XII

2.4K 122 45
                                    



"Good thing at naisipan mong sumama dito noh? I mean even si Ken hindi ako sinabihan na he'll bring someone" Nakangiting tanong ni Maya kay Koi habang kumakain kami.


"I have always wanted to meet you guys muntik nga lang akong hindi isama ni Koi kanina e, kung hindi ko pa pinilit eh haha" sagot ni Shin sabay gulo sa buhok ko.


"Olats na pre, may tawagan eh" dinig ko na namang bulong ni Choi na nasa harap lang namin. Kanina pa din itong kulugo na to na titingin sa amin ni Shin sabay bulong sa katabi niya na masama din ang tingin sa amin.

"So what do you do in Japan Shin?" Usisa ni Seb


"Well right now I am in-charge sa shipping lines ng Papa ko. So from time to time I travel around Asia just to check and inspect some of our ships and small businesses" sagot naman ni Shin



"Naku sakto! Si Clifford, siya din naghahawak ng negosyo namin. Malupit din ito,pati mga sites pinupuntahan niya ng personal" singit naman ni Choi sabay akbay kay Clifford na mukhang nagulat din sa inasal ng kaibigan.



"Asus,wala kayong branch sa ibang bansa,manahimik ka dyan Choi. Uhmm so Shin do you love me?" Tanong ni Janice na kaagad namang sinita ni Maya na kanina pa yamot na yamot sa panghaharot niya kay Shin.



Well sanay na naman si Shin sa mga ganyan kaya parang wala na lang sa kanya ang mga ganyang bagay lalo na kay Janice na halatang nagbibiro lang. Ewan ko din ba kung bakit hindi pa ito mag-asawa gayong madami namang nakapila sa kanya, marami din naman siyang naging girlfriends before. Shin is an ideal guy,responsable,matalino and sensitive medyo makulit nga lang.


"So Shin gaano ka katagal dito? It seems like youre a busy guy pala. Mabuti na lang at nakabisita ka dito?" Tanong ni Maya


"If koi agrees to go back to Japan.." simpleng sagot nito na ikinagulat ng lahat. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa naging reaksyon ni Clifford na nasa bandang harapan din namin ngayon. Anak ng tinapa naman Ken,bakit ba need mo pang tignan-tignan yun?


"What? Babalik ka na naman sa Japan Ken?" Gulat na tanong ni Choi sa akin.



"Uhmm hindi pa naman sigurado yun. Nangungulit lang itong si Koi" natatawa kong sagot dito.



"Oo need mo pag-isipang mabuti yan Ken, kababalik mo lang and besides you have work here hindi rin madali ang magpalipat-lipat" paalala ni Maya na ikinatango ko lang.



Anak ng tokwa naman kasi itong si Shin eh,sagot nang sagot eh sinabi ko naman na wala pa akong balak bumalik ng Japan. For sure sermon na naman ang aabutin ko nito kay Maya mamaya.



"I can give him a job there naman eh. Matagal ko nang ino-offeren ng executive position sa company namin si Koi pero til now medyo mailap pa rin siya.. hindi ko madaan sa kulit e" pagkukwento ni Shin na parang natatawa



"If you know him, alam mong hindi mo siya mapipilit gawin ang isang bagay na hindi niya gusto" makahulugang singit ni Clifford na ikinabigla ng lahat. Damn ano ba Clifford.



"Ang tanong, do you still know him?" Nanghahamon namang sagot ni Shin sa kanya na nakakaloko pa ang pag ngiti



"More than you do..."seryoso namang sagot ni Clifford


"How sure are you?" Ganti naman ni Shin

"No need to prove. I own a part of his life na hindi mo mapapalitan" sagot naman sa kanya ni Clifford habang kami naman ay parang hihimatayin na sa kaba dahil takot at tensyon. Kilala naming lahat si Clifford at alam namin na any minute now ay biglang na lang itonh magpapakawala ng suntok.


Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon