Chapter 32✔

45 6 15
                                    

Expect grammatical errors and a lot of typos, I don't do backreading. Thank you!

Day Three of the Exam

Kyla's P.O.V

"Napano ba 'yan at basang-basa ka?"

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon ni Clarence, hindi ko pa din sinasabi sakanya ang nangyari kung bakit basang-basa ako.

"Hoy,"

"Eh kasi, tinisod ako" sabi ko at ngumuso.

"Ano ba kasing ginagawa mo do'n, sobrang lakas ng ulan e," naiirita na s'ya.

"'Bat mo ba ako pinapagalitan, Kuya ba kita? Ha? Ha? Hatdog!" Sabi ko at inirapan s'ya.

"'Di kaya naiirita yung Kuya mo sa'yo, ang ingay mo pa rin pala pag tinutulungan ka." Sabi nya at binigay ang jacket nya saakin.

"Anong gagawin ko dito?" Alam ko naman talaga yung gagawin, nagpapakipot lang ako.

Hehehehehe...

"Wear it, it's cold inside the car also outside. Baka magkasakit ka" sinuot ko nalang 'yon at sinara gamit ang zipper.

"Ikaw 'di kaba linalamig?" Tanong ko, naulanan din kasi s'ya kanina.

"I'm fine," sabi nya at pinaadar na ang sasakyan.

"Okay."

***
"Hello anak! I miss you," salubong ni Mommy saakin at yayakapin na sana ako, pero kumunot ang noo nya.

"'Bat basang-basa ka?" Napakamot nalang ako ng ulo ko.

"K-kasi po, nadapa ako?"

Galing mo naman mag dahilan Kyla.

"'Bat patanong?"

"Hayaan mo na muna s'ya, Hon. Kyla, maligo ka at magpalit ng damit sobrang basa mo," sabi ni Dad.

"Aba, napakabasa naman ng bata na'to oo. Dali dali, magpalit ka na do'n" tila tinutulak-tulak pa ako ni Manang papuntang banyo sa baba.

Hindi naman na ako nagpumilit na umakyat sa kwarto ko at doon maligo, sinimula ko nang tanggalin ang damit ko at nagsimulang maligo.

Nagsabon at naghilod ako ng katawan, sinusigurado ko na walang matitirang dumi sa katawan ko dahil delikado at sobrang basa ko kanina.

Hindi naman talaga dapat ako mababasa ng sobra e, tinisod pa kasi ako ni Blair.

Pagkatapos ko ay binuksan ko ang sliding door at pumunta sa may sink para kunin ang t'walya ko. Nagtaka ako dahil wala do'n ang t'walya na ginagamit ko.

*Knock**Knock*

"Sino 'yan?" Nagtatakang tanong ko dahil may kumakatok.

Pinuntahan ko iyon at binuksan nang dahan-dahan ang pintuan. Nakita ko na 'di bukas ang ilaw sa sala at ang ilaw lang mula sa aircon ang nagsisilbing liwanag sa sala.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon