"Eh ikaw ano ang plano mo? Kilala kita Ken alam kong gulong-gulo ka ngayon""Ha?"takang tanong ko
"Mahirap yan Ken. Kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mong gawin, kung ano ang idinidikta ng puso mo. Oo kailangan gamitin ang utak pero consider mo din ang puso ha" dugtong pa ni Maya nang makita niyang wala ako sa ulirat.
Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila. Its saturday kaya naisipan ko munang bumisita dito para makausap siya. Mabuti na lang din at wala so Seb kaya mas solo at mas masasabi ko ang dapat kong ikwento kay Maya. Hindi ko na rin sinabihan si Janice dahil mas okay na siguro na si Maya na lang muna ang may alam ng lahat.
Its been weeks simula nang surpresa kaming dumalaw sa puntod ni Lola. Actually simula nang umuwi ako mula Japan ay hindi pa rin ako nabibisita dito, meron lang kaming kinocontact na katiwala para maglinis doon at maglagay ng bulaklak kada linggo. Hindi ko rin alam paano nalaman ni Clifford kung nasaan si Lola kaya nabigla din ako nang bigla niya na lang akong dalhin doon.
Kung tutuusin parang apo na din kasi ni Lola si Clifford. Isa si Lola sa mga naging daan para maging kami noon dahil wala pa naman talaga sa isip ko ang magnobyo noong nasa kolehiyo. Pero sa mga ipinakitang pagmamahal at halos linggo-linggong pagbisita ni Clifford kay Lola ay hindi ko na namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. Iba kasi para sa akin pag mismong mga mahal ko na sa buhay ang pinakikitaan ng kabutihan at pagmamahal, idagdag pa na noong mga panahon na yun ay si Lola lang talaga ang kasama ko sa buhay.
"Ken? Are you okay? Youre spacing out" Tanong ni Maya nang bigla na lang akong matahimik. Hindi ko alam pero lagi na lang din akong nawawala sa sarili.
Katulad kasi nang naipangako ko sa kanya noon, ay sinabi ko na sa kanya yung mga ginagawa ni Clifford nitong mga nakaraang linggo. Hindi sa nag-oOA ako pero araw-araw niya akong pinupuntahan sa opisina, mayroong hahatidan niya ako ng pagkain, susunduin, o di naman kaya ay dadalhan ng kape. Oo, hindi naman ako manhid para sabihing hindi man lang ako tinatamaan at naaapektuhan sa mga ginagawa niya pero hindi na rin kasi mawala sa isip ko yung nangyari noon. Yun siguro ang malaking problema, everytime nakikita ko siya bumabalik sa isip ko yung eksenang iyon.
"Tell him the truth Ken. Hindi na kayo mga bata para sa ganyang laro. Kung may nararamdaman ka sabihin mo, yung iniisip mo ipagtapat mo. Wag kayong maghulaan sa nararamdaman ng isat-isa" ani ni Maya dahilan para mapa-isip ako.
Paano ko sasabihin kay Clifford na natatakot na akong mahalin pa siya ulit? Paano ko sasabihin na gusto kong subukan pero nandito pa rin yung alinlangan? Alam ko inisip niyo din na ang arte naman ng baklang to,to think na hindi naman ako ganun kagandang lalaki pero ayoko lang subukan ang isang bagay na hindi sigurado.
"Maya natatakot ako. Pero...." mahina kong sabi na kaagad niyang dinugtungan.
"Pero mahal mo pa siya hindi ba? Ken alam naman namin yun, na mahal pa ninyo ang isat-isa. Pero alam din namin yung markang iniwan sayo ng nangyari. We're talking about trust. Tiwala na ipinagkatiwala mo pero nasira" Dugtong nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam bakit ganito kahirap magdesisyon pagdating sa pag-ibig
"Bakit kasi ang tanga-tanga ko? Bakit kasi hindi ko na lang kalimutan , Maya? Pwede naman kasi yun Maya di ba? Isang pagkakamali lang naman yun pero nandito ako hanggang ngayon, iniisip at dinadamdam pa rin yung nangyari" maluha -luha kong sabi kay Maya dahilan para hawakan niya ang mga kamay ko.
"Walang sinuman ang may karapatang kwestyunin ang nararamdaman mo. Yan ang tatandaan mo Ken, iba-iba tayo nang pinagdadaanan sa buhay." Ani nito sa akin bago ako tuluyang niyakap.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?