A/N : Bago ko sana umpisahan to may gusto lang ako ishare sainyo. Everyday, i feel so empty. Gigising ako sa umaga na walang saya na bumabalot saakin na yung tipong ang hirap banggitin sakin yung salitang Good sa Good Morning kasi para saakin wala namang good eh! Yung bagay na para sakanila nakakatawa pero para sakin wala lang yun. Everyday ginagawa ko padin ang normal routine ng isang tao na walang problema. Kumakain ako ng sapat , tumatawa kahit paano pero pag mag isa na ako gusto ko nalang umiyak at naiisip ang pag papanggap sa harapan nila. Gusto ko iopen sakanila ang nararamdaman ko pero takot ako na magusgahan nila ako. Pag mag isa lang pinag dadasal ko nalang na sana bukas wala na ako di nalang ako magising ng tuluyan pero di nangyayari ang bagay na yon minsan naiisip ko mag suicide nalang kaya ako? Wala naman kasi ako dulot sa mundo nato. Mabilis na ako makalimot sa isang bagay kahit kakaganap palang ay nakakalimutan ko na agad kasi yung isip ko punong-puno na sa gabi di ako makatulog ng maayos kasi ang bigat ng pakiramdam ko na tipong gusto ko umiyak at ilabas lahat pero di ko magawa. Hindi ko masyado maexplain kung ano ba talaga ang nararamdaman ko but anyway gusto ko lang ishare ang bagay nato na baka sakali may mag palakas at mag payo sakin. Soooo ito na uupdate na akooo. Happy Readinggg!" Careful " sinamaan ako ng tingin ni timothy ng padabog akong umupo sa tabi niya.
Di ko'to pinansin sa halip ay masama nalamang akong tumingin sa TV na nasa harapan ko.
" Pftt. " napatingin ako kay timothy ng makita kong nag pipigil ito ng tawa.
" Ano ba tinatawa-tawa mo diyan ha? " bulyaw ko sakaniya. Pinapainit nito ulo ko e.
Di ko alam kung siya ba talaga pinag lilihian ko. Oo! Yes! Mag kakababy kami uli ni timothy and sa tingin ko nga siya ang pinag lilihian ko.
" Nothing hahaha. Pag uwi natin sa pilipinas ibibili kita ng manggang hilaw sa ngayon mag tiis ka muna dahil wala talaga ako makita dito. " ani nito na lalong nag pasimangot saakin.
Gusto ko ng manggang hilaw yung maliliit pa tapos isasawsaw sa asin na may kunting suka at madaming sili. Naiisip ko palang yun nag lalaway na ako. Gusto ko talaga non pero ginawa na ni timo lahat wala siya nahanap dito na ganon na klaseng mangga.
" Ayoko! Ang tagal-tagal pa non eh. " reklamo ko dito.
" Wife iba nalang muna ang hilingin mo wag muna yon promise pag uwi natin bibilhan kita non madami pa. " Sabi nito.
Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.
" Gusto ko ipag-luto mo ko ng carbonara yung may kamatis at madaming cheese. " Sabi ko dito.
Ngumiti ito sakin at agad na tumayo.
" Alright. " nakangiting sagot saakin ni timo at nag tungo na sa kusina.
After 30Minutes naluto na agad ni timo yung carbonara na hinihiling ko. Masaya akong kumain sa sala katabi siya habang nanonood kami ng TV.
" Happy? " tanong niya saakin.
" Thank you. " sabi ko dito.
" Nabusog ba si baby? " tanong nito nakahawak ang kamay nito sa tyan ko na maliit pa at hinahaplos iyon.
" Tataba nanaman ako " nakasimangot kong sabi. Naalala ko kasi nung pinag bubuntis ko si baby theo tumataba ako dahil nadin siguro dalawa kami noon.
" Pfft. It's okay wife maganda kapadin at ikaw ang pinaka sexy na buntis na nakita ko. " Sabi nito.
" Kahit tumaba ako ng tumaba di mo ko pag papalit? " tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1