43

20.8K 290 5
                                    




A L A S N E

Tatlong araw na nakakalipas simula ng magising ako. Hindi padin ako nakakalabas ng ospital dahil wala pa sinasabi ang doctor na nag opera saakin kung makakalabas naba ako o hindi.

" Wife lalabas lang ako bibili ako ng pagkain at gamot mo. " Ani ni Timothy kaya napalingon ako sakaniya at tumangong nakangiti.

Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng room kung nasaan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa table sa side ko tatawagan ko sana sila manang fe para kamustahin ang mga bata ng bumukas uli ang pinto.

" Oh? May nakalimutan kaba? " tanong ko ng inakala ko si timothy yun ang atensyon ko ay nasa cellphone lang nahawak ko.

" Masaya kana ba? " Napatigil ako sa pag pindot sa cellphone ko ng marinig ang boses na yon.

Hindi boses ni Timothy yon.
Boses babae yon at ang boses na yon ay kilalang-kilala ko kung kanino.

Binaba ko ang cellphone na hawak ko sa Hospital bed at inangat ang ulo ko para makita siya. Hannah

Nakangisi siya saakin at ang mga mata nito ay nasaakin lang nakatuon.

" Masaya? Bakit ako sasaya kung mananatili kang nanggugulo sa pamilya ko? Kating-kati kana ba? Sobrang kadesperadahan mo kahit yung kasal na at may mga anak na handa kapadin patulan? " Singhal ko dito.

Nakita ko ang mga kamay niya na kinuom niya at masamang tumingin saakin.

" Lahat nawala saakin ng dahil sayo. Lahat ng pinag hirapan ko nawala saakin nangdahil sayo. Ano bang meron sayo? Akala ko nga mamatay ka eh pero luckily hindi kapadin namatay. Sa bagay masama kang damo. " ani nito.

" Masamang damo? Sabihin na natin na ganon ako pero ano ka naman? Kalahi mo ba si Zia at kating kati ka sa asawa ko? "

Mag sasalita pa sana ito ng biglang bumakas muli ang pinto at pumasok doon si Timothy.

Agad siyang lumapit sa tabi ko ng makita niya si hannah.

" Hannah what are you doing here? " Kunot noong tanong niya kay hannah.

" Timothy... "

" Hindi kaba titigil? Tantanan muna kami please lang. tumigil kana sa kahibangan mo hannah. "

" Timo di mo ba ako nagustuhan? Kahit kunti man lang? " tanong ni hannah.

" Hindi. Hinding-hindi kita magugustuhan kaya umalis kana dito hannah layuan muna kami. " si timo.

Tumulo ang mga luha ni hannah at mahina tong tumawa at tumingin kay timo.

" Right! Hahaha bakit ba ang tanga tanga ko? Sige lalayo ako. Lalayuan na kita " Sabi nito at umalis na.

" Sinaktan kaba niya? " tanong ni timo.

Umiling ako at ngumiti sakaniya para di na siya mag alala.

" Bakit kasi ang gwapo mo? Yan tuloy madami nababaliw sayo. " ani ko kaya natawa siya.

" Kahit mabaliw pa sila saakin hindi ko sila papansinin dahil isang babae lang naman ang kinakabaliwan ko ikaw. " Ani nito.

" I love you " Sabi ko. Imbes na sumagot siya ay hinalikan ako.

" Mahal kita. Mahal na mahal kita at mas mamahalin pa kita. "









After 3months


" Tita tiffany kailan po ba lalabas ang baby niyo? " tanong ni tamara kay tiffany.

Tatlong buwan na ang lumipas simula ng mangyari yung kay hannah at tama nga si hannah di na siya nag pakita at tuluyan na kaming nilayuan.

" Malayo-layo pa bakit mo natanong? " natatawang sagot ni tiffany kay tamara.

" Sana po baby girl ang baby niyo kasi gusto ko may playmate ako na girl si kuya kasi iba ang gusto. " nakangusong sabi nito kaya natawa kami.

" Edi sabihin mo kay mommy gawa na sila ng baby ni daddy mo para may babae pa kayo sa house masaya yon diba? " ani niya kaya masama ko siyang tinignan kaya naman tumawa siya.

" Mommy gawa na po kayo ni daddy ng baby sister ko diba sabi po mag kikiss lang naman? Then may baby na madali lang naman po diba mommy. " Ani ni tamara saakin.

Jusko po! Ano bato?

" Ahmm tyaka nalang natin pag usapan yan baby ah punta ka muna don kila daddy " ani ko kaya tumango naman siya at tumakbo sa daddy niya na agad naman siyang kinarga habang kausap sila kert.


" Ikaw ano-ano sinasabi mo kay tamara. " sabi ko kay tiffany ng makaalis si tamara.

" Pag bigyan muna kasi turning seven na si tamara kaya pwede nayan " ani nito.

" Akala mo madali mag luwal ng anak? Gusto ko muna enjoy ni tamara ang pagiging bunso niya. Tiyaka na yung baby nayan pag malaki na sila ni theo. " ani ko dito.

" Jusko malapit kana sa 30 kaya kailangan nag habol. " ani pa nito.

" Bahala ka nga diyan " ani ko nalang.

Siya naman ay tumawa ng tumawa. Kung di lang siya buntis kinutusan ko na siya.
Pero if ever na biyayaan kami ng baby then tatanggapin ko pero sana wag muna ngayon kasi gusto ko mag focus ako sa dalawa kong anak maybe next year? O sa susunod na year?




Dumako ang tingin ko kila tamara at thei na nasa daddy nila. Si theo kausap ang daddy niya habang si tamara naman ay ginugulo ang buhok ng daddy niya. Napangiti ako sa nakita ko. Sila talaga ang nag papasaya saakin. Lumaki akong nag iisa ayaw ko na mangyari sa mga anak ko ang nangyari saakin. Kaya naman sana hanggang pag laki nila ay ganyan padin sila mag turingan mag kapatid at ganyan padin sila kasweet hanggang sa pag laki.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon