ALASNE
Nagising ako ng may naramdaman akong yumayakap saakin. Sobrang pagod na pagod ang katawan ko ngayon.
Pag mulat ng mga mata ko nakita ko agad ang natutulog na si timothy sa tabi ko at nakayakap saakin.
Napakurap ako at naalala ang kagabi. Shuts!
Totoo ba? Totoong may nangyare saamin? Napatayo ako at tinignan ang sarili. Shuts! Nakahubad ako so totoo? Hindi panaginip?Tinapik-tapik ko ang mukha ko.
" Alasne bakit? Ano kaba naman katangahan nanaman " ani ko sa sarili ko. Napatingin ako kay timo na mahimbing na natutulog.
" Shit alam mo yun? Bakit kasi nag padala ako sayo nanaman timo naman e " ani ko pero pabulong lang. Dahan-dahan ako bumangon para hindi siya magising at pumunta sa banyo upang mag linis ng katawan. Halos 35 minutes siguro ako sa loob ng banyo kaya pag labas ko ay wala na si timo.
" Asan na yung lalake na yon? " tanong ko na akala mo may kausap. Lumingon ako sa pintuan ng bumukas iyon.
" Hija gising kana. Mabuto naman para makakain kana " si manang fe.
" Inaantay ka ni timo sa baba sabay nadaw kayo mag almusal " ani niya.
" Thankyou manang fe " sabi ko.
" Tiyaka nga pala hija. May pupuntahan pala ako sa probinsya namin dadalaw lang ako sa pamilya ko tiyaka yung mga ibang tao dito day off nila ngayon kaya aalis silang lahat wag ka mag alala nabilin ko na kay timothy yung mga dapat kainin mo siya na ang bahala daw sayo " ani ni yaya.
" Sige baba kana lang hija ah? " tumango ako na wala sa sarili.
Ano daw? Kaming dalawa lang maiiwan sa bahay? Hindi ko nga alam kung anong mukha ihaharap ko sa lalake na yun ngayon. Shemay naman kasi alasne gaga ka talaga eh.
Bumaba na ako at naabutan ko si timo na kumakain na sa lamesa.
Umupo ako sa harap niya at nag simula nang mag handa ng kakainin ko ng mag salita siya.
" Hey " kaya tumingin ako sakaniya.
" Bakit? " tanong ko.
" About - argh! Nothing. Kumain kana lang " sabi niya. Tumango naman ako at binilisan ang pagkain pag tapos kumain ay pumunta agad ako sa Kwarto ko. Shemay talaga bakit kasi? Bakit ano? Ano na gagawin ko nito? Ah?? Ano? Isip alas.
Salukuyan akong nanonood ng tv ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok don si timo. OH M! nakalimutan ko nga pala isara yun paano na?
" May kailangan ka? " tanong ko.
" Look alasne. Alam ko na iniiwasan mo ako ngayon dahil sa nangyare but all i can say is ginusto ko yun at alam ko din na ginusto mo yun " sabi niya.
" Ahmm hindi naman sa iniiwasan kita kasi naman alam muna? Hindi tama yung kagabi timo. Walang something satin tapos... Tapos may nangyare saatin kagabi " ani ko.
" I know alas. I'm so sorry kung naging marupok ako kagabi. Just i can't. Hindi ko na mapigilan alam mo ba gaano kahirap saakin na iwasan ka? Alam mo ang hirap. It's really hard to me na mag panggap na parang wala lang ang lahat " sabi niya.
Alam niyo. Naguguluhan ako sa lalake nato sinasabi nito?
" Ano bang sinasabi mo? " tanong ko sakaniya.
" Alasne... Hindi ko alam kung bato kaba or something? Bakit hindi mo ba randam? "
" Ano naman kasi ang mararamdaman ko? "
" Alasne.. I love you. I really really love you. Fuck it! Hindi ko alam paano amin sayo pero ayon ang nararamdaman ko. Nahihirapan na akong itago sayo. Alas! Ilikeyou! Iloveyou! Ayan ang nararamdaman ko for you. " ani niya at lumabas na ng kwarto ako ito tulala walang masabi. Mahal niya din ako? Paano? Kailan? Saan?
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1