A : Opo yesh po! May balak ako kawawain si hannah dito haha pero may pain muna pag dadaanan si alasne then kawawain na natin si Hannah. Okay?A L A S N E
" Mommy " Dumako ang tingin ko kay tamara na busy sa coloring book niya at pansamantalang tumingin saakin na tila may itatanong.
" Yes baby? " ani ko dito at uminom ng juice na hawak ko.
" When will i have a baby sister? My classmate going to have one, Sabi niya po super big na po ng tummy ng mommy niya and it's a girl daw po and twins din daw po. "
Muntik ko na mabuga ang iniinom kong juice ng marinig ko ang mga salita na yon kay Tamara. Masama ko naman tinignan si Timothy ng tumawa ito.
Sunday ngayon kaya naka-off kami sakaniya-kaniyang trabaho and tuwing sunday ang family time namin.
Inabutan naman ako ng tissue ni Timothy na tumatawa padin kaya tinarayan koto tyaka inabot ang tissue.
" How to make a baby po ba daddy? " biglaang tanong naman ni theo kaya nag kunwari akong naubo.
" Pftt. Son, malalalam mo din pag nasa tamang edad na kayo. " sagot ni Timothy sa anak niya.
" My classmate told me na pag nag kiss daw ang mommy and daddy mag kakababy na sila. " sagot naman ni tamara.
" So dad if may mag kiss saakin na girl i can make a baby po? " si theo.
Sunod-sunod ang pag lunok ko dahil sa mga katanungan ng mga anak ko.
" Ahmm " Ano ba isasagot ko?
" It's not easy to make a baby. Malalaman niyo din pag tumanda kayo but for now kailangan mag aral kayo maigi okay? " si timothy na ang sumagot kaya nakahinga na ako ng maluwag.
" Okay daddy " sagot nilang dalawa tyaka nag patuloy sa ginagawa nila.
Si Theo nag babasa ng libro at si Tamara naman ay kinukulay ang coloring book niya.
" Buti naman inayos mo ang sagot sa mga anak mo. Hays! Di ko alam kung ano isasagot ko sa mga tanong nila. " ani ko kay timothy.
" Pfft. Gusto na ni tamara ng baby sister kailangan na natin gumawa. " ani nito kaya pinalo ko siya sa braso.
" Akala mo madali manganak? O, sige mag baby tayo basta ikaw manganak? " ani ko dito.
" I know na mahirap manganak baby. Kaya proud na proud ako sayo. I love you so much " ani nito at tyaka ako hinalikan sa noo at niyakap.
" I love you too " sagot ko at niyakap din siya.
Busy ako sa pag dridrive papuntang shop ng biglaang tumog ang cellphone ko hudyat na may nag text saakin.
Maaga umalis ang mga bata at si Timothy kanina kaya di na ako nahatid ni Timothy.
Kahit nag dridrive ay pinulot ko ang cellphone ko na nasa tabi lang ng bag ko at tinignan kung sino ang nag text. Unknown number.
Inopen ko yon at may nag send saakin ng video kahit nag tataka ay inopen ko yun. Puro black ang nakita ko maya-maya pa ay may isang babaeng lumabas sa video at hubad ito at may isang lalaki na nakahiga at nag hahalikan sila.
Pinag masdan ko maigi ang mukha nung lalaki at ng makilala ko kung sino yon ay bigla nalang tumulo ang luha ko.
Si Timothy. Siya yung nasa video at si Hannah. Nanlabo ang mata ko dahil sa luha na pumapatak galing saking mata.
Hindi ko namalayan ay may kasalubong na akong malaking truck at ang huli alaala ko nalang ay bumangga ako at lahat ay nag dilim na.
Hindi mapakali si timothy, panay ang tingin niya sa relos na nasa pulsuan niya hindi niya maintindihan ang nararamdaman gusto niya matapos na ang meeting ngayon at umuwi nalang pero di maari.
Nang matapos ang meeting ay lalabas na sana siya ng makita niya si hannah na papalapit sakaniya.
" Hello there handsome " bati nito sakaniya ngunit di niya to pinag tuunan pansin dahil nangako siya sa asawa na lalayuan nato.
Palabas na siya ng meeting room ng muling nag salita si hannah na kinalingon niya.
" I think hindi kana dapat umuwi sainyo kasi for sure ang maabutan muna lang sa bahay niyo ay ang divorce papers niyo ng asawa niyo so if ako sayo sa bahay ko nalang ikaw tumuloy " nakangising saad nito sakanya. Kunot noo niya tong nilapitan at hinawakan sa braso kaya napadaing si Hannah sa ginawa niya.
" What did you do? Anong ginawa mo? " tanong niya dito. Galit ang nararamdaman niya ngayon sa babae.
Kaya ba siya di mapakali kanina ng dahil sa ginawa ng babae nato?
Kahit na ang higpit ng hawak ni Timothy sakaniya ay nagawa padin kunanin ni hannah ang cellphone sa bag niya at pinakita kay timo ang video na sinend nito sa asawa niya.
Isang sex video yon na edited. Ngumisi si hannah ng todo kaya mas lalong nagalit si timo at diniinan ang pag kahawak kay hannah alam niyang mag iiwan ng marka yon doon pero wala na siyang pake.
" Pag may nangyari na di maganda ngayon hannah. Pangako ko sayo papahirapan kita " Sabi nito at patakbong lumabas para puntahan ang asawa.
-
Instagram : @bemyserexdipity
Facebook : m.facebook.com/bemyserexdipity
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1