H A N N A H" Good Morning Ma'am hannah, Mag papalinis po kayo ng kuko? " Ngumiti ako sa babaeng nag lilinis lagi ng kuko ko sa kamay at paa siya ang taga pedicure ko sa salon nato as always.
Kinuha ko ang Black Credit Card sa wallet ko at inabot sakanya.
" Here diyan mo kunin ang bayad mag papaayos din ako ng buhok masyado nang mahaba ang buhok ko. " Ani ko dito.
Umupo ako sa nakita kong bakanteng upuan at nag basa-basa muna ng magazine habang inaantay yung mag aayos sakin. Maya-maya pa ay bumalik na ito at muling inabot ang credit card ko saakin.
" I'm sorry ma'am pero wala na pong laman ang card niyo. " Ani nito na kinagulat ko.
" What? Anong wala? Hindi pwedeng walang laman to kakacheck ko lang dito kanina. " Pasigaw na sabi ko dito.
Tanga tanga ba ang babae nato? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang P.A ko.
" Hello! Madrid? Paki-check nga ang bank account ko. Okay aantayin ko. " Agad ko binaba ang tawag at tinignan ang babae.
Maya-maya pa ay tumawag na agad si madrid kaya agad ko sinagot ito.
" Ma'am I'm so sorry pero wala na po laman ang bank account niyo. " ani ni madrid mula sa kabilang line.
" What? Bakit? Anong nangyari? Paano nangyari yon?? " Galit na tanong ko dito.
Alam ko nakatingin na ang mga tao sakin dito pero wala akong pake.
" Hindi lang po yon ma'am pati po ang mga businessman na patners niyo po ay umurong na at sinabi na iba nalang ang kukunin nilang designer at hindi na ang corp natin. Nakatanggap din po ko ng tawag na inurong ni Mr. Billaruz ang patnership niyong dalawa at tinaggal niya din po ang share niya sa Kompanya niyo. " What?
" Papunta na ako diyan. Alamin mo ang nangyari madrid hindi pwede na mawala ang lahat saakin. Hindi pwede!! " Sigaw ko dito at binaba na ang tawag at padabog na lumabas ng salon.
What the fvck is happening?
Isang linngo na naka-confine si Alasne sa Hospital tapos na ang operasyon nito pero di padin ito gumigising hanggang ngayon.
" Daddy. Kailan po magigising si mommy? " tanong ng anak niyang si tamara na kalong-kalong niya.
Tinignan niya ang asawa na nakahiga sa ospital bed bago tumingin sa anak.
" Hindi pa alam ni daddy baby, Pero malay mo mamaya gumising na si mommy " Ani niya sa anak at hinalikan sa noo ito.
" Baby, Tara bili muna tayo ng pagkain sa labas sama ka kay mama. Puntahan nadin natin ang papsi at kuya mo. " Ani ng ina ni Timothy. Ngumiti si timothy dito at niyakap ang anak.
Nang makaalis ang ina at anak niya at lumapit siya sa asawa na hanggang ngayon ay di padin nagigising.
Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan at tiyaka dinikit sa pisngi niya.
Pumatak ang luha niya na kanina niya pa pinipigilan. Si Alasne lang ang babae na nag paiyak sakaniya at ang babaeng di niya kaya mawala sa buhay niya.
" Please .. wake up wife "ani niya sa paos na boses.
" Masyado na mahaba ang tulog mo. Bumalik kana at gumising come on wife. Gagawa pa tayo ng baby right? Hahaha " Ani niya dito at natawa pero ang mga luha niya ay di padin tumitigil sa pag patak.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1