THE POSSESSIVE : 17
ALASNE
" Bakit di mo ba ako pinapansin? " kunot noo na tanong ni Timothy saakin.
Ewan ko pero mula pag gising ko kaninang umaga naiinis na ako kay Timothy kahit kunting salita niya lang nababadtrip na ako sakaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tiyaka muling nanood dito sa kwarto.
Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko.
" Timo please lang! Layuan mo muna ako naiinis ako sayo " sabi ko at inalis ang pag kakahawak niya saakin.
Huminga siya ng malalim at tumayo.
" Okay. Sa baba muna ko " simpleng sabi nito at tiyaka lumabas na.
Hindi ko ba alam kung anong ispirito sumanib saakin at ganto ako. Basta badtrip ako sakaniya.
THIRD PERSON POV
" Manang " tawag ni timothy.
Nilapitan naman agad siya ni manang fe na may hawak-hawak pang walis-tambo.
" Hijo. Nakasimangot ka ata "tanong nito sakaniya.
Umupo siya sa sala at binuksan ang tv.
" Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko at ayaw ako kausapin at makita ni alasne " sabi nito.
Ngumiti naman si manang fe at umiling-iling.
" Hijo wala kang ginawa na kasalanan " sabi nito sakaniya at hinawakan ang balikat niya.
" Then why? Bakit ayaw niya ako kausapin marinig niya lang boses ko naiinis na siya " sabi ni timo.
" Natural lang yon sa buntis lalo't nag lilihi siya baka ikaw ang pinag lilihian ni alasne kaya pasensyahan muna ganyan talaga mga buntis moody sila masyado ni miski sarili nga nila di nila maintindihan eh " ani ni manang fe
" 4Months na ang tiyan niya still nag lilihi padin siya? " tanong nito kay manang fe.
" Ano kaba hijo! May kabuwanan na nga nag lilihi pa eh ayun pa kaya si alasne " sabi nito sakaniya.
" Hays! "
" Sige ihahain nalang kita ng makakain mo teka! " sabi ni manang fe at nag lakad papuntang kusina.
" Thank you manang " pahabol na sabi ni Timothy.
Pinatay ko na ang TV ng matapos na ang pinapanood ko. Makababa nga at nagugutom na ang baby ko. Habang nag lalakad ako papuntang elevator ay iniisip ko ang gusto kong kainin.
" Parang gusto ko ng santol tapos sawsawan asin tapos may sili tapos may kunting suka " masayang sabi ni alasne sa sarili habang nag lalakad.
Nang makababa siya ay agad niyang nakita si timothy na nasa sala at nakaupo habang kumain at nanonood ng TV.
Nilapitan niya ito at naupo sa tabi nito. Feel niya baliw na siya kanina ayaw niya to makasama ngayon gusto niya na feel niya matagal niya hindi ito nakasama at nakita at miss na miss na niya.
Umupo siya sa tabi nito at niyakap ito mula sa braso nito kahit may hawak pa itong kutsara.
" I miss you " sabi niya dito.
" Hmmm. Di kana ba galit saakin? " tanong ni Timothy sakanya.
Tumango naman ito bilang sagot. Ngumuso siya dito at naisip ang gusto niyang kainin.
" Gusto ko ng Santol " sabi niya dito.
" Okay then mag papabili tayo " sabi ni timo sakaniya.
" Ayoko. Gusto ko ikaw mismo ang bibili sa palengke " sabi niya dito.
" Mag pabili nalang tayo baby-"
" Bahala ka nga diyan wag nalang- "
" Okay. Okay. Okay. Ako na " sabi ni timo at hinalikan siya sa pisngi.
" Wait me here okay? Bibili lang ako sa market " sabi ni tinothy at hinalikan siya sa labi at tumayo na ito.
Napangiti nalamang si alasne at nag tungo sa kusina upang uminom ng kaniyang gatas.
-
" Welcome back po ma'am "
" Welcome home madam "
" Maligayang pag babalik po madam "
Sa bawat hakbang niya ay siyang pag yuko at pag bati ng kaniyang mga kasambahay. After 3years ay nakauwi nadin siya.
" Zia Apo, Nakauwi kana. Welcome home my granddaughter " niyakap siya ng lola niya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti siya dito at naupo sa sala.
" I'm good to be back lola. Namiss ko din dito at syempre kayo " sabi niya sakaniyang lola na kinangiti nito.
" Ako lang ba ang namiss mo at lugar natin apo? Wala nabang iba? " tanong nito sakaniya.
Umayos siya ng upo at ngumisi.
" Namiss ko din siya lola isa din siya sa dahilan bakit ako nag balik dito para ayusin ng relasyon namin dalawa at para nadin matuloy ang dapat na kasal namin noon " masayang sabi nito.
" I'm sure hija na mag kakabalikan din kayo ni timothy at di na ako makapag antay na mabigyan mo ko ng apo hija "
" Soon grandma. Ibibigay ko ang gusto mo pero ang ngayon muna ay ang ayusin ko ang naudlot naming love story "
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1