Chapter 45✔

22 7 32
                                    

CCTV

Kyla's P.O.V

"May ginawa tayo 'di ba?" Bulong ko, alam kong hindi nya iyon maririnig.

Napaiwas ako nang tingin nang tumulo ang nagbabadyang luha sa mata ko, doon ako nagsimulang kumaripas nang takbo papunta sa cubicle na malapit sa building namin.

Pagkarating ko doon ay linock ko ang sarili ko sa isang banyo at nagsimulang umiyak. Nakalimutan nya lang ng ganon ganon lang? Napatigil ako sa pagiyak nang marinig ko ang mga estudyanteng nagbubulungan.

"Tahan na," rinig kong sabi ng isang babae, halatang mayroon s'yang pinapatigil na kung sino at alam kong umiiyak ang isang 'yon.

"Paano ako tatahan, nakita ko sa mismong mata ko! Na n-naghahalikan sila!" Sigaw ng babae kaya napatayo ako at inunlock ang pintuan.

Lumabas ako at dumiretso sa isang lababo at hinugasan ko ang mukha ko, pati na din ang kamay ko.

"Ayos ka lang?" Sabat ko sa dalawa, nakita kong napalingon sila sa'kin mula sa salamin.

"Eto kasi Ate nag-eemote," sambit ng babaeng mahaba ang buhok.

"Bwusit ka! Ikaw kaya makita mo silang magkahalikan, hindi ka maiinis?!" Sabi nya at nagwalkout.

"S-Sorry po ate, mauna na po ako—Joyce!" Sabi nya at tinawag pa ang kaibigan nyang nag-walkout.

Lumabas ako ng cubicle, naabutan ko si Mark na nakaholding hands kasama si Isabelle sa garden ng school. Nag-init uli ang sulok ng mata ko kaya't agad akong nag-iwas nang tingin.

Alam mo 'bang gulong-gulo na ang utak ko? Kasi ikaw mismo gumagawa nang paraan para hindi kita iwasan, ikaw din ang gumagawa ng dahilan para iwasan kita. Hindi ko na alam kung anong susundan ko kasi ang sakit sakit na.

Gusto kong isigaw sakanya 'yan kaso ako nga lang ang nagkakagusto diba? Magmumukha lang akong tanga kung nagkataon. Ayokong mangyari iyon.

Nakarating ako sa room tahimik lang ang mga kaklase ko, dahilan para magtaka ako. Napano ang mga 'to? Bakit ang tatahimik nila? Umupo ako sa tabi ni Lesha at kinalbit s'ya, tumingin naman s'ya saakin.

"Napano?" Tanong ko.

"May nangyari kanina, sumabog daw ang CCTV sa kabilang building kaya pinatahimik kami, baka daw kasi mangyari din iyon," paliwanag nya kaya napatango nalang din ako.

Napatungo nalang ako nang tumama ang mata namin ni Mark sa isa't-isa. Ayoko muna s'yang pansinin, napaka walang hiya nya. Tinignan ko nalang ang mga daliri ko at linaro iyon.

"Class, dahil dalawa nalang ang remaining subjects ninyo, hintayin nyo nalang ang mga advisories ninyo,"

Napatunghay ako nang marinig ang boses ni Miss David, naka salamin s'ya at may hawak na folder. Sa karkula ko hindi sakanya iyon, nakita ko ang pangalan—kay Sir Mercado iyon ah.

Bigla kaming napasinghap nang magring ang cellphone ni Miss, tinignan nya iyon, hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng pisngi nya.

Alam ko na kung sino 'yon...

"C-Class, gotta go." Pamamaalam ni Miss David at lumabas na ng room.

"It's so hot!" Sigaw ni Isabelle kaya't napalingon halos sakanya ang karamihan.

"Did I tell you to look at me?!" Pasigaw na tanong nya dahilan para mapaiwas uli sila nang tingin.

"Babe, calm down."

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon