38

16.2K 282 5
                                    




" Theo and Tamara intindihin ang sinasabi ni mommy okay? Susunduin kayo ni mommy after ng work ko okay? Wag sasama sa hindi ka kilala okay? At wag na wag kayo lalayo sa yaya niyo if hindi agad makapunta si mommy tatawagan ko ang lola niyo or ang daddy niyo para sunduin kayo." Paliwanag niya sa dalawang anak habang inaayos ang uniform na suot nito.

First day off school ni tamara grade 1 na ito habang si Theo naman ay nasa ikalawang baytang na. Mag kasundo ang dalawa kahit ang sabi-sabi ng matatanda na lagi mag kaaway ang mag-kapatid na mag kasunod pero iba ang dalawang anak niya mag kasundo ang dalawa lagi at ginagalang ang isat-isa.

Tumango-tango naman ang dalawa. Dumako ang tingin niya sa elevator ng bahay nila ng bumukas yon at niluwa non ang asawa niya na nakabihis nadin at handa na pumasok. Nilapitan niya ito at inayos ang tie na suot nito.

" Sabi ko naman sayo na lagi mo aayos ng maayos ang tie mo. " ani niya sa asawa at tinignan ito saglit.


Pag tapos nilang mag-umagahan ay masaya nilang hinatid muna ang dalawang anak sa school nito bago pumasok sa trabaho nila.

" Madami kabang gagawin ngayon sa kompanya? " tanong niya kay timothy na busy sa pag mamaneho. Tinignan siya nito saglit at binalik din agad ang tingin sa kalsada bago mag salita.

" Nah. Kukunin ko lang ang design ni hannah then may meeting akong pupuntahan about sa branch sa italy then okay na why? " sagot nito.

" Mamaya pag hindi ko na tapos yung mga damit na dapat ko tapusin sunduin mo muna yung dalawa. " ani niya sa asawa na kinatango naman ng asawa niya.

Ngumiti siya dito at hinalikan ito sa pisngi.


" Makinig sa teacher ok? Wag pasaway. "

" Daddy! Mommy! If po di po kami pasaway ano po ang price namin? " tanong ng anak niyang si Tamara habang bumababa ito sa sasakyan.

" Kakain tayo sa labas " sabi niya sa anak na kinatuwa ng dalawa.

Bago umalis para pumasok ay binilinan muna niya ang dalawang yaya na bantayan maigi ang dalawa niyang anak kasi may pag kamalikot ang dalawang ito at baka saan mag punta.




A L A S N E


Napayuko ako sa ibabaw ng table ko ng makaramdam ako ng hilo at gutom. Hindi ako nakakain kaninang tanghalian ng dahil sa madami akong inaayos na gown na pinagawa para sa isang ball sa sikat na konpanya.

Tumayo ako dahil di ko na matiis ang gutom ko. Lumapit ako isa sa tao dito sa store at nag paalam.

" Andy, kakain lang ako sa labas paki-bantayan muna dito okay? "

" Opo ma'am " ani nito na tinanguan ko lamang at tyaka lumabas na upang umalis.

Dahil wala akong makita na magandang restaurant ay nag drive ako sa kinakainan namin ni Timothy at napag pasyahan na doon nalamang kakain.

" Good Afternoon Madam " bati sakin ng isang guard nginitian ko lamang ito tyaka pumasok sa loob.

Nakakita ako ng isang table kung saan kitang-kita mo sa labas kaya naman mas pinili ko yun at don na naupo.


Tinitignan ko ang menu ng may pansin ako mula sa labas. Si Timothy at Hannah.

Biglaan akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ng makita ko silang masayang nag tatawanan papunta sa restaurant kung nasaan ako. Hindi alasne. Wala yun! Wala! Ano ba dapat ikaselos mo natatandaan mo sinabi ni Timothy diba? Tiwala lang?

Pumasok sila sa loob ng restaurant. Nakahinga ako ng malayo-layo sila umupo mula sa pwesto ko matatanaw ko si hannah na nakaharap mula saakin at si timothy na nakatalikod saakin.

Dumating ang order ko pero di ko muna kinain at kinuha ang cellphone sa bag ko.

' Asan ka? ' text ko kay timo. Maya-maya pa ay nakita ko siyang nag ttype.

Maya-maya ay nag vibrate na ang cellphone ko nag reply siya.

' Meeting. Text kita mamaya mag uumpisa na ang meeting i love you. '

Nasaktan ako sa reply nito saakin. Hindi ko na siya muli nireplyan at nag simula kainin ang pagkain na nasa harapan ko at nag kunwari na wala sila dito sa loob tinuon ko ang atensyon ko sa kinakain ko kahit na para saakin ay ang hirap lunukin nito dahil sa nasasaksihan ko sa harapan ko.

Sandali akong napatigil sa pagkain ng ilapit ni hannah ang mukha niya sa asawa ko at-

At hinalikan ito.


Di ko na natapos ang kinakain ko at dali-dali kinuha ang bag ko at lalabas na sana ng mapansin ako ni Timothy.

" Wife " ani nito. Bahid sa mukha nito ang pag kagulat tatayo na sana ito ngunit umiling lamang ako at lumabas na ng restaurant at dali-dali nag drive paalis.



Humigpit ang hawak ko sa manibela ng sasakyan namumula na ang kamay ko kakahampas dito sa sobrang inis. Sabi niya mag tiwala ako at wag mag selos? Pero ano ginagawa nila? Nag hahalikan? Tangina lang.

Pinahid ko ang luhang pumapatak mula sa mata ko dahil di ko na makita ang daanan dahil sa luhang bumabara sa mata ko.



Nag daretsyo ako sa isang park malapit sa bahay. Dahil alam ko na pag bumalik ako aa store ay doon pupunta si timothy.

Gusto ko mag isa muna sa ngayon.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon