Chapter 51✔

30 5 32
                                    

Bestfriends

Kyla's P.O.V

"Bakit naman ganon ang kinagagalit mo?" Kunot noong tanong nya sa akin.

"Syempre, ikaw ang nasa lagay ko magagalit ka din naman kung papasok sila sa buhay mo tapos sisiraan ka lang naman diba?" Tanong ko, nagkibit balikat nalang s'ya at tumango.

"Teka nga bakit kaba nagkagusto sa tulad ko?" Kunot noong tanong ko, ngumiti s'ya at inilapit pa ako sa tabi nya.

"I don't know, I just like you." Sagot nya at inakbayan ako, kumunot ang noo ko, wala pa s'yang kasiguraduhan na gusto nya ako eh.

"Hindi mo naman pala alam kung bakit gusto mo ako eh," nakangusong ani ko, numawa naman s'ya.

"It's because, I can't explain it in a short period of time." Saad nya, pakiramdam ko naging pinturang pula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya.

Napatingin ako sa cellphone ko, teka, oras na pala, hindi ko namalayan. Dahil siguro napadami o napatagal ang kwentuhan namin sa isa't isa, hindi ko na nakita.

"Oh, it's already time..." ani ni Mark at tumayo, napatingin ako sa kamay nyang inilahad sa harapan ko.

Kinuha ko iyon bilang alalay sa pagtayo ko, agad din naman akong bumitaw ng maramdaman ko ang mukha nya na malapit lang sa mukha ko.

"Tara na?" Tanong ko, nginitian nya ako at kinuha ulit ang kamay ko at hinila paalis doon.

Naglakad na kami papunta sa isang kalye kung saan halos ng mga sasakyan ay nakapark doon. Medyo naiilang ako dahil nakahawak pa din ang kamay nya sa kamay ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang tent, mayroong nagtitinda doon ng mga bracelets kung sa'n pwedi mong palagyan ng pangalan mo. Napatingin si Mark sa akin, hinila ko s'ya papunta doon.

"I thought we're going home?" Tanong nya habang hinihila ko s'ya.

"Saglit lang 'to, promise." Sabi ko hanggang makarating kami doon.

Napatingin ako sa mga bracelets na nakabandera sa isang lamesa. May iba't ibang design 'yon, napili ko ang isang yellow at orange. Kinuha ko ang pares na 'yon at binigay sa ale na nagbuburda ng pangalan.

"Ate, pakilagay ho doon sa dilaw, Kyla. Doon naman ho sa orange, Mark." Saad ko, ngumiti naman s'ya at sinimulan ng isulat ang pangalan doon.

"What's that?" Bulong ng katabi ko at nginuso ang ink na ginagamit ng ale.

"Makikita mo mamaya, maganda 'yan," sabi ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

"Mas maganda ka..." bulong nya dahilan, dahilan para mamula ang dalawa kong pisngi.

Grabe, bakit ang init?

Napalingon ako kay ale na isinusulat pa ang pangalan ni Mark sa bracelet, ang cute talaga ng mga bracelets, sana magustuhan talaga nya.

"Eto na, ganda." Sabi ng ale at binigay ang mga bracelets.

"Sabi ko sa'yo eh, ang ganda ganda mo." Bulong ni Mark, agad ko naman s'yang siniko, laging nambobola 'to.

"Salamat po, eto po yung bayad." Ani ko at binigay ang singkwenta pesos sakanya

"Ate, sobra po ito," ani ng ale, agad ko naman s'yang inilingan.

"Sa inyo na po yung sukli, ang bait nyo po, sana po makapunta uli kami dito," sabi ko at nginitian s'ya.

"Salamat, sana magtagal kayo..." sabi ng ale at tumingin sa amin.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon