Chapter 40✔

40 8 4
                                    

Last chapter, todo english ako do’n, medyo na nosebleed ako, ‘di pala medyo sobra pala. Hahaha, ‘yong mga typos and grammatical errors na iba okay? Sorry.

Breaking Kiss

Kyla’s P.O.V

Nabigla ako ng ilapag ni Isabelle ang Lemon pie nya sa lamesa na‘min. Nakakairita lang na sinabi nya pa na hinahanda lang ang mga ‘yon sa mga basura.

Hinigit nya paalis si Mark do‘n, sa totoo lang gusto ko silang pigilan—gusto kong pigilan si Mark, pero sino ba naman ako diba?

“Ayaw nya, akin nalang,” saad ni Jaymee at kinuha ang lemon pie na nasa itapat ko lang.

“Sayang pagkain, sabagay na bayaran nga nya naman pala ng dalawang milyon ang school para lang sa sections” sunod na sagot ni Jemzie.

“Grabe, wala s’yang modo.” singit ni Jaymee habang uniinom ng tubig, natapos na nyang kainin ang lemon pie.

“It fits her profile,” ani ni Lesha.

“Anong ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ko sakanya, profile? May nangyari ba?

“Pumapatol s’ya sa nga netizens online, ‘di hamak na papatol din ‘yon sa mga taong nakakasalamuha nya.” paliwanag nya, sabagay.

“‘Di nakakapagtaka na pati na din si Mrs. Walson–Rivero magaganon nya,” sang-ayon ni Jem.

“Ayos lang sana na lalaki ang gagawa ng ganon, pero hindi eh. Imagine, naganon nya si Miss. Muños kanina?” ‘di makapaniwalang sabi ni Jaymee.

Patuloy lang ako sa pagkain ng ice cream ko, hindi ako kumain ng tanghalian, wala akong gana.

“‘Di ka talaga kakain?” tanong ni Lesha, dahilan para mapalingon ako sakanya.

Umiling lang ako at uminom ng juice, ramdam ko ang matulis na pagdaloy ng likido sa may ibabaw ng t’yan ko, masakit ‘yon. Alam kong dahilan ‘yon ng ‘di ko pagkain, napangiwi ako dahil do’n.

“Ayos ka lang?” tanong ni Jem, halata sa mukha nya ang pag-aalala.

“A-Ayos lang.” saad ko at pinunasan ang labi ko, inayos ko na din ang mga styro na ginamit nila.

“Baka naman magma-ulcer ka nyan ha,” paalala ni Jaymee.

“Hindi mangyayari ‘yon, ngayon lang naman ako ‘di kumain eh,” sabi ko.

Tumayo ako at pumunta sa may basurahan at itinapon ang mga styro at plastic cups, naghugas na din ako ng kamay.

Nagtungo ako uli papunta sa lamesa namin, nakita ko na nagsitayuan na sila at akmang aalis. Binitbit ko ang bag ko at sinakbit ‘yon sa balikat ko.

Inakbayan ako ni Jaymee habang ang isa nyang kamay ay nakatuon sa kinakain nyang icecream, ‘dipa ba busog ‘to?

Nadatnan namin ang classroom, wala do’n si Mark at Isabelle. Oo nga pala, hinila nya, akala ko kasi dito ang punta nila.

“Hi beshi!” sabi ni Hender, nakaporma pa itong yayakapin kam— s‘ya, natawa nalang ako dahil linagpasan nya kami at yinakap si Mega.

“Siraulo ‘tong baklang ‘to, pinaasa mo sila.” ani ni Mega at yinakap s’ya pabalik.

“Bakla ka! Bakla ka din naman ‘no, tyaka mas siraulo ka sa‘kin. Sino bang nagsabing pinaasa ko sila?” kunot noong ani nya.

“Yung ginawa mo!” sabat ni Jaymee.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon