Chapter 41✔

23 6 14
                                    

Grammatical errors and typos are all accidental mistakes, I hope you'll understand...

Unexpected

Kyla's P.O.V

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay, basta alam ko kasama ko si Clarence. Nasolve ko naman kahit papano ang questions sa Math kanina.

Alam ko sa sarili ko na gusto akong kausapin ni Mark kanina pero hindi nya magawa, siguro nauunahan din s'ya ng hiya.

Nasa kwarto ako ngayon, wala namang assignments tulad last year pero feeling ko parang pagod na pagod ako, sa 'di malamang dahilan.

"Kyla," narinig kong tinatawag ako ni Manang kaya nagtungo ako sa pintuan para pagbuksan s'ya ng pinto.

"Mag miryenda ka muna," ani nya at binigay ang tray ng waffles saakin, may juice din sa tabi nito.

"S-Sige po, salamat." sabi ko at umalis na s'ya.

Ilinagay ko ang tray sa may lamesa at uminom ng juice para naman mabawasanan ang tensyon na nararamdaman ko.

Umupo ako sa kama ko at sinimulang kainin ang waffles, agad ko namang naubos iyon, para malibang naman ako kinuha ko ang laptop ko at nag youtube.

Ngunit napunta parin ako sa facebook, wala akong notifications na nakaopen. Dahil din siguro may klase na. Mayroon din naman kaso kaunti lang.

Isabelle Angelic Alvarez

I never thought I can kiss you even though we're not into shooting.

'Yan ang status na mayroon si Isabelle, alam ko ang tinutukoy nya, 'yon ang nangyari kanina. Nanlumong naglog-out ako, ayokong maalala ang nangyari kanina, parang hinihigop lang ang mata ko para umiyak.

Napasinghap ako ng magvibrate ang cellphone ko na nasa itaas ng kama ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag message. Nakita ko ang message, galing iyon kay Unknown Number.

Wala akong balak na buksan iyon dahil wala talaga ako sa mood. Pero mayroong sumunod na vibrate agad kaya napilitan nalang ako na buksan 'yon.

From, Unknown No.
Hello..

From, Unknown No.
Are you alright?

Magtitipa palang ako ng message ngunit nagvibrate uli kaya binura ko ang tinatype ko at tinignan ang bagong message nya.

From, Unknown No.
Minding sending some voice messages?

Napabuntong hininga ako at nagtipa ng message para sakanya.

To, Unknown No.
Gusto mo bang marinig ang nangyari ngayon?

Hindi ko na hinintay ang sagot nya at nagsimulang magrecord, madami naman akong narecord pero wala pa rin sa punto kung saan ko nakita ang paghahalikan nila.

"Alam mo ba, umiyak ako kanina?" simula ko, nagpakawala ako ng konting buntong hininga.

"A-Ang tanga ko lang k-kasi 'bat ako umiiyak? Diba? Ako lang naman yung may gusto do'n diba?" saad ko, pinahid ko ang butil ng luha sa may mata ko.

"T-Tyaka siyempre alam ko naman na hindi nya din ako gusto diba?" sunod na sabi ko, nagsimula na akong himikbi.

"Alam mo ba yung masakit, yung sa sarili mo, ikaw mismo n-nakita mo," saad ko, may bumabara sa lalamunan ko na ayaw sabihin ang mga nangyari.

"Okay lang na yakap diba, p-pero yung ano... ano," bigkas ko, 'di ko man mabigkas ang mga salita dahil naiimagine ko palang naiiyak na ako ng sobra.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon