli mas lamang pa rin yung pagmamahalan niyo kesa imperfections ng bawat isa? Na baka naman marealize mo na ay mahal ko siya at dapat pinaglalaban ko din siya" seryoso din nitong sabi
"Ken, Janice has a point. Hindi mo man lang ba kinonsider?" Matamang tanong sa akin ni Maya
Kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang kung ilang gabi ko pinagsisihan yung ginawa ko. Kung alam niyo lang gaano ko pinigilan ang sarili kong puntahan si Clifford para bawiin ang mga sinabi ko. Pero hindi eh.
"Maya,Janice.. Clifford and I are both matured individuals. Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na tanggap ko na yung mga nangyari. Yes its painful pero ito yung realidad. And naisip ko, kung hahabulin ko ba si Clifford mas magiging masaya ba siya? Hindi naman kasi fairytale ang buhay eh, ayokong isipin na pag hinabol ko siya ay magiging okay na ang lahat" paliwanag ko sa kanila na sinuklian ni Maya ng tango habang si Janice naman ay nakairap pa rin.
"Ganda ka?" Tanong nito
"Inexplain ko na nga di ba?" Inis ko na ding tanong dito dahil kanina pa ako naiirita sa pagtataray niya.
"Isang tanong,isang sagot...Mahal mo pa ba si Clifford?" Seryosong tanong ni Janice sa akin
"Ano bang tan....." apila ko sana pero nagsalita na naman si Janice
"MAHAL MO BA SI CLIFFORD?!!" Tanong ulit nito
"Oo" ani ko
"Yun naman pala. Ang arte arte mo pa. Alam mo kung lagi kang ganyan talagang lulungkot buhay mo. Puro ka tanggap eh." Sita sa akin ni Janice na kinunutan ko ng noo.
Hindi ko alam saan nanggagagaling ang yamot nitong babaeng ito sa akin ngayon. Ayoko namang patulan dahil alam ko naman na concern sa akin ang punot dulo nito. Hindi lang talaga sanay si Janice na iverbalize iyon nang maayos unlike Maya na mapapaintindi niya sayo ng mahinahon.
"Itigil na natin to. Oks na ako sa buhay ko. I'll get through with this" sumusuko kong sabi sa kanila sabay kuha ng doughnut nang biglang magsalita si Maya
"She is actually right Ken. Hindi lahat ng ibinibigay ng buhay ay tatanggapin mo. What if mali? What if pinaglalaruan ka ng tadhana? Hahayaan mo na lang ba?" Ani nito na sinagot ko na lang ng buntong hininga.
Ano bang gusto niyong gawin ko ha?
Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay hindi nawala sa isip ko yung pinagsasasabi ng dalawa kong kaibigan. Hindi ko sila actually maintindihan. Gusto ba nilang ipaglaban ko si Clifford? Eh ang bobo ko naman nun, pinaalis ko nga eh tapos ngayon hahanapin ko?
Sa totoo lang gustong gusto ko siyang habulin pero naisip ko para saan pa? Para saktan lang siya? Pero ang pinaka narealize ko sa lahat na baka naman napatawad ko na siya sa kasalanan niya noon at ginagawa ko na lang yung dahilan dahil takot na ako magmahal? Ugh ewan!
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko nang biglang magring ang phone ko. Si Sir Isaac? Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Yes Sir Good evening po" bungad ko
"Hi Good Evening Ken, am I disturbing you?" Sagot nito. Gustong gusto ko sabihin na "oho nasa gitna po ako nang pagpapahinga" pero wag na baka mawalan pa ako ng trabaho.
"Hindi naman Sir, ano po sa atin at napatawag kayo?" Tanong ko dito habang unti-unti akong bumabangon mula sa pagkakahiga
"Yes Ken, I called to ask you a favor" ani nito
"Ano po yun Sir?" Tanong ko. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan. For sure hindi ito basta-bastang favor kasi kung madali ito pwede niya namang sabihan ang ibang staff sa office.
"Tomorrow kasi gagaganpin yung Gala for all the leading business newspapers as well as magazines sa bansa. Uhmm late notice pero is it okay if isama kita?" Ani nito na medyo ikinabigla ko. Just like what I have expected,hindi nga madaling favor ito.
For sure kasi formal event ito at hindi rin naman ako ganun kasanay sa mga ganitong pagtitipon. Plus the fact na bukas agad ito and hindi man lang ako nabigyan ng time to prepapare
"Naku sir...." sagot ko sana pero kaagad ako nitony pinutol
"You dont have to worry about sa susuotin mo. I'll have it prepared for you. I just need someone to accompany me there. I just need a date" ani nito mas ikinagulat ko
"Date po?" Tanong ko ulit na ikinatawa pa niya mula sa kabilang linya.
"Yes Ken, can you be my date?"

BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?