XXVI

2.2K 104 18
                                    


"What the fuck?" Gulat kong reaction nang makita ang nakangising si Clifford sa pinto opisina ni Alicia.


Pucha? Bakit nandito to? At mas lalong hindi ko nagugustuhan ang pangisi-ngisi niya dito dahil for sure may masamang balak ang mga ngisi niya.

"Aba magmumura pa samantalang ako minamahal ka. Ayiiee" ani nito sabay kindat sa akin kaya kaagad kong inilipat ang tingin ko kay Alicia na mukhang nabigla din sa biglang pagsulpot ni Clifford


Ano to Alicia? Maang-maangan? Bakit nandito itong lalaking ito? Set up na lang ba lahat ng nangyayari dito?


"I really dont know kung bakit nandito siya. I was just planning to talk to you and tell you the truth. Thats it. And please if may scene kayo na masyadong cheesy wag here. You guys can go out my gosh" ani ni Alicia



Eh anong ginagawa ng lalaking ito dito? At bakit sa napakaraming pagkakataon bakit ngayon pa?


"Alam mo wag ka na magtaka kung bakit nandito ako. Kasi yung puso natin magkadugtong, so yun ang sinunod ko why I am here" nakangiting singit ni Clifford na ikinacringe ko.


Jusko pinagsasabi nito? Ang lakas maka high school ng mga banatan



"Yucks Clifford. Stop that. My gosh kadiri" dinig kong reaksyon ni Alicia.



Hindi ko na natiis ang mga nangyayari kaya agad na akong tumayo para lumabas ng opisina ni Alicia. Jusko ano bang pinag-gagagawa ko? Mas lalong ano ba yung pinagsasasabi ko? Kulang na lang pala lumuhod ako doon.



"Saan ka ba pupunta ha?" Nagtatakang tanong ni Clifford sa akin habang naglalakad ako papunta sa parking lot.


"Wag mo akong sundan naiirita ako sayo. Yamot actually!" gigil kong sagot dito


"Aba ang sungit ah. Samantalang kanina mahal na mahal mo ako, di ba nga umiiyak ka pa. Na ayaw mong mawala ako sayo tapos ngayon susungitan mo ako nang ganyan?" Sumbat nito habang nakasunod pa rin sa akin



"Manahimik ka. Bayagan kitang hinayupak ka eh. Dami mong kalokohan eh" Gigil kong sagot dito habang naglalakad pa rin nang mabilis.


At nakasunod pa rin si gago.


Hindi ako galit okay? Nahihiya ako sa mga nangyari its not like hindi ko minimean ang mga sinasabi ko, nahihiya lang talaga ako. Hindi ko lang naimagine ang sarili ko na magsasabi nang ganun but yes nagawa ko siya.



"Oy oy! Di na uubra yan. Boyfriend mo na ulit ako kaya bumalik ka na dito. And yakap dapat ang salubong mo sa akin. Dapat nga kiss pa eh pero dahil hindi pa ako ready sa mature roles, yakap lang muna" Mayabang naman nitong sagot



"Lakas naman ng apog mo?" Di ko makapaniwalang sagot dito



"Aba ayaw pang maniwala ng isang to? Baka gusto mong iparinig ko sayo yung mga sinabi mo kay Alicia kanina. May pa let him go , let him go ka pang nalalalamn eh ikaw lang naman ang may-ari sa akin" nakangisi nitong sagot dahilan para mas mamula ako sa hiya.



"Gago" tanging sabi ko sabay lakad ulit papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan ko.



Shit shit! Narinig niya! Narinig niya lahat ng mga sinabi ko kanina? Yung pagmamakaawa ko kay Alicia. And whats more surprising ay yung fact na nagpanggap lang sila para pagselosin ako. Ganun ka ba ako kamanhid para umabot sila sa ganung punto?



"Ano ba ? Saan ka ba pupunta? Hindi ka ba napapagod kakatakbo? Kakaalis? Harapin mo naman ako, future mo ako oh!" Tanong ni Clifford sa akin habang nakaharang na ito sa pinto ng sasakyn ko.



