16

27.8K 407 6
                                    

THE POSSESSIVE : 16

TIFFANY

Hindi ko alam kung bakit ako nakasakay sa kotse ng lalake nato ngayon. Di ko alam ano ba ginawa nito sakin.

FLASHBACK 

" Tiffany may nag hahanap sayo " si alasne na nasa pintuan.

Napatingin naman ako kung sino ba yun. Ako mag kakaroon ng bisita? 

Pumasok ang isang matangkad at maputi na lalake. Matangos ang ilong nito at masasabi mong gwapo nga talaga ito. Si kert? 

Sumimangot ako ng ngitian ako nito.

" Akyat lang ako sa taas ah diyan muna kayo " paalam ni alasne na kinatango ko lang.

" What are your doing here? " tanong ko sakaniya.

" Diba may usapan tayo na lalabas tayo ngayon? " sabi niya at naupo.

" Hindi naman ako pumayag ah? " sabi ko.

" Mag bihis kana " sabi niya. Ano ka bossy?

" Mukha mo bihisan mo basta hindi ako sasama " sabi ko sakanya at tatayo na sana para iwan siya ng muli siyang mag salita.

" Okay ayos pwede ko naman sabihin kay alas na tayo na kahit hindi tiyak na magugulat yun at mag tatampo kasi akala niya di mo sinabi sakaniya ang mga buntis pa naman mabilis mag tampo madamdamin sila " ani nito.

" Nang blablackmail kaba? " tanong ko.

" Pwede " simpleng sagot niya at nginisian ako.

" Okay fine " ayun nalamang ang nasagot ko at umakyat na sa taas para mag bihis.

END OF FLASHBACK 

So ito na nga ako nakasakay sa kotse ng baliw nato. Galing mang blackmail. Kung sa tutuusin pwede naman ako di sumama pero iniisip ko si alasne na baka nga magalit sakin dahil sa mga kasinungalingan ng gago nato.

" Saan ba tayo pupunta? " tanong ko dito.

" Ang tagal ko na hindi nag pupunta sa mall gusto ko pumunta doon " sabi nito sakin.

" Seriously? Mall? " taas kilay na sagot ko.

" Yup " sabi nito tinignan pa ako.

Di nalang ako sumagot at nag lagay ng earphone at nag play ng music.

ALASNE

Tinitignan ko si timothy na inaayos ang gamit niya galing siya sa trabaho at kakarating niya lang ngayon.

Napapikit ako ng hubadin niya sa harapan ko ang suot niyang pants.

Narinig ko siyang tumawa at tiyaka nag salita.

" Hahaha. You're so cute. Nakita mo naman to kaya bakit ka pumipikit diyan? " sabi nito sakin. Dinilat ko ang mata ko at tinaasan siya ng kilay.

" Mukha mo. Umayos ka nga dun ka mag bihis sa banyo " sabi ko at nginuso ang banyo.

Maaga ang uwi niya ngayon dahil wala naman daw gagawin sa company nila.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at nag punta sa banyo. After 5minutes ay lumabas na siya suot-suot ang isang sandong white at isang pants na lumabas ang kalakihan ng katawan niya. Kahit ano naman isuot siguro ng lalaki nato ay gwapo padin siya.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi.

" I miss you " sabi niya at hinalikan naman ang noo ko at niyakap ako.

" Timo " - Ako.

" Hmm " sagot niya habang nakayakap padin sakin.

" Sa tingin mo saan ang punta ni kert at tiffany? " tanong ko.

" Bakit umalis ba sila? " sabi nito.

" Yeah! Sinundo pa nga siya dito ni kert e. Feel ko may something yung dalawa na yun " ani ko naman.

" Hmm. Maybe? Hayaan naten sila malaki na sila " sabi niya at tinignan ang mukha ko at hinalikan nanaman ang labi ko ng tatlong beses.

" I love you love " sabi niya.  

" I love you too " sagot ko.

" Mahal na mahal na mahal ko kayo dalawa ni baby " sabi niya habang hinahaplos ang tiyan ko na lumalaki na.

" Mas love ka namin " sabi ko naman. Nginitian niya ako at hinalikan muli kaso buong mukha ko naman ang hinalikan niya.

" Namiss ko kayo sobra kahit ilang minuto palang kita di nakikita namimiss na kita agad " sabi nito.

" Ako din naman namimiss kita agad " sabi ko.

" I'm hungry. Kain tayo sa baba " sabi nito. Tumango naman ako sakaniya.

Inalalayan niya ako tumayo at bumaba na kami para kumain. 

TIFFANY 

" No! Baliw kaba? Bakit tayo diyan pupunta? " si kert. Hinihila ko siya papuntang worlds of fun upang mag laro para nadin sumakay ng rides.

" Wag ka nga pabebe diyan kert. Ikaw ang nag aya sakin dito kaya sige na tara na " sabi ko at muling hinila siya.

" Ayun! Doon tayo " tinuro ko ang mini basketball kung saan ka mag shoshoot ng bola.

" Kaya mo ba yan? " nakangising sabi niya.

" Aba! Ako paba " mayabang na sabi ko.

Bago kami mag laro bumili muna kami ng madaming token at tickets naman para sa mga rides.

Matapos namin bumili ay nag laro na kami sa gusto naming laruin.

" Oh! Ganto pag ako nanalo kiss me here " sabi niya at tinuro ang pisnge niya.

" Pag ako naman ang nanalo lalayuan muna ko okay? " sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Kahit paano marunong naman ako nito noh!

Nag hulog na kami ng token ng sabay at after 3seconds nag start na ang game.

" Yes " sabi ko ng sunod-sunod ang shoot ko ng bola.

Luminga ako sakaniya at nakita na mas lamang siya saken kaya naman mas ginalingan ko naman.

Natapos ang laro namin at tinignan ko ang score niya 55 vs. 70 ang score. Nalungkot ako bigla at tinaasan siya ng kilay.

" Paano bayan? Kiss muna ako " sabi niya at tinuro-turo pa ang pisngi niya.

Ako naman ay sinunod siya baka mag scandal pa tong lalake nato dito.

Lumapit ako sakaniya at hinalikan ang pisngi niya. Parang nag slow-mo ang lahat ngayon. Feel ko nakastop ang mga tao bakit ganto? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Humiwalay naman agad ako sakaniya at di siya matignan sa mukha nakatingin lamang ako aa iba.

" Doon naman tayo " sabi niya at hinawak na ang kamay ko papuntang isang rides.

-

A/N; Sorry sa grammar and typo ok? Hindi po perfect story ko kaya pansensya na ok? First time ko mag publish ng gantong klaseng story kaya maraming madaming salamat sa mga nag vovote,  nag shashare at binabasa ang story nato kahit di perfect binabasa niyo padin. Thank you so much lalo na don sa mga taong nilalagay pa sa library nila ang story nato maraming salamat.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon