36

17.6K 277 12
                                    


A L A S N E

Paulit-ulit ko binasa ang text saakin ni Timothy na gagabihin na siya kasi may mahalaga daw siyang meeting sa kompanya at madami padaw siyang trabaho na tatapusin.

" Mommy akala ko ba lalabas tayo? Asan na si daddy? " tanong ng anak kong si tamara.

" Ahmm next time nalang tayo lalabas baby okay? " ani ko dito at tinap ang ulo niya.

" But mom, nag promise kayo saamin ni daddy " Si Theo.


" Nag text kasi si daddy kay mommy tapos ang sabi may mahalaga daw siya tatapusin sa opisina. "

" Then tayo ang pumunta kay daddy!! " matinis na sabi ni tamara.

Nako! Paano bato?

" Please mommy? I want to see daddy! Please mom. " Si tamara uli.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumango nalamang ako dahilan ng pag silay ng ngiti sa mukha nilang dalawa. Lahat ng gusto nila nakukuha nila kasalanan yun ng daddy nila kasi masyado sila naispoiled.



After 1hour na pag-ayos ko sakanila at napakain ko nadin ay ready na kami umalis para makita ang daddy nila. Hindi naman siguro magagalit si Timothy? Never naman nagalit si timo pag nag pupunta kami doon kasi mas sumasaya at nawawala daw ang pagod niya pag nakikita kami.



" Faster please! Mommy! Kuya! Why so bagal? Gusto ko na makita si daddy " si tamara sabay hinila ang kamay ko. Si theo naman ay tahimik na nakasunod lamang saamin.


" Hi Mrs.Rouchless, Si Sir po ba ang pinunta niyo nasa loob po siya tuloy nalang po kayo. " Nakangiting sabi ng secretary ni Timothy.

Sasagot na sana ako ng biglang tumakbo papasok ng office ni Timothy si tamara kaya agad ko hinabol ito.

" Tamara! " tawag ko dito pero huli na dahil nakapasok nato sa loob kaya sumunod nadin ako kasama si Theo.

" Daddy! " agad siyang tumakbo sa daddy niya na may kausap na babae?

Agad na tumayo ang babae at tinignan ako. Maganda ito at matangkad at blonde din ang buhok nito ang kaibahan lamang ay may bangs ito pero di mo padin matatago ang kagandahan nito.

" So .. next time nalang? " ani nito kay timo na tinanguan at nginitian naman ni timo.

Walang sabi-sabi umalis yung babae. Nakatitig lamang ako sa pinto na nilabasan nito ng mag salita si tamara.

" Daddy galit ka po ba? Pinilit ko lang naman si mommy pumunta dito kasi i miss you so much " ani ni tamara sa ama niya.

Tumingin si timo saakin bago ilipat ang tingin kay tamara na nakaupo na sa lap niya.

" No baby. Sit muna kayo don may sasabihin lang si daddy kay mommy " Ani nito na agad naman sinunod ni theo at tamara.

" Bakit di ka nag sabi na pupunta kayo? " tanong niya saakin. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

Hindi siya nag tatanong saakin ng ganyan pag pumupunta kami dito na walang sabi ngayon lang. dahil ba doon sa babae? Nakaistorbo ba kami?

" Bakit? Nakaistorbo ba kami? " tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

" Nag text ako sayo diba na may aasikasuhin ako na mahalaga at may meeting ako. " ani nito na nag patigil saakin.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon