Chapter 30✔

42 9 2
                                    

Expect some grammatical errors and a lot of typos , I don't do backreading. Thank you💜...

Muffins

Kyla's P.O.V

"Pass your paper's forward, " utos ni Ms. Muños, pagkatapos ng history exam namin.

Pinasa ng mga nasa likuran papuntang harapan ang mga papel nila, sumulyap ako sa likuran ko at andoon si Zenif.

"Wag kang sasama mag lunch kay Zenif, akong papatay 'don"

Pigil tawang kinuha ko ang papel sakan'ya, natatawa ako dahil naalala ko nanaman ang pauusap ni Kyle at Jem no'n. Ngunot-noong pinasa nya naman 'yon, napasulyap pa'ko kay Kyle na nagpapasa din ng test paper sa harapan.

Pagkatapos kong kolektahin ang mga papel mula sa likod ay pinasa ko na din ito sa harapan, asa harap ko naman si Hender. Ang dakilang mapangopya sa'ming magka-kaklase, kaya sa harapan s'ya pinuwesto.

"Pass them sidewards," utos ni Miss, pinanuod kong gawin 'yon ng mga nasa harapan at pinasa na kay Ms. Muños.

"You can now leave the classroom, Freen h'wag mong kalimutan ang mga ilaw, paki-patay ang mga 'yon" utos nya, tumango naman si Daryl. President ng classroom.

Lumabas na kami ng classroom, habang naglalakad pababa ng hagdan at papuntang elevator, biglang nag-off lahat ng elevators.

"Students, especially students from upstairs. Kindly use the stairs, all elevators are shutdown for temporarily mending, thank you" rinig naming sabi sa speaker, mula sa boses si Ma'am Rivero 'yon.

"Bakit naman kaya ginagawa, maayos pa naman ang mga 'to kanina ah?" Tanong ni Jaymee sa likuran ko.

"Ewan ko nga din e, ang ayos pa nito kanina," sagot ko naman sa tanong nya.

"Ganyan talaga pag may elevator na sa A.U, pinapatay at pinapagawa para sa susunod na pasukan," sabat ni Kyle, "Bakit 'di kaba gumagamit ng elevator last year?" Takang tanong nya pa.

"Hindi," sabi ko.

"Kaya naman pala e," kumibisidong ani nya "E bakit naman kasi 'di ka gumagamit ng elevator, nagpapakahirap kapa sa mga hagdan?" sabi naman nya.

"Iba kasi ang sched ko no'n, okay? Laging puno ang laman ng mga elevator," sabi ko, napataas naman ang dalawa kilay nya.

"Tatlo-tatlo na nga yung elevator nagfu-full pa," tila sarkistong sabat ni Jem.

"Minamaliit mo ba ang elevator ng Tita ko, Ms. Alonzo?" Tanong nya pa.

Inirapan naman agad ni Jem si Kyle, "'Bat may sinabi ba ako? Ha? May sinabi ako?" Nangaasar na sabi nya.

"Mag-lunch kayo sa School?" Pagiibang tanong ni Lesha.

"Oo, ikaw?" Tanong ni Noel, "If you don't mind, sabay na tayo?" Aya nya pa.

♫♪ "Muling ibalik ang tamis ng pagibig~~"♪♫nangaasar na kanta ni Jem sakanila.

"Siraulo 'to," sabi pa nya at kinutusan si Jem.

"Aray! Napakabrutal!" Sigaw nya habang nakabusangot.

"E kayo, kanino kayo sasabay?" Nakangising tanong nya tila ba nangaasar.

"Jaymee, sabay kana saakin. Please?" Nagpapacute na tanong nya kay Jaymee. Nginitian naman ni Jaymee si Xander at hinawakan sya sa braso at hinila palayo.

"Una na'ko guys, libre 'to" sabi nya pa at tumakbo sa may canteen "BYE!~" sigaw nya pa.

Hanep— kaya pala sumama. Kasi libre..

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon