Chapter 47✔

19 6 38
                                    

Arms

Kyla's P.O.V

Tapos na nila akong linisan, sinabi ko na ako nalang kaso masyado silang mapilit kaya't wala din akong nagawa.

"Magpalit ka muna," ani ni Jaymee at binigay ang isang t-shirt saakin na black, plain lang ito.

"Mabuti nalang talaga at leader na ako ng dance group namin, mayroon pa akong extra t-shirt," sabi nya at tinulak ako sa banyo.

"Congrats," dinig ko pang bati ni Lesha bago ko i-lock ang pinto.

Sinuot ko na ang pinahiram na damit ni Jaymee, si Jaymee s'ya ang sporty sa aming apat. Marunong din s'yang sumayaw, kaya hindi na nakakapagtaka kung magiging leader man s'ya ng isang dance group.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo, andoon pa din sila at nagkw-kwentuhan. Gusto kong magpasalamat ng madami dahil hindi nila ako iniwan, masasabi ko talagang totoo sila.

"Sabay sabay tayong mag Lunch mamaya," aya ni Jem, tumango naman ako bilang pag sang ayon.

"ATE KYLA!"

Napasinghap ako at napalingon sa may entrance ng cubicle, nakita ko si Bianca na hingal na hingal at nakapaymewang na tumingin sa'min.

"Sino ka?" Nagtatakang tanong ni Jemzie at tumingin saakin na nakakunot ang noo.

"Ah guys, s'ya si Bianca. Bianca, sila ang mga kaibigan ko." Pakilala ko, subalit napasulyap ako kay Clarence na nakakrus ang mga braso na nakatingin saamin.

"Syempre kilala mo na s'ya," ani ko, ngumiti naman s'ya at tumango.

"Hello guys, ako si Bianca. Sigurado akong hindi nyo ako kilala hehe," pagpapakilala nya sa sarili nya at napakamot ng batok nya.

"Kaklase nyo ako, tahimik lang talaga ako kaya hindi nyo ako masyadong kilala." Sunod nya.

"Hindi daw maingay," dinig kong bulong ni Clarence, napatingin si Bianca sakanya.

"Ah eh Ate Kyla, salamat pala nung minsan, doon kami sa bahay ninyo g-gumawa," pasasalamat nya, pero bakit s'ya nauutal? Nakita ko naman na napasulyap pa s'ya kay Clarence habang nagsasalita.

"O-Oo, walang anuman." Ani ko.

"Grabe Ate naireport na namin sina Isabelle, bali nakalista na yung pangalan nya sa assistant ni Ma'am Walson," sabi nya at sumandal sa pintuan.

"Ginawa mo 'yon? Kaibigan na kita!" 'Di makapaniwalang sabi ni Jem at inakbayan s'ya.

"Ah, hehe oo." Sambit nalang ni Bianca.

"Mahilig ka 'bang makipag bakbakan, alam mo 'yon yung tipo 'bang Gangster?" Tanong ni Jemzie, siniko naman s'ya si Lesha at sinamaan nang tingin.

"Hindi po ako mahilig sa ganon eh," ani ni Bianca at napatungo.

"Sayang—" agad na naputol ang sasabihin ni Jemzie ng hilahin ni Clarence si Bianca palabas ng room.

"Napano 'yon? May lovelife? Sana all," takang tanong ni Jaymee.

"Anong sana all ka dyan? Wala pa rin 'bang Xander?" Pabirong tanong ni Lesha at tinignan s'ya ng nanunukso.

"Wala 'no, hindi ko magugustuhan 'yon," sagot ni Jaymee at linigpit ang ginamit naming shampoo at suklay.

"Ibabalik ko nalang sa'yo itong damit mo kapag nalinis ko na." Sabat ko, nginitian naman nya ako.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon