A L A S N EMaagang pumasok si Timothy sa opisina halfday lang siya ngayon kasi balak namin lumabas at mag punta sa Star City at ibili ng gamit si Theo. Wala naman ako magagawa dahil alam kong pag dating sa anak niya bili siya ng bili at di ko siya masaway don. Ako na ang nag luto ng tanghalian namin niluto ko ang paborito niyang Sinigang na hipon ng matapos ako ay dumaan ako sa sala para tignan si Theo at ang yaya nito.
Nasa Bakasyon ang ibang katulong ngayon kasama si Manang fe at si Lea kaya ang naiwan dito ay tatlo nalang kasama ang bagong yaya ni Theo na kinuha ni Timothy mula sa kaibigan niyang si Nixon. Para daw di ako gaano mapagod.
Napangiti ako ng makita kong inaalagaan ng yaya ni theo ang anak ko. Nilalaro niya ito. Umakyat ako sa taas para mag ayos ng gamit ni Theo dahil papalitan ko uli ito.
Palabas na ako ng kwarto ng marinig ko ang iyak ni Theo at ang pag kalabog mula sa baba kaya dali-dali akong bumaba. Nasa kalahati palang ako ng hagdanan ng makita ko ang mga lalaking armado na may hawak na baril at nakatutok ito sa yaya ni theo na hawak hawak si theo na umiiyak at ang tatlo pang katulong ay may nakatutok ding baril nakatakip ang mga mukha ng mga lalaki kaya di ko kilala kung sino ang mga ito. Napasinghap ako ng tumingin ako sa pinto at nakita doon ang Guard at ang ibang body guard na bantay namin na naka handusay sa pintuan at punong-puni ito ng dugo. Dali-dali akong umakyat sa taas para tawagin si Timo ngunit hindi niya ito sinasagot nakailang text at tawag ako dito ngunit hindi ito sumasagot dahil siguro may meeting pa ito.
Nabitawan ko ang cellphone ng may biglang sumipa ng pintuan at dalawang lalaki ang pumasok at tinutok saakin ang baril.
" Sino kayo? Anong kailangan niyo saamin? " Sabi ko dito ngunit di ako pinakinggan nito at hinila palabas.
" Ano ba! Bitawan niyo ako! " Sigaw ko dito ngunit di ako pinakinggan at kinaladkad ako hanggang makarating kami sa baba. Hinagis niya ako sa tabi ng yaya ni Theo kaya kinuha ko ang anak ko dito at niyakap.
" Please maawa kayo. Umalis na kayo wala naman kaming ginawa sainyo " Sabi ko dito.
" Saamin wala pero sa boss namin meron " Sabi nito at nag tawanan sila.
" Sinong boss niyo? " Tanong ko dito.
" Manahimik ka. Wag na madaming tanong kunin niyo ang bata " utos ng isang lalaki na siguro isa sa pinaka mataas sakanila.
" Hindi! Wag ang anak ko please! Ako nalang " Pag-mamakaawa ko dito ngunit wala ako nagawa dahil dalawa sila ang isa ay hinila ako sa buhok kaya napadaing ako kinuha nila si Theo saakin na walang tigil sa pag iyak.
" Akina ang anak ko. Mga hayop kayo " Sabi ko dito ngunit ngumisi lang ito at nag paputok.
Napatingin ako sa braso kong may umaagos na likido ng dugo at rinig ko ang pag iyak ni Baby Theo. Napadapa ako dahil sa hilo at pang hihina gawa ng pag baril saakin. Inaantok ako na ewan ngunit di ako pwede pumikit ang anak ko.
" Ang anak ko. Pl-ease y-ung an ... ak ko " Sabi ko dito ngunit may humampas sa ulo ko at nawala ang lahat.
Ang tanging alam ko lang ay ang pag-iyak ni Theo. Ang anak ko.
Dahan-dahan ko minulat ang mata ko at ang puting kisame ang bumungad saakin. Bigla kong naalala ang nangyari sa bahay tatayo na sana ako ng kumirot ang balikat ko.
" AHH! " Daing ko ng sumakit ito dahil sa biglaang pag galaw ko.
" Baby. Wag ka gumalaw kakaopera mo lang " napatingin ako kay Timothy na nasa harap ko nakadamit pa ito ng pang-opisina. Andito din sila Kert at Tiffany.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1