Chapter 52✔

32 8 9
                                    

Sick

Kyla's P.O.V

Agad kong naimulat ang mata ko ng ipalupot nya ang jacket nya sa katawan ko, agad akong nahiya ng mapagtanto na nakabra lang ako. Pinunit nga pala ang blouse ko, pero parang wala lang sakanya iyon ng isakay nya ako sa sasakyan.

Naramdaman ko nalang ang upuan ng sasakyan sa likod, naramdaman kong gumalaw na ang sasakyan, parang lumilindol dahilan ng pagkahilo ko kaya inantok na naman ako.

Pilit kong minumulat ang mata ko, hindi ko kakayanin kung mahimatay ako sa sasakyan nya, baka magalala pa s'ya sa akin. Nawala ang antok ko ng tumigil ang sasakyan.

Lumabas si Mark sa sasakyan at binuksan ang pintuan ko, napatitig ako sakanya, sobrang pagkaalala ang nakapinta sa mga mata nya ngayon. Binuhat nya ako at diniretso sa unit nya.

"B-Bakit tayo andito sa u-unit mo?" Utal utal na tanong ko, hindi nya ako sinagot at binuksan ang pintuan.

Naramdaman ko ang malambot na bagay ng ihiga nya ako, napagtantuan ko nalang na nasa kama na nya ako. Binalingan nya ako nang tingin bago s'ya lumabas.

"Wait me here, I'll just get something, okay?" Tanong nya, binigyan ko s'ya ng tipid na ngiti at tinanguan.

Lumabas naman s'ya ng kwarto nya, nanghihinang napakapit ako sa sarili kong mga binti. Bakit sa akin pa nangyari 'yon? Nandidiri na ako sa sarili ko.

Napahagugol ako ng makita ang sarili ko sa isang malaking salamin na andito sa harapan ko, para akong tanga na hindi maipagtanggol ang sarili ko. Partida main ako ng gang, pero hindi ko nagawang saktan yung nang rape sa akin.

Napahinto ako sa pagiyak ng pumasok si Mark, may dala itong palanggana at towel. Anong gagawin nya doon? Napalingon s'ya sa akin, napakunot ang noo nya ng makita akong umiiyak.

"Hey, stop crying, you're okay now." Pagtahan nya sa akin, yinakap nya ako at dinampian ng halik ang noo ko.

"N-Nandidiri ako, diring d-diri ako sa sarili ko," ani ko, lalo lang akong napahagulgol ng hinimas nya ang likod ko.

"Bakit kasi hindi mo ako hinintay?" Tanong nya, napatungo ako.

"Magrereview kasi dapat ako, hindi ko naman alam na m-magaganon ako eh." Sagot ko, napabuntong hininga s'ya.

Napasinghap ako ng ibaba nya ang pagka zipper ng jacket nya, agad ko s'yang pinigilan. Naka bra lang ako, nakakahiya pa din na makita nya iyon kahit nakita na nya kanina.

"N-Naka bra lang ako..." sabi ko at tinitigan s'ya sa mata.

"It's okay, bestfriend." Nakangiting sabi nya, napasinghap ako ng walang babala na tinanggal nya ang jacket.

Naginit ang magkabilang pisngi ko dahil doon, nakita ko ang bahagya nyang paglunok dahilan para mapahiya ako. Alam ko na hindi malaki ang dibdib ko, nakakahiya 'yon.

"Alam ko, h-hindi malaki 'yan." Nakatungong sabi ko.

"N-No it's not like t-that— Damn, kaya mo 'bang hilamusan sarili mo?" Tanong nya, napailing ako, gustuhin ko man na ako nalang talaga ang maghilamos sa sarili ko ngunit nanghihina talaga ako.

"Damn, bakit biglang uminit dito?" Rinig kong bulong nya.

"Tama na nga, hindi nalang ako m-maghihilamos," sabi ko, agad naman s'yang umiling.

"Kailangan mo pa ding maghilamos," ani nya, tumango nalang ako, naabutan nya ang legs ko, nakacycling lang ako kaya hindi nakatakas ang paglunok nya.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon