" Hija kumain. Kana " ani ni manang fe habang hinahanda ang mga niluto nitong pagkain sa lamesa.
Tumayo naman siya hawak-hawak ang tiyang niyang lumalaki na.
" Malaki laki nadin ang tiyan mo hija ah. "si manang fe.
" Oo nga po manang eh " ani niya dito at hinaplos haplos ang tyan.
" Naku. Sure kung kay ganda o gwapo nang inyong anak ni timothy " nakangiti sabi nito sakanya.
Speaking of Timothy. Hindi niya pa ito nakikita simula kahapon dahil kagabi maaga siya natulog di nya alam ano oras dumating ito.
" Si Timothy po ba asan? " tanong niya.
" Maagang pumasok hija may aasikasuhin daw " napatango nalamang si alasne at nag simula na mag agahan.
" Sir na deliver nadaw po sa japan ang mga laruan pati nadin po sa New Zealand sir " ani ng kaniyang sekretarya na kitang-kita na ang cleavage kulang nalang ay mahubadan nato. Alam niya na nag papa-pansin ang sekretarya niya sakaniya at alam niya din na may gusto ito sakanya pero wala siyang pake dito kahit mag hubad pa ito sa harapan niya para sakanya si Alasne lang ng kaakit-akit sa paningin niya.
" Sir gusto mo ba ng coffee? " maarting tanong nito sakaniya at umupo sa isang upuan.
" No. Thankyou but pauwi nadin ako " ani niya. Tinignan niya ito saglit at binalik din ang tingin sa files na hawak niya.
" But sir 11AM palang sir diba po dati ang oras talaga ng uwi mo ay gabi? "
Napahinga naman siya ng malalim at tinignan ito.
" Look Marga. Maganda ka... " nag blush naman ang kaniyang sekretarya sa kaniyang sinabi at napakagat pato sa kaniyang babang labi.
" But mas maganda ang alasne ko sayo. So, nag apply ka dito bilang secretary ko kaya sana naman gawin mo maigi ang trabaho mo at hindi ang mag papansin sakin. Mag kakaanak na ako marga kaya please lang " ani niya.
" Sir I'm sorry sir. But sir i know naman na hindi mo mahal ang babae na yun at ang bata lang ang habol mo sir. Kaya ko maging ina para-" hindi nito natuloy ang sasabihin ng putulin niya ito sa pamamagitan ng pag salita muli.
" You? A mother for my child? I don't think so na babagay yun sayo kasi ang alam kong babagay lang na magiging ina sa mga anak ko o ina para sa anak ko ay walang iba kundi si alasne. Its.alasne.only " diniinan pa nito ang huling katagang at binagalan para naman madama nito.
Padabog na lumabas ang kaniyang secretary. Siya naman ay napailing nalamang. Tumingin siya sa orasan na nakakabit sa taas ng pintuan ng kaniyang opisina at tumingin sa kaniyang cellphone na si alasne ang wallpaper. Nakuha niya ang larawan na yun sa facebook account ni alasne pero hindi ito alam ni alasne. Mula kahapon hindi pa siya kinakausap nito ni text o tawag ay wala dati naman ay nag ttxt ito sakanya at nag tatanong kung kumain naba siya o kaya ano oras ang uwi niya pero ngayon? Ni isa wala man lang. Galit bato sakaniya? May nagawa ba siyang mali? Yan ang mga tanong sa kaniyang isip. Napailing nalamang siya at napangiti ng may naisip siyang ideya.
BINABASA MO ANG
The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED)
RomanceRouchless Possessive Series #1