ALASNE" Ito naba ang apo mo amanda? " nakangiting ng kaibigan ni mama sabay hinawakan ang kamay ni theo na karga-karga ni Timothy.
" Yes Mare. Si Baby Theo " Nakangiting sagot ni mama dito.
" Ang gwapong bata di naman ako mag tataka kasi ang ganda at gwapo ng mommy at daddy tama ba ako baby? " Sabi nito at pinisil ang pisngi ni baby theo na wala manlang reaksyon kundi ang nakasimangot nitong mukha.
" Manang-mana nga sa nanay at tatay pero tignan mo ang ugali manang-mana sa tatay hahaha " natatawang sabi ni mama kaya natawa nadin ako.
" Psh " Simpleng sabi ni timothy na naka-poker face.
Totoo naman kasi nakuha ni Baby Theo ang ugali ni Timothy. Minsan lang kung tumawa si Baby Theo pero kadalasan nakasimangot nato gaya ng daddy niya na akala mo pinag-lihi sa sama ng loob.
" Osiya nga pala kasal naba kayong dalawa? " tanong ng kaibigan ni mama at tumingin ito saakin at kay timo.
" Ah-h hehe hindi pa po " nahihiyang sagot ko dito.
" Soon " simpleng sagot ni timo.
Wala pa naman sa plano namin yung kasal pero madami nag sasabi na mag pakasal na kami.
" Alam ko kasal na kayo. Bakit ayaw niyo paba? Dapat mag pakasal na kayo lalo't may baby na kayo " Sabi nito at nginitian si baby theo na ganon padin ang reaksyon.
" Hindi ko ba alam mare. Kahit ako gusto ko nadin sila mag pakasal pero ang anak ko mukhang mahina pag dating sa pag-plano at pag-handa hahaha " sabi ni tita.
" Mom " Si Timo at tumingin sa mommy niya.
" Why son? Tama naman ako mukhang natatakot kapa at wala kapang lakas na loob. Wag ka matakot anak papayag yan si Alasne mag pakasal sayo diba alasne? "
" Ha? " Ano daw!?
" Sabi ko pag-inalok ka naman ni timo mag-pakasal diba papayag ka? " pag-uulit nito.
" Ah .. o- opo " utal na sagot ko dito at ngumiti ng kunti.
" Timo ako na muna mag aalaga kay baby theo mag palit kana ng damit mo " sabi ko kay timothy pag-labas ko ng banyo ngunit tinignan niya lang ako at binalik ang tingin muli kay baby theo na kinakain ang kamay.
Nilapitan ko sila sa kama at tinabihan.
" Nakikinig kaba sakin? " tanong ko dito.
" I love you haha " natatawang sabi nito.
Kung jumbagin ko kaya tong lalaki nato? Pinag tritripan ata ako e.
" Ako wag mo ko iniinis Timothy ah! Mag palit kana doon ng pantulog mo may pasok kapa diba? Akina yan si Theo papatulugin ko na 11 na oh! " sabi ko dito.
" Okay. Chill okay? Pfft! Why so beautiful baby? " sabi nito saakin.
Aba't pinag tritripan talaga ako nito eh!
" Umayos ka nga timo di ka naman nakainom pero lakas ng trip mo ngayon ah " Sabi ko a kinuha si theo sakaniya.
" Marry me " Sabi niya na kinalingon ko.
Ano daw? Anong marry?
" Ha? Ano? " kunot-noong sagot ko dito.
" I love you. Marry me " Sabi pa nito at hinawakan ang kamay ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko parang lalabas nato o kaya feeling ko naririnig ni timo ang pagwawala nito. Trip lang ba niya talaga ako o totoo na talaga?
" Wag mo sabi ako pag-tripan timothy ah " sabi ko at tinignan si baby theo na busy sa kamay niya at di kami pinapansin dalawa.
" I'm fvcking serious love. Marry me! Mag pakasal na tayo " Sabi nito.
" Pero- " Di ko natuloy ang sasabihin ko ng bitawan niya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko habang ako nakaupo sa kama karga-karga si baby theo.
" Sa harap mismo ng anak natin. Isusumpa ko na ikaw lang ang babae na magiging ina ng mga anak ko at ang babaeng makakasama ko habang buhay. Be my wife alasne gray " Sabi nito at nilabas ang isang pulang box.
" I know na ang gusto ng mga babae ay isang romantic pero ang lahat ng to ay biglaan kanina nung umalis ako sa party bumili ako ng singsing para sayo nakakatawa kasi di ko man lang inalam size ng daliri mo kaya if mag yes ka di ko alam kung kakasiya sayo to. So Alasne Gray Will you marry me? " Sabi nito saakin at nginitian ako.
Napakagat ako ng labi at tinignan si Baby Theo na nakatingin sa hawak-hawak ng daddy niya.
" Kailangan ko paba sagotin? Mukhang alam mo naman isasagot ko diba? "
" Answer it baby. Gusto ko marinig ang sagot mo. Make me the happiest man alive baby "
" Yes. Papakasalan kita timothy " Nakangiting sagot ko at nilahad ang daliri ko sakaniya. Ngumiti naman siya at kinuha ang singsing na may diamond at ang kulay nito ay white na may blue sa loob at kung titignan mo ng malapitan ay may maliit na heart sa loob. Nilapag niya ang box na pinang-galingan ng singsing at sinuot sakin ang singsing na nag kasiya naman pag-tapos non ay hinalikan niya ako sa labi.
" Did you hear that little man? Nag yes si mommy! Did you hear it? " Sabi nito at hinalikan sa pisngi si theo na nakatingin lang sa daddy niya.
" I love you so much. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Thank you baby. Thank you so much " Sabi niya at niyakap ako at hinalikan muli sa labi.
Maya-maya pa ay biglang umingit si theo kaya napatawa kami ni timothy dito.
" Mukhang naiirita na ang anak mo " Sabi ko at pinisil ang pisngi ni theo na nakasimangot na.
" Pfft. Smile baby. Ikakasal na si mommy at daddy haha "
Hindi romantic gaya ng iba sabi ni Timothy. Pero para saakin ito na ang pinaka romantic na ginawa niya. Pinasaya nya ako ng sobra and soon isa na akong Mrs. Alasne Gray Rouchless ang mommy ni theo at ang magiging asawa ni Timothy Rouchless ang possessive kong asawa.
-
A/N : Lame? Bawi tayo sa next chap hehehe! Mahaba pa naman tong TPTR kaya chill muna tayo kung ano ba ang mangyayari abangan nalang natin and btw guys basahin niyo din sana yung bago kong publish na story ang tittle is Secret Wife punta lang kayo sa profile ko din hanapin niyo sa works then tadaaa! Madali niyo lang makikita yon kasi dalawa palang story na nagagawa ko hahaha.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1