"Are you okay,Ken?"Dahilan para mapatingin ako kay Sir Isaac na kanina pa pala nasa likuran ko habang nakikinig kami sa nagsasalita sa harapan. Isa nga pa lang summit for newspaper and magazine companies ito kung saan tatalakayin ang makabagong paraan nang pagsusulat kasama na din ang awarding sa mga leading companies pagdating sa industriyang ito.
Katulad nga ng inaasahan ko, ay dinaluhan ito ng mga prominenteng tao. Makikita mo sa kanila na matataas ang posisyon nila sa kani-kanilang kumpanya dahil na din sa tindig at asta nila, mga bagay na hindi ko makasanayan. Hindi naman sa pagmamayabang pero madalas din naman ako isinasama ng tatay kong Hapon sa mga ganitong pagtitipon noong nasa Japan ako pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin masanay ang sarili ko na makihalubilo sa mga ganitong tao. Mabuti na lang din talaga at hindi ako iniiwan ni Isaac, kung hindi magmumukha talaga akong batang naliligaw dito.
"Yes Sir, okay naman po" maikli kong sagot dito na ikinatango naman nito. Pero ang totoo kanina ko pa talaga gustong umuwi. Kung hindi lang talaga ako nahihiyang tanggihan si Sir Isaac ay malabong sumama ako sa ganitong event.
Balik sana kami sa pakikinig nang may biglang pumukaw sa atensyon ni Sir Isaac dahilan para mapatingin na din ako. Medyo tsismoso.
"Ohmygosh I am really sorry Isaac, the traffic sucks" ani nito na mukhang nagmamadali nga. Oo inis ako kay Alicia pero hindi ko ipagkakaila na ang ganda niya ngayon sa kanyang postura, pinandigan niya ang pagiging taong lipstick na tinernuhan niya ng pulang revealing dress.
"No worries Alicia, kakaumpisa lang din naman. Wait,who are you ....Mr. Acosta? Are you guys together?" Tanong ni Sir Isaac na mukhang nabigla din sa pagsulpot ni Clifford habang lumalapit papunta kay Alicia na mukhang hitad na agad namang umangkla sa kanya.
Grabe. Parang artista si Clifford sa ayos niya ngayon. Noon pa man alam ko nang maganda ito magdala ng damit pero ngayon? Halos naging triple ang kapogian niya sa all-black three piece suit niya. Hindi na rin nakakagulat kung bakit panay ang tingin ng mga kababaihan sa kanya noong pumasok siya.
"Yes Alicia asked me to be her date so I said why not accompany my girlfriend here." Ani nito sabay akbay kay Alicia na kulang na lang ay maihi at magcollapse sa sinabi ni Clifford. Pwede namang tagalugin na lang bakit ba madalas kami magenglish dito? Eme
Para kayong mga highschool jusko. Sana sa JS Prom na lang kayo pumunta for sure Prom King and Queen kayo. Pero walang biro, they look good together.
"Thats good ha. You guys look good together. Nakakagulat lang na medyo mabilis hahaha.By the way kilala niyo naman si Ken right? I'm with him" ani ni Sir Isaac sabay akbay sa akin na ikinagulat ko. Ang bigat ng braso niya, stiff neck ata aabutin ko.
"Hmm I knew it. Im not surprised though. Weird ng taste mo Isaac" sagot ni Alicia habang nakangiti nang makahulugan sa akin. Lakas maka-kontrabida ng isang to eh. Hindi niya alam kanina pa nagkalat lipstick niya sa ngipin niya.
Pero tama naman siya eh, hindi ko rin maintindihan si Sir Isaac eh bakit ako pa ang pilit isinasama. Nagmukha tuloy akong boy niya dito, marami namang pwedeng isama sa opisina pero ako pa ang pinagtiisan nito.
"I have a thing for intelligence and charm. Ken oozes with that" ani ni Sir Isaac sabay hawak sa kamay ko na mas ikinabigla ko pa. Ano bang ginagawa ni Sir Isaac?
"Pero minsan blinding ang charm at innocence" makahulugan at seryosong singit ni Clifford na ikinabigla ni Sir Isaac habang si Alicia naman ay napasmirk na lang.
"Id be more than willing to be blind for Ken. He's a good catch if it just so happen. Am I right Clifford?" Ganting tanong naman ni Sir Isaac
Papayuko na sana ako nang biglang mapadako ang tingin ko kay Clifford na masamang nakatingin kay Sir Isaac ngayon. Kilala ko ang ganitong datingan ni Clifford pero bakit?
"Well if thats the case...then be happy" sagot na lang ni Alicia sabay aktong ihihilig ang ulo sa balikat ni Clifford pero nagulat kami maging sa Alicia sa bigla na lang paghalik ni Clifford sa kanya habang masamang nakatingin sa akin.
Parang tumigil ang oras ko. Bakit nasasaktan ako? Tinanggap ko na naman di ba? Tangina bakit kasi ang arte-arte ko? Bakit ko hinayaang mawala kung ayaw ko naman talagang mawala? Wala naman akong karapatang masaktan di ba, kasi ginusto ko to.
Tila nahiya si Alicia sa ginawa ni Clifford habang hindi ko naman namalayan na nakatitig na pala ako kay Clifford. Gustong-gusto ko siyang tanungin sa napaka-rami kong bakit , pero anong karapatan ko?
"Enjoy the night guys. Dito muna kami ni Ken" biglang singit ni Sir Isaac sabay hila sa akin papalabas ng function hall. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mabuti na lang at ginawa iyon ni Sir Isaac kung hindi baka hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.
Sa garden pala ng hotel ako dinala ni Sir Isaac. Malamig ang gabi na parang nakikiramay pa sa nararamdaman ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero alam kong sobrang sakit, yun lang ang malinaw at sigurado ako.
"Iiyak mo" ani ni Sir Isaac dahilan para mapatingala ako ng kaunti para tignan siya pero sinuklian niya lang ako ng ngiti.
Ngiti na halos icomfort ako at nagsasabing hindi niya ako huhusgahan kung ipapakita ko ang kahinaan ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam pero hindi ko deserve ang ganitong ka nice na treatment mula sa boss ko.
"Mas gagaan if iiiyak mo yan" ani ulit nito nang mapansin niyang hindi ako nagsalita.
Naiinis na din ako sa sarili ko. Akala niyo ba kayo lang? Akala niyo ba hindi ko naiisip na ang bobo ko? Na ang tanga ko? Na bakit hindi ako kumilos kung gusto ko naman talagang mabawi si Clifford? Na bakit hindi ko sabihin sa kanya na mahal ko siya kung meron pa naman talaga? Ang hirap maging duwag. Napakahirap.
"I am sorry Ken, hindi na dapat kita dinala dito kung yun lang pala ang makikita mo. I should have been careful with what you are feeling" dagdag pa nito dahilan para medyo maalarma ako. Bakit siya pa ang humihingi ng paumanhin gayong ako naman ang lahat ng gumagawa ng kapalpakan sa buhay ko?
"Sir naman,wala po kayong kasalanan." paumanhin ko dito
"Alam kong siya yun. Its Clifford right?" Mahina nitong tanong sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
Wala akong nagawa kung hindi bigyan siya ng tango habang hindi ko na napigilan ang mga luha ko mula sa pagtulo.
"Pinili kong magpanggap na hindi ko alam kahit alam ko. Nakita ko yung nangyari sa parking Ken." Pagkukwento nito habang unuupo sa bench na nandoon.
"Alam niyo po?" Gulat kong tanong habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"You left him. He begged for you but you left him. I wont judge you because I know you have your reasons. Gustong gusto kitang tulungan Ken, lalo na noong makita kitang umiiyak sa gilid ng kotse mo. Iniwan mo siya pero hindi mo gustong gawin yun. Akala ko pwede kitang tulungan Ken, pero sa nakita ko ngayon...hindi eh...sarili mo lang makakatulong sayo" dagdag nito para mapayuko.
"I am sorry Sir Isaac nadamay pa kayo sa magulong kong bu...." ani ko sana dito nang bigla itong magsalita
"I like you Ken. I am actually starting to love you" siwalat nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Sir?"
"Your gestures, your vulnerability, your mystery hindi ko alam kung bakit parang magnet ka na hinihigop ako everytime nakikita kita. Pero alam ko malabo eh, mas napatunayan ko pa yun ngayon" ani ni Sir Isaac na hindi ko malaman ang emosyon ngayon. Ngingiti siya pero mamaya yuyuko at tatawa.
"Hindi ko po gustong saktan kayo Sir. Wala po akong intensyong masama" ani ko dito
"Then do me a favor then" mahina at makahulugan nitong sagot sa akin
"Po?"
"Choose to be happy. Fight for him"

BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?