32

18.5K 315 3
                                    



A L A S N E

Pinag masdan ko ang malaking bahay na nasa harapan ko ngayon. Kanina pa ako di mapakali at palakad-lakad. Tanging sila Timothy at ang iilang pulis lamang ang pumasok sa loob at naiwan ako dito sa labas kasama si Tiffany at si kert pati si Justine at ang ibang mga pulis upang mag silbing bantay din namin if ever may mangyaring masama. Hindi ako mapakali nakuha na kaya nila si Baby Theo kay Zia?



" Kumalma ka nga d'yan " Sabi ni Tiffany at bumuntong hininga pa ito.

" Ehh! Paano ako kakalma? Nasa loob si Theo ang anak ko at si Timothy? Tiff, kinakabahan ako baka may ginawa na yung baliw na babae na yon sa anak ko. " Ani ko at napakagat ako sa daliri ko at marahang napa pikit.





Napasinghap ako ng makarinig ako ng putok na baril.

" Ano yon? Papasok na talaga ako sa loob baka ano na nangyari. " Ani ko at akamang papasok na ng pigilan ako nila Tiffany.

" Ano kaba alasne! Hindi tayo pwede sa loob ang kailangan lang natin ay mag tiwala sakanila na makukuha nila ang baby mo. Mamaya pag pumasok ka diyan ikaw pa ang mapahamak kaya makinig nalang tayo at mag stay dito. " Si Kert.

" Yeah, madami sila sa loob kaya wag kang mag-alala. " Dagdag naman ni justine.









K A S P E R

" Ibigay mo ang anak ko saakin Zia at sumuko kana wala kanang magagawa " Rinig kong sabi ni Timothy kay Zia na hawak-hawak si Baby Theo sa kanang kamay niya at sa kaliwa naman ay hawak niya ang isang baril na nakatutok kay Theo.

" Sa tingin mo tanga ako ha? Tapos pag binigay ko sayo makukulong ako. Makukulong ako habang buhay at di ko hahayaan yon. Mawawala ka saakin? Lahat mawawala ng dahil lang sa batang ito at sa ina niya!! " Sabi nito at muling tinutok ang baril sa umiiyak na si Theo.

" Walang kinalaman ang anak ko at si Alasne sa issue nating dalawa. Una palang Zia alam mo na na di tayo pwede alam muna na hindi ikaw ang gusto at ang mahal ko. "


" No! Diba tayo dapat ang mag papakasal at hindi kayo? Dapat tayo ang may anak kaso YUNG BABAE NA YON DUMATING PA KAYA ITO ANG NANGYAYARI NGAYON! Hindi ko kasalanan bakit nangyayari ang bagay nato kung sana sumama kana lang saakin edi wala tayo sa sitwasyon nato. " Ani nito habang nakatingin kay Timothy.


" Look Zia. Please! Ibigay muna ang bata saakin nag mamakaawa ako sayo. "


" Ibibigay para ano? Mag sama at maging masaya kayo? Hindi.Hindi.Hindi!! Hinding-hindi ko ibibigay ang bata nato kahit anong mangyari. " Sabi nito.



" Zia. Wala kanang magagawa mag-isa kanalang lahat c taohan mo nahuli na kaya mas maigi sumuko kana lang. " Ani ko dito kaya napatingin ito saakin at ngumisi.

Akmang kakalabitin na nito ang baril na nakatutok kay theo ng maunahan siya ng isa sa mga pulis at pinatamaan siya sa balikat kaya nabitawan niya ang baril pati si Baby Theo ng—



Bigla kaming tumakbo palapit sakaniya upang saluhin si Theo.

Umiiyak na nasalo ni Timothy si Baby Theo at tyaka nilayo agad kay zia. Lumapit ang mga pulis at pinosasan na ito.

" AHH! " Rinig kong dainh ni Zia ng lagyan ng posas ang mga kamay nito. Nakatingin ito sa balikat niya na may tama at di kalaunan ay tumingin saamin.



" Hindi ko maisip na lubos mong magagawa ang bagay nato. Madaming tamang tao na mamahalin ka, Hindi natin kailangan umabot sa gantong punto na mandadamay ang mga tao na nasa paligid natin kung sana nilawakan mo ang isip mo. Wala ka sa sitwasyon nato. Wala kang karapatan isisi kay alasne o kahit kanino man bakit nangyari ang bagay nato dahil kasalanan moto, Ikaw at ikaw ang gumawa. Hindi mo kailangan mag palamon sa selos na naramdaman mo edi sana ayos ang lahat " Ani ni Timothy na nakatingin kay Zia habang karga-karga ang anak niya.


A L A S N E


" Uminom ka muna ng tubig ohh! " Tumingin ako kay justine na may hawak na isang bottle ng tubig at kinuha iyon.

" Salamat " ani ko dito at binuksan ang bote at uminom ng kunti dito.

Napatingin ako kung saan naroon ang gate ng bahay ng may pulis na lumabas doon dala-dala ang mga taohan ni zia kaya agad ako na patayo nag babaka sakali na nandon na sila Theo.


Napakagat ako ng labi na walang Timothy na dala si baby thei na lumabas doon. Pinag masdan ko ang mga pulis na sinasakay sa sasakyan nila ang mga lalaking wala nang suot na maskara o takip sa mukha nila ngayon.


Muli akong tumingin sa Gate nag babaka sakali na lumabas na mula doon si Timo na dala ang anak namin ngunit si Zia ang nakita ko doon na nakaposas mula sa likudan at hawak hawak ng mga pulis.

Agad kaming lumapit dito.


" Asan ang anak ko? " tanong ko dito ngunit di ako sinagot nito kundi tumingin lang saakin ito.

Walang emosyon sa mukha nito.

" Sumunod nalamang po kayo ma'am sa police station upang mag sampa ng kaso. " Sabi ng pulis na may hawak kay zia.

Tumango naman ako dito upang maging sagot.



" Alasne si Timothy " Napatingin ako kay tiffany ng mag-salita ito tiyaka ako tumingin sa Gate na malaki kung saan nandon si Timothy at -

At si Baby Theo. Agad ako na lumapit dito at kinuha si Baby Theo upang yakapin.

" Oh! God! Theo! " Marahang sambit ko at niyakap ang anak ko.

Thankyou god at di mo pinabayaan ang anak namin.

" Buti ligtas kayo bro! Akala ko nabaril kana brother ah " Si kert.

" Gago " Ani ni Caleb na masamang nakatingin sa kaniyang kapatid kaya nag tawanan kami dito.








" Thank you. " Ani ko kay Timo na nakaupo sa tabi ko.

Tumingin ito saakin at ngumiti tiyaka kinuha si Theo saakin.

" Hey Little man. Long time no see. Namiss ka sobra ni mommy at daddy " Sabi niya sa anak namin at inupo ito sa lap niya at tumingin muli saakin.

" I love you. Thank you sa pag tiwala mo saakin. " Ani nito

" Maraming salamat din timo. Hindi mo lang alam kanina kung gaano ko kagusto pumasok sa loob pero baka pag ginawa ko yon mas lalong maging magulo ang lahat. Mahal na mahal kita lalaki. " Ani ko dito.

Nilapit niya ako sakaniya gamit ang isang kamay niya at niyakap ako habang hawak niya sa kabilang kamay niya ang baby namin na busy na sa pagsubo ng kamay niya.

" God. Di ko alam kung anong nagawa ko at binigyan niya ako ng dalawang anghel na kokompleto sa buhay ko. " ani nito.

Ngumiti ako dito at inangat ang tingin ko sakaniya.

" I love you. Mahal na mahal ko kayong dalawa "

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon