8

40.3K 609 20
                                        

CHAPTER 8

ALASNE

nakatingin ako kay Timothy habang namimili ng mga bottle na pang baby. Bakit puro blue ata ang pinipili nito? Nilapitan ko siya at tinanong.

" Bakit puro blue naman ang binibili mo? Di pa naman natin alam ang gender ni baby " ani ko sakanya.

" Hahaha. I know na lalaki ang anak natin " ani niya habang tumitingin padin ng mga bottles. Tsaka ano daw natin? Anak namin? May kakaiba talaga dito kay timothy eh.

Lumabas na kami ng baby land kung saan kami bumili ng mga gamit ni baby. Puro pang lalaki ang pinili ni timothy dahil nga daw sure siya na lalaki ang anak niya. Free deliver naman daw sila dahil sa dami ng binili namin na kompleto na namin ang gamit ni baby hanggang sa mag 1year old siya.

" So? What do you want to eat? " tanong ni timothy.

" Gusto ko ng ice cream at pizza " ani ko.

" No. Ice cream? Bawal yun sayo " napasimangot naman ako sa sinabi ni Timothy.

" Hahaha Cute " natatawang sabi niya.

In the end. Sa pizzahut ang bagsak naming dalawa. Dahil bawal ako sa malamig nga daw kasi nakakalaki daw ng bata tubig lang ang saakin na walang ice. Hays! 

Busy ako sa pagkain ng biglang mag tanong si timo.

" Naranasan muna ba mainlove? Or nag kagusto sa isang tao? " tanong niya.

Tumigil naman ako sa pagkain ng pizza at tinignan siya. Gusto kong isagot sakaniya na ' Oo. Ikaw nga yung taong gusto ko eh ' pero hindi pwede.

" Ahmm. Yeah! May naging mga ex na ako no. Ano tingin mo saakin? " sagot ko sakaniya.

" Hahah just asking. " siya.

" Bakit ikaw ba? "

" Hmm. Yes,  actually may nagugustuhan akong babae right now. But nahihiya akong umamin sakaniya i don't know why " sagot niya. Para namang may tumusok na tinik sa puso ko sa sinabi niya. Sino kaya ang tinutukoy niya? Yung babaitang nakakainis kaya na secretary niya kanina? Hmmp.

Hindi ko inimik si timo hanggang sa kotse kahit sa bahay ewan na bubuset ako sa lalake na yun nakakabadtrip sya sa totoo lang. 

" Bakit hindi mo ko pinapansin? " tanong ni timo pag pasok namin sa bahay. Still no response..

" Alasne " siya yan.

" Hey! Can you please notice me? " siya padin yan.

" Matutulog ako " ani ko at aakyat na sana ng hagdanan ng pigilan niya ako.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

" Oh? " ako yan ah.

" Mag elevator ka! " ani niya at inalis na ang pag kakahawak saakin at dumaretsyo na sa pintuan ng may mag doorbell doon.

Si Timothy ang nag bukas noon at kitang-kita ko kung sino ang pumasok sa loob. Walang iba kundi ang impaktang secretary niya. Naku! Pinapakulo talaga dugo ko nito eh.

Bumaba ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Manganganak ako ng maaga sa babae na yun. Siya nga siguro yung tinutukoy nun ni timo. Bahala sila hmmp.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon