Chapter 8✔

55 11 1
                                    

Skype

Kyla's P.O.V

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock, nag taka nga ako at hindi ako nagising dahil sa araw. Tumingin naman ako sa bintana nag snow pala.

'Di naman ako masaya, kase pag nagpapadala ng cargo si papa, may dala-dala syang Isang box ng Snow. Charinng Haha.

Para kasing sobrang lamig sa labas kaya 'di ako na sisiyahan. Tama na nga maghilamos na tayo dahil may pasok na naman ako.

Pumunta naman ako sa banyo at ginawa ang daily routine ko. Ayaw kong magmukang basahan sa school. Susyalin pa naman mga kaklase ko 'don.

Nag suot lang ako ng tshirt na maluwang abot tuhod ko ata 'yon dahil sa haba. Naka legings din ako tyaka naka peach shoes. Naka ponytail lang ako.

Bago ako pumunta sa baba, kimuha ko ang jacket ko at sinuot 'yon. Dahil nag s-snow sa labas, kinuha ko na din ang bag ko para 'di na'ko pabalik-balik sa taas. Napalunok ako ng makita 'ko yung pinag iinglish ko kahapon. Shocks 'bat andito ang mokong na'to.

Tuloy-tuloy lang ako sa baba at kumuha ng saging, langya katabi nya pa 'yon. Aalis na sana ako pero natisod ako kaya napa kandong ako kay mokong. Halata ang ngisi sa labi nya, agad naman akong tumayo at kinuha ko 'uli ang bag kong nahulog sa sahig.

Dali-dali naman ang pag alis ko 'don kaso huli nanaman. Natanggal yung sintas ng sapatos ko. Foc!

"Ang cute mo pala, lalo na pag natataranta." Nag tagalog ba sya?

"Mom! Alis na'ko!" Sigaw ko at lumabas ng bahay. Sasakay na sana ako ng taxi ng makita ko ang mga kabarkada nung lalaking yun.

Hinarangan naman nila yung gate, problema ng mga 'to?

"Ayoko mabwusit ng maaga okay!" Wala akong pakealam kung 'di sila nakakaintindi ng tagalog.

"Harang ka kase! Aalis na kami, andyan na si boss" sabi nung matangkad sakanila. Pwe! Kala ko 'di nila maiintindihan.

"Weg mow kameng touch~" sabi nung isa halatang 'di sya marunong.

'Di ko na sila pinansin at dire-diretsong lumabas.

"Sabay kana lang sakin, pupunta rin akong school" sabi ni kuya walang segundo na pumasok ako 'ron. "Inaano ka ng mga 'yon?" Sabi ni kuya habang nag d-drive.

"Yon?" Napatawa nalang akong pilit "..yun lang naman ang mga ininglish ko kahapon" pagpapatuloy 'ko, napatawa nalang sya

"Very well said, wala kapa talagang alam sa pamilya nila noh?" Tanong nya. Medyo malalayo ang school namin kaya nagawa pa naming mag kwentuhan.

"Wala, ano bang pakialam ko 'don." Okay lang sana kung si Mr. I.D may paki pa sana ako. Kaso yun? Manigas!

"Sila ang may ari ng Gang sa Canada dati. Napalitan nalang dahil natalo ng Asia"

Nagulat nalang ako sa sinabi nya. Parang mali pa ata yung nasabi ko. May paki na pala ako, baka may balak sumugod yun pag nagkataon.

May gang kasi kami dati, well ako kasi ang leader nila 'don. Ang problema ko kasi, masyado pa 'kong bata sa mga laban na ganon. Kaya itinigil ko, Grade 5 kasi ako nag simula 'non. Feeling ko may balak akong simulan, yun ang Gang. Medyo kabado ako at maya-maya malalaman 'ko nalang kalaban pala ang mokong na 'yon.

"Sila ang kakalaban sa inyo nyan, sila ang Double Side War" tangono ano yun tape? Double Sided! Magpapangalan nalang 'yon pa yung naiisip. Muntanga.

Andito na kami sa parking lot ng school, bumaba na'ko at dirediretsyo sa room. Naka salubong ko ulit yung mga tape pero 'di ko sila pinansin. Nakakainis pag mumukha nila.

Nag start na ang klase, ang unang subject ay chemistry. Like ayoko neto! Kainis! Nakakawalang gana.

***

Lunch na bale matagal tagal ang oras sa lunch, wala din naman kasi akong balak pumunta sa caffeteria, para bumili. Tinatamad lola nyo.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko, at nakinig ng music.

Playing: Bubbly

Nakakatamad parin, ang lamig kasi. Pinindot ko naman ang app na 'Skype' kuno.

Pinindot ko ang profile ni Jaymee, para naman chika chika kami pag may time. Nakamatamad eh, boom! Online si Abno.

Nag ring naman sya at agad nyang sinagot. Abot tenga ang ngiti ng loko.

"Napatawag ka?" Sabi sa kabilang linya

"Wala. Na ngangamusta lang" sabi ko naman.

Umaga kasi 'don dito tanghali na. Wala pa bang teacher 'don?

"Wala pa bang Teacher dyan?" Tanong ko

"Wala may meeting yung dalawang teacher, kaya nag gagadget kami" ah kaya pala,

"Dito lunch na" la lang share ko lang.

"Nabigay ko na yung ch--"

"..."

"Tsk! Ang ingay mo! Katabi mo pa naman ata yan!" Sabi ko nakita ko kasi na may parang katabi syang lalake.

"Iba yan! Si Gilbert yan" sabi naman nya, dahilan para lumuwang ang paghinga ko.

"Sino yan?" Tanong ng isang paliyar na boses

"... si Kyla" sabi ni Jaymee dahil sa pagkabila. Ginulat ba naman ng lolo nyo. Aish ano bang sinasabi ko?

"Anong sabi?" Tanong nya.

"Wala, sinasabi ko yung binigay nyang chocol---" pinatay ko agad feeling ko pulang pula na yung mukha ko sa mga sinasabi ni Jaymee.

Third Person P.O.V

Nagtaka bigla ang dalawa kung bakit pinatay ni Kyla ang tawag. Bigla nala mang nawala ang ngiti sa labi ni Mark. Gusto sana nyang makausap, ngunit pinatay na ni Kyla.

He want to ask alot of questions like, How was your life? Why did you gave me that chocolate? Etc.

"Tawagan ko nalang" sabi ni Jaymee

"Hindi na, baka may klase" pag tanggi ni Mark.

Dahil makulit si Jaymee tinawagan nya ito, ang tagal bago mag ring. Ilang sigundo lang ang lumipas ng madismaya si Jaymee.

This person is not available at this moment.

"Sorry" ani ni Jaymee

"Hindi okay lang." Ngiting napipilitan ni Mark.

Ilinagay na ni Jaymee ang cellphone sa bag, sakto namang pa dating na ang Teacher.

"Okay class, let's start" sabi ng Teacher sabay kuha ng libro sa kanyang lamesa. 'Di nalang kumibo ang dalawa at nakinig nalang sa sinasabi ng kanilang Teacher.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon