Chapter 22✔

48 8 2
                                    

Hi readers! I just wanted to say na be safe sa bahay nyo, don't go anywhere and stay at your houses. Always wash your hands, para iwas Corona Virus

Enjoy reading! Expect typos and wrong grammars.



Isabelle Is BACK?!

Kyla's P.O.V

Lesha Santos
5 mutual friends
Active 36 minutes ago

Kyla: Hoy! Lesha! Kamusta na? Tuloy mo na bakit bawal?

Kyla: Hoy!

Kyla: Hays! Sige mamaya na nga lang.

***

Ayaw pa rin n'ya ako sagutin, nakakainis naman. Nag-mukha na akong tanga't  lahat-lahat, tapos wala man lang akong malalaman kung bakit.

Aalamin ko talaga kung bakit, nakakainis na e. Ayaw talaga akong sagutin, buwisit!

"Hoy Kyla, kayo na yung mag p-present. Ando'n na sa harap si Mark oh" sabi ni Hender kaklasi naming bakla.

Tumungo ako sa harapan, nagkadapa-dapa pa'ko para makapunta do'n. Ngumiti naman ako ng matamis sa mga taong nanonood sa amin sa harapan.

"So what are you going to present for us today?" Tanong ng brutal naming teacher.

"We're going to present a dramatic role playing, thank you" sabi ni Mark.

"Let's start now" sabi n'ya at tumango naman kaming group 3.

***

"Tigilan mo nako Mark! Hindi na kita kailangan dito sa buhay ko" sabi ko at kunwari ay iiyak.

"Pero Sarah mahal kita—"

"AyiEeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeHhhhhhhhhhhhhhhh"

"Kunwari role playing pero totoo! Ayiehhhh"

"Pero Sarah mahal kita, hindi kita kayang iwan. Mamahalin kita hanggat walang nakakasabi kung sino ang pumatay sa mga namatay"

Corni...

"HAHAHAHA!!"

"Pwede ba Mark tigilan mo na ako" sabi ko at kunwari ay pupunta sa pintuan ng kaharian at mag e-emote.

Pwersadong hinarap n'ya ako sa mga mukha n'ya. Wala sa script ang iilag ako ng kaunti, pero 'di naman halata.

"Bat ka umilag?" tanong pabulong ni Mark sa'kin.

Itatapat n'ya ang mga labi n'ya sa aking mga labi. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, ano ba 'to?

Isinara gamit ang kurtina ang scene na 'yon. Dali dali namang nag palakpakan ang mga audience.

Hindi ko s'ya kayang harapin.

Alam kong lalapit s'ya sa lugar ko kaya't todo iwas ako. Ngayon ko lang na experience ang ganong scene. Grabe, nakakakaba 'yon ah.

Feeling ko kasi baka masaktan lang ako sa huli. Feeling ko ayaw talaga sakin ng tadhana kung nagkataon na mas gustuhin kong mahal ko s'ya.

Kung literal na mayroong pambura ng feelings, siguro naubos na sa'kin yo'n. Dumiretso ako sa rooftop ng school. Wala akong magawa sa classroom namin, wala naman kasing teachers.

I need a fresh air baby! Chariinggg! 

Nakakatamad kasi eh, wala kang mapag usapan sa mga problema mo. Alam n'yo ba anong problema ko ngayon? Ano pa ba? Edi yung feelings na sinabi Mama.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon