Chapter 34✔

34 7 33
                                    

Expext grammatical errors and a lot of typos, I don't do backreading. Thanks

***
A/N: Hehe, utal na utal ba sila last chap? Gusto ko ganon e, 'bat ba? HAHAHA joke, wala lang. Nagfe-feeling kinder sila HAHAHAHA, anyways~

Cards-out

Kyla's P.O.V

"Okay kana ba?"

Asa kwarto ako ni Clarence ngayon, medyo bumaba na din ang lagnat nya. Hindi na s'ya gaano kainit 'di katulad kahapon.

"Okay na ako, nahihilo nalang." Malamig na ani nya.

Kahit kailan talaga hindi mo makikitaan ng emosyon kung magbigkas ang isang 'to, ewan ko ba kung anong paraan nila binago ang isang 'to e.

"Sige, maliligo lang ako ha. Cards-out kasi namin ngayon," pagpapaalam ko.

"Sige lang." Pagsang-ayon nya.

Binaba ko naman ang ginamit kong thermometer sa desk nya at nagtungo sa kwarto ko at nagsimulang maligo sa banyo.

Pagkatapos no'n ay nagpatuyo na din ako ng buhok at nagbihis, nakablouse lang ako na kulay blue at nagjeans. Nag sandals lang din ako.

*Knock**Knock*

May kumatok kaya't binuksan ko iyon, nakita ko si Kuya na naka polo at pantalon rin. Hindi naman masyadong OA yung suot namin pero ang pormal nya paring tignan.

"Hahakot kaba ng chicks?" Natatawang biro ko sakanya. Nakunot naman ang noo nya.

"Bakit pangit ba, magpapalit nalang—"

"Hindi, biro lang naman. Ayos na 'yan, baka malate pa ang gwapo kong Kuya sa School," napangiti s'ya at ginulo ang buhok ko.

Hinampas ko naman s'ya sa dibdib at sinamaan ng tingin.

"Ang hirap mag suklay alam mo ba 'yon?!" Sabi ko at sinimulang suklayan uli ang buhok ko.

"Ang arte mo, bakit may gusto kana ba sa School ninyo?" Napatigil ako sa pagsusuklay at napatingin sakanya.

Pulang-pula na siguro ang mukha ko nito, may gusto ba ako? Wala naman ah!

Nagmumukha akong defensive sa ginagawa ko, ano ba 'yan.

"Defensive ka masyado, sinasabi ng mukha mo.." Pambibiro nya, mas lumiit ang mga mata ko.

"Tara na nga!" Aya ko sakanya, natatawa pa rin s'ya habang pinagbubuksan ako ng pintuan.

Pagkasakay ko do'n agad kong kinuha sinuot ang seatbelt ko, padabog na sinara ko ang pintuan. Nakatikim naman ako ng batok sakanya.

"Mahal ang bili ko dyan!" Sabi nya habang masama ang tingin saakin.

"Tinatawanan mo parin kasi ako," nakangusong ani ko sakanya.

"Pero h'wag mong idamay ang kotse ko!" Pasigaw pa ring ani nya.

Binatukan ko naman s'ya napahilot naman s'ya sa batok nya. Lalong sumama ang tingin nya saakin.

"Alam mo, mala-late tayo sa bangayan natin, tyaka si Dad kaya gumagastos sa maintenance mo," pagtapos ko ng bangayan namin.

"Kahit na, alam mo bang ilang pingot din ang naabot ko kay Mom pag nagagastos pera ni Dad?" Inisnoban ko lang s'ya.

Para s'yang babae kung makadakdak, dinaig nya pa ako eh.

Wala din naman s'yang nagawa at pinaadar na ang sasakyan, habang nagd-drive s'ya ay kumanta lang ako.

Katulad ng lagi nyang ginagawa tumitingin lang saakin tas matatawa. Ewan ko ba sa sarili ko pag si Kuya lang kasama ko kumakanta ako pero kasi nakakahiya pag iba kasama ko eh.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon