The Possessive : 14
ALASNE
Andito ako sa bahay at inaantay ang kaibigan ko na si tiffany na darating ngayong tanghali.
Nakiusap na ako kay Timothy na tumira pansamantala si tiffany dito sa loob ng 3araw habang nag hahanap sya ng matitirahan niya at pumayag naman siya doon sya sa guest room matutulog.
Galak akong tumayo ng may mag doorbell tatakbo na sana ako ng magsalita si timothy na nandito din sa sala at busy sa laptop niya.
" Do not run " ani niya at tinignan ako saglit at bumalik ang tingin sa laptop niya.
Nag lakad ako sa may pintuan para buksan ang pintuan. Masaya kong binuksan ang pinto pero nawala din iyon ng makita ko ang mga kaibigan ni timothy.
" Oh! Bakit ka nakasimangot buntis? " si kert.
Tinarayan ko ito at binuksan ng malaki ang pintuan para makapasok sila.
" Andiyan ba si pareng timo? " si nixon.
" Oy! Kamusta alas? " si kyle.
Si Kyle, Nixon, Justine, Caleb, kert at kasper ang nandito ngayon sa bahay.
Pumasok sila at ng makita nila si timothy ay agad nila itong nilapitan.
" OYYYY BROTHER I MISS YOUUU " Si kert.
" Ang iingay " ani ko at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.
Habang umiinom ako ay may nag doorbell ulit kaya agad akong pumunta sa pintuan nag babakasakaling si Tiffany Na yon.
At pag bukas ko, hindi nga ako nag kakamali si tiffany na nga yon.
" Fanyyy! " ani ko at niyakap agad siya.
" Hahaha. Miss na miss mo ko no? " siya.
Humiwalay ako ng yakap sakaniya.
" Kanina pa kita inaantay eh tara pasok ka " ani ko at tinulungan sya sa dala niya.
" So ang yaman pala ng fafa mo ah? " siya habang tumitingin sa buong paligid ng bahay.
Tumawa nalamang ako at dinala siya sa sala kung saan nandoon si Timothy kasama ang mga kaibigan niya.
" Hey! Alasne sino yan? Pakilala mo naman ako diyan " si kert na nakatingin kay tiffany.
" Psh. Shut up Kert. Hi ako nga pala si nixon pinaka gwapo sakanilang lahat heheh "
" Wag ka nga nixon don ka napaka epal mo naman nauna na ako dyan eh " si kert.
" Isip bata talaga " si caleb.
Tumayo naman si Timothy at binatukan si nixon at Kert nakaharap saamin at nilapitan si tiffany para mag pakilala.
" Hi I'm timothy alasne husband. It's nice to meet you " ani nito at tumingin sakin sabay ngumisi. Husband ano?
" And ako naman si kert matsunaga ang soon to be boyfriend mo and soon to be husband " si kert. Tinarayan lamang siya ni tiffany. Kaya naman pasimple akong natawa.
" Tama na nga yan! Tara kumain na tayo nag handa pa naman si manang " ani ko kay tiffany at niyaya na siya sa kusina.
Kinagabihan bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig si tiffany natutulog na pati nadin si timothy pero ayon ang akala ko kasi nakita ko siya sa loob ng kusina kumakain ng ice cream.
" Bakit ka nandito? " tanong ko.
Kung nag tatanong kayo hindi padin kami natutulog ng mag katabi.
" Hmmm " sagot niya.
Nilapitan ko siya at tinignan ang kinakain niya. Napangiwi naman ako ng makitang ube ang flavor noon nadiri ako bigla.
" Gusto mo? " alok niya at tinapat sa mukha ko. Kaya naman ay agad akong tumakbo sa labababo at nag tawag ng uwak.
Hindi ko gusto ang ube ngayon dahil siguro sa pag bubuntis ko.
" What the f*ck love are you okay? " tanong ni timothy saakin.
Nag okay sign naman ako sakaniya at nag mumog. Inabutan naman niya ako ng tubig.
Napatingin ako sa orasan habang umiinom ng tubig at tumingin kay timo.
" Anong trip mo? " tanong ko.
" Trip? What? " siya.
" 1AM na timo tapos kumakain kain kapa diyan " sabi ko.
" Nagutom kasi ako kaya ito. Hmmm gusto mo ba kumain? " tanong niya.
" Nakita mo naman diba? Nakita ko palang suka suka na ako sa lababo paano pa kaya pag natikman ko yang ubeng ice cream nayan. Pero sige kakain ako kung ipag luluto mo ko " sabi ko dito at ngumiti.
" Alright. What do you want? " ani nito at niyakap ako at inamoy amoy ang buhok ko.
" Gusto ko ng tuna sandwich at fries may patatas na pinamili si manang kanina kaya ayun ang gawin mo" sabi ko.
" Okay. For you my love " ani niya at pinisil ang pisngi ko sabay hinalikan ang labi ko.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomansaRouchless Possessive Series #1
