Chapter 53✔

32 7 50
                                    

Secret What?!

Kyla's P.O.V

Isang buwan na din simula noong mangyari ang isang iyon, walang nakaalam ng kung sino man pwera nalang sa mga kaibigan ko at ni Mark.

Para sa akin sobra sobra ang pagaalaga na binigay ni Mark simula noong gumaling ako, walang araw na hindi nya ako inasikaso, sobrang swerte ko sakanya dahil hindi nya ako binabayaan.

**flashback**

"Ayos naman na ako, Mark" pagpupumilit ko, ngunit umiling lang s'ya at sinubuan ako ng soup na s'ya ang may gawa.

Sa totoo lang hindi pa talaga ako magaling, kahapon lang nya ako sinimulang alagaan. Hindi s'ya lumalabas ng kwarto hanggat hindi ko sinasabi kong magbibihis ako.

"You're not fine yet." sagot nya at pinunasan ang labi ko.

"Para mo naman akong bine-baby nyan eh," nakasimangot na sabi ko.

"Magiging baby naman kita ah," pangaasar nya, sinamaan ko naman s'ya ng tingin nang maramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"'M-Magiging' palang 'yon, hindi pa n-ngayon." Nauutal na ani ko, totoo naman ah, hindi naman nya ako baby.

"Eh bakit nauutal ka? Besides, you're mine even though you're not my baby yet." Sagot nya, lalong naginit ang pisngi ko dahil doon.

"Nakakainis 'to" bulong ko ngunit mukhang narinig nya iyon.

"Bakit gusto mo ba totohanin ko?" Tanong nya at linapit ang mukha sa akin, agad naman akong napaatras, ngumiti naman s'ya tila ba nangaasar.

"W-Wala naman akong s-sinasabi—teka nga, ang landi mo." Sabi ko at sinamaan uli s'ya ng tingin.

"Sayo lang ako lalandi." Sagot nya.

"Para naman tanga 'to, dali na pagsilbihan mo na ako uli!" Utos ko at ngumanga para subuan nya ako.

**endofflashback**

Hindi nya ako hinahayaan na tumayo magisa, ewan ko ba do'n, hindi naman ako buntis eh. Pero okay lang naman din sa akin kung paano nya ako tratuhin.

Simula ng malaman nila ang harassment na iyon, agad nilang pina-embidtiga sa mga pulis, lalo na si Ma'am Walson-Rivero.

**flashback**

"Hoy gaga ka! Napano ka? Alalang alala kami sa'yo!" Bungad ni Jemzie sa akin pagkapasok ko sa classroom.

"Sa susunod mo nalang pala i-kwento, kailangan muna nating ipa embistiga yung hinayupak na 'yon!" Sunod na sabi nya at hinila ako paalis uli sa classroom.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.

"Sa principal office! Alam na ni Ma'am Walson 'to." Ani nya, paano nalaman ni Ma'am e ayoko ngang ipaalam?

"H-Ha? Paano nya nalaman?" Tanong ko.

"Syempre may nagsabi, alangan naman malaman nya ng walang nagsasabi sakanya diba?" Puno ng sarkismong sagot nya.

"Alam ko 'yon, baliw! Sino nga kasi?" Pag pupumilit ko.

"Tsk, hindi na mahalaga kung sino 'yong nagsabi— basta pupunta tayo doon." Sagot nya, hinayaan ko nalang s'yang hilahin ako, wala din naman akong magagawa.

Nakarating kami sa principal office, nabigla ako ng may makita kaming barangay officials at mga pulis. Agad na inangat ni Ma'am sa akin ang tingin, nanlaki ang mata nya at agad na pumunta sa harapan ko.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon