Chapter 18✔

45 8 2
                                    

Jealous

Kyla's P.O.V

Papunta akong school ngayon, nakakatamad nga pumasok feeling ko may mangyayaring 'di maganda. Natanaw ko na ang gate ng school. Sinabi ko naman 'yon kay Kuya Louise, kaya bumaba na'ko.

From Unknown Number,

Kunin mo yung survey sakanya, tulungan kitang idagdag si Lesha sa grupo nyo para maging official ang new member :)

- Xander.

Basta si Lesha ang usapan game na game 'to. Akala ko ba sasakyan lang may pakialam 'to.

Dumiretso ako sa BTWquarters, 'di nyo alam kung ano yan no? 'Yan ang bagong pangalan ng grupo nila Mark. 'Di ako makapasok. 'Pano ba naman? May bantay pala pag wala sila.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng bag ko. Agad kong tinext si Xander, sya kasi ang nagsabi na pumunta ako dito.

To Unknown Number,

Hoy! Walang tao, ayaw ako papasukin nung guard! Tulungan mo 'ko rito dali!

Walang isang minuto ng meron akong nakita na lalaki, matangkad. Si Xander pala 'yon.

"Ikaw lang ang tutulong sakin?" Tumango naman sya. Diretso kami sa kwarto nya, lahat ng kwarto nila malalaki. Isa lang masasabi ko, halatang anak mayaman talaga sila.

Umupo kami sa kama nya at kinuha ang laptop nya, nagtaka ako. Bakit ba aasikasuhin na namin yung survey? Wala pa naman ata si Lesha?

"Asaakin na yung survey binigay na ni pambara girl" humagikgik naman sya.

"Kay Jaymee talaga ah" sabi ko.

Tinaas baba naman nya yung kilay nya. Aba type nya ata si pambara ah.

"Type ata ah" bulong ko.

"Ano 'yon?" Tanong nya sakin.

"Wala sabi ko ampanget mo" sabi ko. Ang sama naman ng tingin nya sakin.

"Ano ba ibig sabihin ng BTWquarters?" Tanong ko tinitigan naman nya ko.

"Ang BTW ay Blood Thicker Water" corni ah

"Kaya may quarters, tawag yon sa lugar kung 'san pweding mag patayan" sabi nya kinilabutan ako 'don ah.

"Anong ibig sab—" pinutulan nya ko.

"Si Mark may alam lahat nyan, sya tanungin mo" sungit ah. Inirapan ko naman sya.

***

Ilinagay na namin na official member si Lesha, si Xander na kumalikot lahat ng chenalin sa laptop nya.

Papunta akong forth subject ko, bali kasabay ko si Jemzie. Halatang stress ang pagmumuka nya ngayon. Napano nanaman kaya 'to?

"Hoy Babaita!" Natauhan naman ang bruha.

"Wala! Mamatay na yang maliit na 'yon!" Wala daw pero may gusyong mamatay.

"Hulaan ko.." sabi ko at unang pumasok sa utak ko si Kyle

"..si Kyle no?" Sabi ko.

"Mamatay na 'yon ah" sabi nya

"Napano nga kasi?! Kanina pako dito e?!" Sigaw ko.

"Tsk! Tinapunan ako ng lunch kanina" tinapunan? Napano kaya 'yon.

"Kase kanina..." simula nya.

Jemzie's P.O.V

*Flashback..*

"Uhm? Zenif? Ayain sana kitang mag lunch? Sabay naman kaming pumunta sa canteen

Hindi siksikan sa Canteen ngayon, may epal lang talaga na lumapit at natapon ang lunch sakin.

"What the heck? Jem, Okay ka lang?" Tanong sakin ni Zenif.

"Okay lang ako, hintayin mo 'ko dito magpapalit ako ng uniform" sabi ko at nginitaan ko sya.

Tumungo ako papunta sa comfort room ng school, buti may extra school uniform ako. May humablot ng braso ko katapos kong mag bihis.

Idiniin nya ang kamay ko sa isa sa mga pintuan ng comfort room. Naningkit mga mata ko ng makita ko si Kyle.

Kumalas ako sa pagkadiin nya sakin pero nahawakan nya parin ang isa kong braso. Naiinis na 'ko, naiinis na talaga ako!

"Ano bang problema mo?! Ikaw na nga nagtapon sakin, ikaw pa may lakas ng loob puntahan ako" inirapan ko naman sya.

"Wag kang sasama mag lunch kay Zenif, akong papatay 'don" sabi nya at umalis. Naiiwan akong nakatunganga sa loob ng banyo.

*End of the Flashback..*

Kyla's P.O.V

"Gaga! Protective lang 'yon sayo" biro ko sakanya.

"Punta na'ko sa klase ko, iniinis mo lang ako e" sabi nya tinawanan ko lang sya.

***

Nasa klase kami ngayon, katabi ko si Mark pero wala kaming imikan. Teror kasi teacher namin dito.

*Ringggg*

"Kanino phone 'yon?!" Sigaw ng Teror  na teacher namin.

"Mine. Why? Any problem with my phone?" Kalmadong tanong ni Mark.

"N-nothing, okay let's continue" halatang natatakot ang mga teachers sakanila. Kaibigan ba naman ni Mark ang may ari ng school.

"Shut the fvck up Isabelle!"

Sigaw ni Mark at binaba ang tawag. 'Bat ganon? 'Bat kumikirot na ewan yung dibdib ko? Nasobrahan ba ko sa Juice kanina?

Sino si Isabelle?

========================/=
Vote, Comment and Share🖤🥰
========================/=
Godbless Readers❣

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon