Ano pa bang gusto niyang laban? Eh ipinaglalaban ko na nga siya? Medyo duwag lang akong sabihin pero ginagawa ko na naman ha? Ano pa ba kailangan kong gawin? Oo sinasabi niyo na pabebe ako pero hindi naman kasi yun lagi ganun kadali? Kayo kaya dito sa posisyon ko? Mga to eh.Jusko isang linggo na akong nag-iisip ng sagot sa mga tanong na to? Ugh Clifford ano ba? Pero sa isang linggo na yun tuloy pa rin ako sa plano ko. Oo hindi ako huminto, bano lang ako sa pagsasalita pero consistent ako sa actions ko noh.
Madalas pa rin ang pagbisita ko at pagdadala ng mga pagkain sa opisina nila. Na-immune na din ako sa madalas na pang-aasar ni Choi kaya hindi na ako tinatablan. Si Seb naman ay ayun ngumingiti lang pero alam ko na nangangamba din ito sa mga ginagawa ko kasi nga hindi ko ito normal.
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa office to finish some of my deadlines. Syempre hindi naman pwedeng landi lang ako nang landi. Kailangan ko ding magtrabaho noh lalo na ngayon at nasa bakasyon si Sir Isaac.
Yes, last week lang din nang iannounce niya ang biglaan niyang pagfafile ng leave, magbabakasyon daw muna. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot dahil si Sir Isaac naman talaga ang nagconvince sa akin na dapat kung ipaglaban yung sa amin ni Clifford eh. Siya yung nakakita na pwede pa.
"Sir Ken, excuse po. Ipinapatawag daw po kayo ni Ms. Alicia sa office niya, right now" ani ng isa sa mga staff namin. Biglaan naman ata ito? Pero wala akong magagawa kaya agad din akong nagtungo sa office niya.
Kinakabahan,ilang at konsensya, yan ang nararamdamn ko everytime nakikita ko si Alicia dito sa opisina. Nakokonsensya ako everytime nakakasalubong ko siya, oo hindi ko gusto ang pag-uugali niya or aura niya pero sa ginagawa ko ngayon..mas masahol pa ako sa kanya. Sinisira ko ang relasyon nila ni Clifford para lang sa advantage ko. Sinisira ko ang relasyon nila para lang sa akin.Ang sama kong tao pero pakiramdam ko kasi ito na yung last chance ko eh. I promise na kung after nito at sabihin ni Clifford na wala na,tapos na kami ay ako mismo ang lalayo sa kanila. Kailangan ko lang talagang subukan.
Mas awkward pa ngayon dahil si Alicia pa ang OIC dito Manila Office dahil wala si Sir Isaac kaya mas kailangan kong magreport directly sa kanya. Ang hirap lang ihiwalay ng personal life sa pagiging professional lalo na at everytime nakikita ko siya ay naiisip ko lang yung mga ginagawa kong pagkakamali sa kanya. I am really sorry Alicia.
"Come in Ken" ani ni Alicia nang makita niya ako sa labas ng opisina niya
I have to be honest ang ganda ng opisina niya. Katulad ng ineexpect ko ay pula ang theme nito na may accent na puti. Class pero alam mong babae ang may-ari.
"Good Morning Ms. Alicia" bati ko dito habang umuupo
"Dont be too formal." Ani nito dahilan para medyo mailang ako sa kanya. Ako lang ba o bakit parang ang nice niya ngayon? Oh baka naman masyado lang talagang masama ang tingin ko sa kanya? Or pwede din na boss siya so kailangan niyang maging nice? O baka nagooverthink lang ako dahil guilty ako?
I dont know Alicia personally pero hindi ko alam bakit ang sama-sama ko to judge her. I dont even know her story, yes may mga hindi kami magagandang sagutan before pero hindi naman siguro enough yun para pagdudahan ko lahat ng ginagawa niya.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko dito
"Well actually gusto ko lang mangamusta sa lahat ng pending articles and features mo. Youre one of our best writers here kaya Isaac personally told me na tutukan ka while he's not around" sagot nito sa akin dahilan para mapatango ako.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?