ALASNEIt's been 2weeks since tumira ako dito and ito ako ngayon nag aayos para sa check up ko sa ob. Turning 2Months nadin ang tiyan ko di pa masyado halata na buntis ako pero kung sa puson titignan mahahalata mo dahil malaki na. Bumaba na ako sa sala upang hintayin nalang si Manang fe siya kasi ang sasama sakin ngayon wala kasi si Timothy busy sa trabaho niya actually kahapon pa siya wala dito sa bahay.
" Manang fe nakapag ayos na po ba kayo? " ani ko ng makita ko si manang fe sa baba at inaayos ang mga unan sa couch.
" Alasne hija hindi pa ako nakakapag ayos " ani nito at ngumiti sakin. Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa taas ng pintuan 7:30 na at 8:10 ang check up ko.
" Bakit po manang? Diba sabi mo po ikaw ang sasama sakin? " tanong ko at naupo sa couch.
" Si Timothy na daw kasi ang sasama sayo nandiyan na siya sa kusina kumuha lang ng tubig " ani nito at nag patuloy sa pag aayos ng mga unan. Napatingin naman ako sa daanan papuntang kusina ng narinig ko ang mga yabag palapit samin at doon ay nakita ko si Timo na may dala-dalang isang bottle ng tubig. Tila galing pato sa trabaho dahil sa suot niya.
" Wait me here. Mag bibihis lang ako " ani niya at dumaretsyo papuntang elevator at pinindot ang up button.
" Healthy naman si baby and mommy bago matulog wag kakalimutan uminom ng vitamins and milk para manatiling healthy si baby " ani ng ob-gyne ko.
Tumango naman si Timothy at inalalayan akong tumayo. May pag ka gentleman din pala ang mokong nato.
Pag tapos ng check up ko dumaretsyo kami sa Supermarket para mamili ng mga kailangan ko daw?
Namili kami ng fruits , vegetable at Gatas para daw healthy si baby. Binili nadin namin yung vitamins na nakasulat sa reseta.
Pag tapos namin pumunta sa supermarket dumaretsyo na kami ng uwi dahil inaantok na ko.
" Ako na po diyan sir " isa sa mga katulong dito sa bahay ni Timothy.
" Hindi kaba nagugutom? Ano gusto mo kainin? " tanong ni Timothy habang papunta sa couch ng sala para maupo.
Umiling naman ako sakanya.
" Matutulog muna ko tutal nag almusal naman ako kanina " ani ko.
" Okay. Gigisingin nalang kita mamaya " ani niya na kinatango ko at papunta na sana sa elevator ng mag salita siyang muli.
" Ah.. Bakit ka pumayag sa sinabi kong hanggang sa baby lang ang magiging relasyon natin at wala ng iba? "
Napaharap naman ako sa tanong niya.
" Wala namang something satin ikaw na nag sabi one night stand lang yun kaya pumayag ako. Para sa baby at wala ng iba. Tuloy padin ang usapan natin na aalis ako dito pag tapos ko manganak at yung usapan natin sa salitan nating pag alaga kay baby ayos ako dun " ani ko at tuluyan na siyang tinalikudan.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1