" Oh! Blooming ang gaga, nag chukchakan kayo ni mr mo kagabi no? "Napailing si alasne sa tanong ng kaibigan na si shane. Day off nito ngayon at nag aya na lumabas sila kaso ang iba nilang kaibigan ay nasa work pa at ang isa naman ay buntis kaya di muna nila inaya kaya ang ending ay sila munang dalawa.
" Oh di makapag salita? True ano? Ano kailan ba masusundan? " natawa siya sa sinabi nito at sumagot.
" Wala pa sa plano namin ang mag anak muli. Gusto ko pag nasa 10 na si Tamara alam mo naman na nasundan agad si theo diba? Isang taon nga lang ang pagitan nila at masasabi ko hirap na hirap ako that time kaya wala pa sa plano ko mag anak muli gusto ko mag focus muna kay theo at tamara. " ani nito.
" Kamusta naman kayo ng mr mo? " tanong nito.
" Ayos naman may mga time nga lang na di kami mag kasundo lalo pag iniispoiled niya yung dalawa. " sagot niya sa tanong ng kaibigan.
" Nabalitaan ko yung nangyari sainyo kahapon ano ayos naba kayo? " dagdag tanong pa ng kaibigan.
" Yeah nag kaayos agad kami. Ganon naman kasi kami nag babati din kami agad ayaw namin humaba ang away namin "
" Sana ako din ikasal na then ang mapapang-asawa ko sana kagaya ng mga napang asawa niyo ni tiffany " ani ng kaibigan niya kaya natawa siya dito.
" Nako. 29 kana wala ka pa jowa diba? Asawa pa kaya. " natatawang ani niya dito.
" 28palang ako no. Hayaan mo papakilala ko kayo agad sa magiging jowa at soon to be husband ko pag dumating na siya "
" Kailan naman " pang babara niya sa kaibigan.
" Heh! Kumain kana nga lang "
Si shane kasi yung tipo na babae na akala mo wild pero pag may nanligaw dito ay binabasted niya agad.
" Daddy matutuwa kaya si mommy sa ginawa natin? " tanong ng batang si tamara sa kaniyang daddy.
Day-off ni Timothy ngayon at napag pasyahan niya na makipag bonding sa mga anak habang ang asawa niya ay nag paalam kanina na makikipag meet up sa kaibigang si shane.
" I'm done dad. " Nakangiting sabi ni theo at pinakita sa daddy niya ang gawa nito na cake. Maliit lamang iyon at sila ang nag bake at nag design.
" Yes baby matutuwa si mommy sa ginawa ninyo. Favorite ni mommy ang cakes remember? " nakangiting sagot niya sa dalawang anak.
Si tamara naman ay patuloy sa pag ayos ng design ng isa pang cake na ginawa nila para sa mommy nila.
" Mommy! " nang makita ni tamara ang ina sa pintuan ay agad niyang sinalubong ito at niyakap.
" Mommy nag bake kami ng two cakes for you yung isa si kuya theo ang nag design at yung isa ako naman po. " Napatingin siya sa dalang cake nito napangiti naman sya at nilapag ang bag na dala.
" Thank you baby girl. " Sabi niya sa anak at ang kay theo naman ang kinuha niya.
" Thank you my baby boy. " sumimangot naman si theo ng marinig ang salitang baby boy mula sa ina.
" Oh bakit ka sumimangot? " tanong niya sa anak.
" Mommy naman kasi eh. I'm a big now hindi na ko baby. " nakanguso nitong sabi kaya natawa silang mag asawa at napailing-iling.
" Papasok kana bukas? " tanong niya sa asawa ng nasa kwarto na sila.
Gabi na at napatulog na nila ang dalawang anak pag tapos nila panoodin ang movie na gusto panoodin ng dalawa. Ganon sila bago matulog pag walang pasok nanonood sila ng movie at pag tapos at matutulog na ang mga ito.
Tumingin siya sa asawa niya na nakayap sa likod niya.
" Hmm yeah " sagot ni timothy sa tanong niya.
Bumuntong hininga siya at lumayo ng kunti dito.
" Makakasama mo nanaman yung hannah na yon " nakasimangot na sabi niya dito.
Napatawa naman ang asawa niya at piningot ang ilong niya.
" Don't worry trabaho lang ang kailangan ko sakaniya at wala ng iba okay? "
" Eh paano kung yung trabaho sakaniya pang aakit sayo? Pano yun? " nakangusong tanong niya sa asawa.
" Mag papaakit ba ako? Hindi ka naman siya so di ako maakit kahit mag hubad pa siya sa harapan ko " sagot ng asawa niya.
" Love mo ko? "
" I love you so much wife. I really really fvcking love you. Mag tiwala kalang saakin okay? " tumango siya sa asawa at hinalikan ito sa labi.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1