24

19.8K 333 3
                                    




ALASNE


" Yung totoo saan mo ba pinig-lihi si baby theo? " Si tiffany habang nakatingin sa natutulog na si Theo.

" Bakit " tanong ka sakaniya.

" Ang perfect kasi niya masyadong gwapo " ani ni Tiffany at naupo sa kama sa tabi ni baby theo.

" Hindi naman sa pinag lihi yan sa itsura ng magulang yan " Ani ko dito.

" Sabagay ang ganda pa naman ng ina pati tatay sobrang gwapo ayan mukhang manika ang anak sa kagwapohan. Nako! Mag papaiyak din ng babae to pag laki " Iling-iling sabi ni tiffany.

Maya-maya pa ay umingit na si Baby Theo kaya binuhat ko na ito bago pa umiyak.


" Yung asawa mo ano oras uuwi? " tanong ni fany saakin.

" Hindi pa kami mag asawa " Sabi ko habang sinasayaw si baby theo.

" Hmm? Sabagay di pa naman kayo na kasal. Kailan ba ang kasal niyo? Ay mali kailan niyo balak mag pakasal? " Tanong pa nito saakin.

" Hindi pa naman ako tinatanong diyan ni timo "

" Tanongin mo din kasi inday! Para naman maikasal na kayo may baby na kayo o! "

" Pangit naman kasi kung ang babae mag tatanong diba? "



" Sa bagay pero malay mo bukas or sa susunod diba "


Hindi nalamang ako sumagot ayoko muna pag-usapan ang bagay na yan.






6PM na at kaming dalawa palang ni Theo dito sa kwarto namin wala pa si timothy masa company pa siya at nag tratrabaho.

Busy ako sa pag palit ng diaper ni Baby Theo dahil umihi ito masasabi ko na maarti ang anak ko dahil kahit kunting ihi palang ang laman nito ay umiiyak ito ng umiiyak hanggang di mo pinapalitan ang diaper niya.

Matapos ko palitan ng diaper si Baby Theo ay Binuhat ko ito upang padighayin dahil kakatapos lang din nito uminom ng gatas.


Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng bumukas ito at pumasok si timothy na mukhang pagod na pagod.

Lumapit ito saakin at hinalikan ako sa labi at kinuha si baby theo mula saakin.

" Hey Little handsome, Daddy's missed you " Sabi ni timo kay Baby Theo.

Lagi siyang ganiyan pag uuwi siya kahit na pagod siya inaalagaan niya padin si Baby Theo.

" Siyempre miss ko din ang mommy mo mamaya mag selos yan " Dagdag pa nito kaya napatawa ako sa sinasabi nito sa anak namin.

" Kumain kana ba? " tanong ko sakaniya.

" Nah. Dumaretsyo uwi na ako "

" Sige diyan ka muna iaakyat ko nalang yung pagkain mo dito " Sabi ko at bumaba na para ihanda ang pagkain niya.

Ininit ko ang nilutong tinola ni manang kanina pati nadin yung kanin para mas masarap ito kainin. Hindi naman ako nakakapag luto dahil si Theo hindi ko pwedeng iwanan. Nag lagay na ako sa plato ng kanin at ng ulam naman sa isang mangkok. Kumuha nadin ako ng kutsarabat tindiro at tray para don ilagay ang dadalhin ko sa itaas. Inayos ko na ang lagayan at nilagay nadin ang juice na tinimpla ko kay timo pati nadin ang malamig na tubig tapos umakyat na.

Naabutan ko si Baby Theo na nakahiga na sa crib niya at natutulog si timo naman ay wala mukhang nasa cr ito.

Nilapag ko ang pagkain sa mini table at inayos ang kama at inalis ang gamit doon ni baby theo.

Nag aayos ako ng biglang may yumakap saakin mula sa aking likod.


Hinarap ko siya at hinalikan sa labi at sa pisngi at sa buong mukha niya tinadtad ko siya ng halik.

" Stop it baby. You're seducing me " ani niya.

" Hmmm? Why? Ano ba ginagawa ko? "

" if you'll do this again you will find yourself lying on my bed " may ngisi sa mga labi nito kaya agad akong lumayo.

" Pahihirapan mo lang sarili mo lalaki " ani ko sakaniya at nilapit na ang pagkain na dinala ko para sakaniya.

" Why? " Nakakunot ang mga noo niya.

" Remember? Kakapanganak ko palang? Wala pa ho akong isang buwan nanganganak lalaki " ani ko pa dito.


" I can wait but mas malaki na ang atraso mo sakin non. 10 rounds for 1night. " Sabi niya na may ngisi.

" Kumain kana nga lang at mag papalit na ko ng damit habang tulog si theo " ani ko at nag daretsyo na sa banyo.

Gosh! Alam ko nagawa na namin yon kaya nga may baby theo na pero bat ganto padin ang reaksyon ko pag napag uusapan namin yun?

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon