31

18.9K 297 1
                                        




A L A S N E




Pinag-masdan ko ang mga batang nag lalaro sa park. Hapon na pero di padin sila umuuwi. Randam ko ang bigat ng mata ko kakaiyak randam na randam ko din ang sakit at ang bigat sa dibdib ko.

Saan ako mag uumpisa? Paano? Saan ko hahanapin ang anak ko. Napatingin ako sa langit at pinag-masdan ang papalubog na araw at ang mga ibon na nag lilipadan.



Pinahid ko ang luhang pumatak sa mata ko at tatayo na sana ng may maramdaman akong presensya. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Timothy na nakatayo sa harapan ko at nakatingin saakin.

" Alasne .. " ika nito. Hindi ako nag salita tumingin lamang ako sa iba at hinayaan siya.

Ramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ko rinig ko'din ang pag hinga nito ng malalim.

" Look. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya sabihin ang mga sinabi ko kanina. Siguro dahil na stress lang ako sa mga nangyari. Nawawala ang anak natin at ayoko pati ikaw mawala saakin alasne. I'm sorry kung naging selfish ako. Ginagawa ko ang lahat para mahanap at mag ka' lead lang sa pag hahanap sa anak natin." sabi nito saakin. Tumingin ako sakaniya nakayuko lamang siya at umiiyak?

Umiiyak si Timo?


Inangat nito ang tingin niya saakin at hinawakan ang kamay ko.

" I'm sorry patawadin muna ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Hindi ko na uulitin ang mga salitang sinabi ko kanina isang katangahan ko yon. I'm sorry. Sorry. I'm really really sorry " Sabi nito.

Huminga ako ng malalim at niyakap siya.


" Oo na okay na sige na. Sorry din. Alam ko naman ginagawa mo best mo para makita ang anak natin e pero naging matigas ang ulo ko. I'm sorry " Sabi ko at humiwalay ng yakap sakaniya.

Hinawaka niya ang mag kabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.


" So? Hmm' Mag papakasal paba tayo? " tanong nito halata sa mukha nito ang kaba.

Nilahad ko sakanya ang kamay ko hudyat para muli niyang isuot ang singsing sa daliri ko. Ngumiti siya at sinuot ang singsing saakin.

" Uwi na tayo at Mag pahinga maaga pa tayo mag hahanap kay Baby Theo bukas " Sabi nito at hinila na ako pasakay sa sasakyan niya. Lord please. Kung asan man si Baby theo sana ligtas siya at pabalikin niyo na samin.





Kinabukasan naging kami ng tumunog ang cellphone ni Timothy. Pinag-masdan ko si Timothy na patingin tingin saakin habang may kausap sa cellphone niya.


Binaba nito ang cellphone at lumapit saakin.

" Sino yon? " tanong ko.

" Lola ni Zia and alam niya kung nasaan si Theo at gusto niya makipag kita saatin ngayon " Sabi nito habang hawak ang kamay Ko.





















Kinakabahan si Alasne di siya mapalagay sa inuupuan niya sa loob ng restaurant habang inaantay ang lola ni Zia.

" Timo? Darating ba yon? " kinakabahang tanong niya.

Hinawakan ni Timothy ang kaniyang kamay upang ma-relax ito at di nakabahan.

" Darating yon " tipid na sagot nito sakaniya.

Samantala nakasakay sakaniyang sasakyan ang matanda ang lola ni Zia. Patingin-tingin ito sa orasan na nakalagay sa kaniyang pulsuan. Hindi rin matatago ang kaba nito kaya patingin tingin ito sa suot suot na relos at sa labas ng sasakyan.


FLASHBACK....

" Apo Zia. Ano bang ginagawa mo at sino ang batang iyan? " tanong nito kay zia.

" Anak ni Timothy " malamig na sagot nito.

Umiiyak ang bata habang nakahiga ito sa isang crib.

" SHUT UP! SHUT UP! SHUT UP! NARIRINDI NA AKO SAYONG BATA KA " Sigaw ng dalaga sa bata. Nagulat naman ang sanggol kaya mas lalo patong umiyak dahilan para mas mairita pa ito.

" Oh! Apo! Kung ano man yang balak mo wag muna ituloy at ibalik ang sanggol nayan kila Timothy " Sabi ng matanda sakaniyang apo ngunit umiling lamang ang dalaga sakaniya.

" Hindi pwede masisira ang plano ko. Alam nila nasa ibang bansa na ako. Balak kong itago ang bata nayan ng matagal at gawing paen para bumalik si Timothy saakin lola " sabi nito. Umiling ang kaniyang lola.

Di niya akalain na mababaliw ito sa binata at umabot sa puntong ito. Hinayaan niya nalamang ang kaniyang apo at nag tungo paalis ng bahay para tawagan ang ina at ama ng bata. Alam niya na labag ito sakaniyang damdamin pero ito ang tama. Kawawa ang sanggol wala pa itong alam kaya dapat hindi ito madamay.

END OF FLASHBACK...


Nakahinga ng maluwag si Alasne ng dumating na ang sinasabi ni Timothy na lola ni Zia. Madaming tanong sa isip niya ano ang alam nito? May kinalaman ba ang apo niya dito?

" Sasaglit lang ako dito kaya sasabihin ko na ' Hawak ng apo ko ang anak niyo. Pinilit ko na siyang ibalik ang bata sainyo ngunit ayaw niya hindi ko alam kung ano pa ang mga balak niya pero ang sabi niya ipapain niya ang bata makuha kalang timo " Sabj nito. Randam ni Alasne ang galit sa loob niya ganon nadin si Timothy.

" Pero ang sabi niya saakin ay aalis na siya at tutungo sa ibang bansa " Sabi ni Alasne habang titig na titig sa matanda.

" Aamin na ako hija ah! Bata palang si Zia may sakit na talaga siya pag di niya nakukuha ang gusto niya ay nanakit siya ng kalaro niya pinaka malala nagawa niya nung bata siya ay yung tinusok niya ng stick ang kalaro niya sa mata " Sabi ng matanda dito.

" So paano namin makukuha ang anak namin? Asan si Zia ngayon!? Baka saktan niya si Theo " Ani ni alasne. Hinawakan naman ni Timothy ang kamay niya at ngumiti ito sakaniya.

" Sa Baguio may bahay kami doon ibibigay ko sainyo ang address " Sabi nito sakanila.




Hindi mapakali si Alasne habang patungo sila Sa baguio kasama ang iilang pulis at ang mga kaibigan nito.

" Kinakabahan ako timo " Sabi nito. Tinignan naman siya saglit ni timo at binalik din agad nito ang tingin sa kalsada.

" Don't worry magiging ayos din ang lahat " Ngumiti ito sakaniya para gumaan ang loob niya. Lumingon siya sa likod at nakita ang mga kaibigan nila na nakasakay sakaniyang-kaniyang kotse mga ito.

The Possessive - Timothy Rouchless (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon