33

19.7K 348 3
                                    





A L A S N E

Tatlong buwan na ang lumipas simula ng makuha namin si Baby Theo kay Zia. Pansamantalang nasa pangangalaga ng mga doctor sa mental si Zia dahil bata palang daw ito ay may sakit na ito sa pag-iisip sa ibang bansa siya dinala para mas mapadali ang pag-galing niya. Pag naman gumaling na siya ay ikukulong na siya.

Hindi padin mawala ang takot sakin na-troma ako sa nangyari natatakot padin ako na baka kunin uli at mawala ang anak ko saakin pag nangyari yun baka di ko na talaga kayanin pa.

Pinag-masdan ko si Timothy at Theo na nag-lalaro sa sala. Nakakaupo na si Baby Theo at paunti-unti ay nakakatayo nato mag isa pero kailangan padin ng suporta. Sobrang bilis ng panahon para sakin parang kahapon lang ng malaman kung buntis ako sa anak ni Timothy at ngayon ito na kami masasabi kong masaya kami kahit paano kahit nung una para kaming aso't pusa. Isang buwan nalang at ikakasal na kami ni timo di ko mapigilan kabahan at maatat para sa araw na yon. Naging madali ang lahat ng pag-asikaso mula sa Place , Themes at sa iba pa.




" Sa tingin mo ba timo si zia magiging ayos na doon? " tanong ko kay timo na bagong ligo lamang at kakalabas lang ng banyo.

" Yeah why? " tanong nito saakin habang pinupunasan ng tuyong towel ang ulo niya.

" Ayaw ko na maulit ang nangyari noon baka pag nangyari yon di ko na kayanin " Sabi ko dito. Tumingin naman ito saakin at naupo sa kama.

" I'm here baby. Di na mangyayari yon if ever na mangyari yon promise ko sayo na hahanapin at hahanapin muli natin ang anak natin basta may tiwala kalang sakin " ani nito at hinila ako palapit sakaniya upang yakapin ako.


" Ano bayan timothy ang baho mo naman " Ani ko ng may ma-amoy ako sakaniya na ewan feeling ko babaliktad ang sikmura ko dahil doon. Yon ata ang sabon niya.

Kita ko naman kumunot ang noo niya habang nakatingin saakin.

" Are you fvcking serious? Kakaligo- " di niya natuloy ang sinasabi niya ng tignan ko siya ng masama.

" Anong fvck! fvck ka diyan! Minumura mo ba ako? " Tanong ko dito at tinaasan siya ng kilay.

" No. I'm sorry pero kakaligo ko lang baby anong mabaho ang sinasabi mo " Kunot noo padin na tanong nito saakin.

" Amuyin mo yang balat mo ang baho nung sabon mo " ani ko dito.

" What the!? Matagal ko nang sabon to at ikaw pa ang bumili nito. " sabi nito.

" Ahh basta ang baho mo. Wag kang tatabi sakin ah " ani ko dito at humiga na.

Narinig ko naman ang mga mura niya pero mahina lang iyon kaya patago akong natawa dito at pinikit na ang mata ko.










Ngayon araw na ang kasal namin ni timo at ito ako inaayusan ng mga tao na kinuha ni timo para mag ayos sakin.


" Ano bayan. Matagal paba yan? " reklamo ko sa babae na nasa harapan ko nilalagyan ako ng kolorete sa mukha nito.

" Puro ka naman reklamo babae. Ganyan talaga alangan ikakasal ko mukha kang galing sa palengke " ani ni tiffany at tinarayan ako.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon