"What?!!!" Sabay na sigaw ni Maya at Janice matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari. Ano pa nga ba ang ineexpect kong maging reaction nila? Tanga tanga ka Ken e.
"Ken what are you thinking? Bakit mo ginawa yun? Ikaw? Why?!" Di makapaniwalang tanong nito sa akin habang ako naman ay napailing na lang. Jusko pati ata ako nahiya sa ginawa ko. Shame on me,my gosh.
"I dont have any choice Maya. Kailangan kong gawin yun. I was trapped and yun lang ang way para umusad yung lecheng feature na yun!The fuck!" frustrated kong sagot dito
"Lahat ng tao may choice Ken ano ka ba?! Clifford is still your ex and alam natin na hindi naging maganda ang nangyari sa inyo noon. So dont give me that shitty excuse" seryoso nitong sabi
"I've moved on at uulitin ko...na I am only gonna be doing this for work,just for work. Kailangan ko lang siyang mapa-oo" pilit ko dito na sinagot lang nito ng irap kaya lumingon naman ako kay Janice hoping na sesegundahan niya ang side ko.
"What? Hay naku Ken,nabasa ko na sa mga pocketbook nung highschool yan. Alam ko na yang magiging takbo ng istory niyo. Jusko. Very predictable." Nang-aasar nitong sagot sa akin kaya sinimangutan ko lang siya.
"Ken siguraduhin mo lang na trabaho lang yan dahil kahit pa kaibigan namin si Clifford, ay hindi pa rin namin maiiwasang magworry sa inyo...sayo to be exact" sermon na naman ni Maya
"Maya naman, matanda na ako at saka hindi na yun mangyayari dahil again...trabaho lang to. Wag ninyong gawing big deal to dahil professional ata tong kausap niya"pagmamayabang ko
"Mukha mo" sagot ni Janice
"I just hope na hindi mo pagsisihan yan. Marupok" sagot na lamang ni Maya.
"Malandi" habol pa ni Janice na pinandilatan ko na ng mata. Namumuro eh.
Ano nga bang ikinagagalit ng mga babaeng to? Uhmm okay, wala akong ibang choice kung hindi pumayag sa mga conditions na inilatag ni Clifford. I need him to be part of our feature and gagawin ko lahat para mangyari yun. Kailangan kong magpakitang gilas sa Manila office namin and isa ito sa mga way. Gusto lang naman ni Clifford na maging assistant niya ako till such time na pumayag siya magpafeauture.
Oo na!! Oo na!! Oo na!! Ang cliche ng takbo ng story pero alam ko naman sa sarili ko na work lang ito. Potek wala akong balak mainlove ulit sa ulol na to noh! Hindi po ako naniniwala sa second chance. And two months na lang din naman ang natitira so maikling pagtitiis lang ang kailangan kong gawin. Patience lang talaga at mapapatunayan ko din sa Instyle na deserving akong writer.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkukwentuhan nila Maya nang may bigla na lang magtext sa phone ko. Potek sino ba to? Weekend na weekend,abala.
I need my secretary now
"Hoy bakit bigla ka namang sumimangot diyan? Saya saya ng topic natin eh , yung natae ka sa brief mo nung second year tayo remember?" Singit ni Janice na nginiwian ko. Seriously? Yung topic na yan.
"Baboy mo! Jusko! Ay guys...ano pala I have an emergency meeting sa office" paalam ko sa kanila na tinaasan naman ng kilay ni Maya.
"On a Saturday?" Tanong nito
"Uhmm yeah...bigla..an.. late notice na eh" Nauutal kong sagot dito.
Bakit ba nauutal ka? Eh syempre kapag sinabi ko sa dalawang ito na si Clifford ang nagtext for sure hindi na naman sila titigil kakapamukha na ang tanga ng desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?