"Bakit mo ako pinaglalaruan ha? Why are you doing this? Tingin mo ba joke lang to ha?" Inis kong tanong dito



"Plano ni Alicia yun hindi sa akin noh? At mas lalong wala akong balak paglaruan ka, bawiin sobrang oo pero ang saktan at paglaruan ka, aba magkamatayan na. Kung baga napa-oo na lang ako kasi nakita ko na malinis naman ang intensyon niya" sagot naman nito sa akin na ikinangiwi ko. Galing naman. Kulang na lang sabihin niya na biktima din siya sa mga nangyari. Tigas din eh.



"Saka hindi na yun ang issue ngayon. Ang mahalaga umamin ka na na mahal mo pa ako. Kasi di ba yun naman ang importante na kahit ang dami nating pinagdaanan...tayo pa rin? Yung nararamdaman pa rin natin sa isat-isa ang nangibabaw. We should even thank Alicia eh" dugtong pa nito habang nakatingin pa rin ako sa kanya.



Actually hindi naman talaga ako galit sa kanya nor kay Alicia. May inis, kasi natakot ako, I was afraid na baka mapunta lang lahat sa wala, na baka naging masama na akong tao dahil sa kagustuhan na mabawi si Clifford. Pero after malamam ang totoo, yes I was shocked, pero parang nabunutan ako ng isang malaking tinik nung malaman ko na hindi sila. Na yung mga bagay na bumabagabag sa akin like breaking a relationship or being a third party, ay hindi pala totoo or mangyayari.


Medyo kupal lang talaga yung pasok ni Clifford dahil pakiramdam ko napahiya ako.


"Bakit kailangan mong idamay si Alicia sa atin?" Tanong ko dito


"Bungol ka ba? Siya nga nagpresinta di ba? Saka kung ako lang ang kikilos wala na eh, di ba nga ayaw mo na, lumuhod na ako wala pa rin. Minsan nga gusto na kitang kidnappin eh.Isipin na lang natin na siya ang naging wake-up call mo para marealize mo na mahal mo pa ako kasi ako ikaw lang simula noon hanggang ngayon." sinsero nitong sabi sa akin.



Hindi ko alam pero umaapaw na ang emosyon ko ngayon. I am happy, genuinely happy. Muntik ko nang isipin na hindi na ito mangyayari, na yung namagitan sa aming dalawa ay mananatili na lang na ala-ala. After ng mga napakarami kong kaartehan at pagmamatigas ay nandito ako ngayon sa harap ng taong I always knew na patuloy kong minamahal.



"Uy natulala ka na naman diyan. Uy Ken wag naman ganyan nandito pa naman tayo sa parking bak......" parang bata nitong sabi sana pero hindi ko na siya pinatapos agad ko nang niyakap nang mahigpit.



Oh God! Namiss ko ang yakapin siya. Yung pakiramdam na ligtas ka at may taong ma- aalaga sayo, yun...yun ang hatid sa akin ni Clifford everytime niyayakap ko siya. It feels like having someone na handang iabsorb lahat ng problema mo, someone who'll stand by you no matter what.



"Ken..." hindi makapaniwalang ani nito habang mahigpit na din siyang nakayakap sa akin.



"I love you Clifford. I never stopped loving you. Patawarin mo ako if magmatigas ako noon. If nagbingi-bingihan ako sa mga sorry mo. If I was immature to think na wala dapat imperfections ang isang relationship" hagulhol kong sabi dito habang nakasubsubo pa rin ako sa mga dibdib niya.


Iba ang tigas ng chest mga sizt haha eme


"Hush Ken. Magkasama na ulit tayo ngayon. I promise na hindi na kita sasaktan at mas lalong hindi na kita papakawalan" assure nito sa akin.

Those words. Mga salita lang yun pero pakiramdam ko everything will be okay na, na kahit gaano kahirap yung journey, masaya pa rin sa dulo.

"And now ....promise me. Promise me na hindi ka na bibitaw sa akin. Na youll stay with me, that you'll fight with me no matter what" tanong sa akin ni Clifford habang hawak hawak niya ang magkabili kong pisngi at nakatingin sa aking mga mata.



"Oo...oo na" ani ko sabay ngiti at halik ulit sa kanya


End

shesjunaaa  thank you for reading

Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon