Chapter 26✔

48 9 2
                                    

Expect typos and grammatical errors, I don't do backreading..

***

Gang Practice

Kyla's P.O.V

Good Morning, Friday!

Haba nang tulog ko, ang sarap sarap magising, pero parang bangungot nang maamoy ko ang hininga ko.

Peste, ambaho..

Nag stretching muna ako bago pumunta sa banyo para maligo, sobrang lamig ng tubig pero parang walang problema sa'kin 'yon dahil maiinit.

Nagbihis ako at sinuot ang necktie at I.D ko, naalala ko nanaman si Mark.

Yiee, nanalo kami. Hays, sarap sa pakiramdam..

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kahapon, nakakakilig!

Binuksan ko ang bintana ko sa kwarto, ang sarap ng simoy ng hangin. Napapikit pako nang dumamba ang hangin sa mukha ko.

"Kyla! Tara na! Kain na" si Kuya.

Napabusangot naman ako, nagmomoment pa'ko e.

Tss, panira!

"Sige! Papunta na'ko!" Sigaw ko.

Bumaba naman ako at dumeretso sa dining area, naabutan ko naman na nakaupo roon si Mommy, Daddy at si Kuya.

Nagtatakang umupo ako sa upuan ko, ngiti ang salubong ni Mommy at Daddy sa'kin, habang nag-babasa lang ng libro si Kuya.

"Congratulations! Anak!" Masiglang bati ni Mommy.

"Thanks, Mom!" Sabi ko.

"May papakilala pala ako sa'yo" nagtaka naman ako sa sinabi ni Daddy.

Sino naman?

"Siya, siya si Manang Romelita, sya na ang taga-luto natin rito sa bahay at taga-asikaso" sabi ni Daddy.

Nginitian ko naman si Manang Romelita, ang bait nyang tignan. Sinuklian naman n'ya ako ng matamis na ngiti.

"Ako si Romelita, andidito ako para magtrabaho, at pampaaral sa anak ko" sabi nya sabay ngiti.

"Welcome na welcome po kayo dito Manang, 'di naman po kami masungit" sumulyap naman siya kay Kuya.

"W-wag po kayo mag-alala, 'di po sya masungit, tutok lang po talaga sya sa pag-aaral" paliwanag ko, nginitian naman nya ako at pumunta na sa kusina.

"Tapos na ako Dad, Mom. Aalis napo ako" pagpapaalam ni Kuya.

"Hindi mo ba isasabay si Kyla, Louise?" Tanong mi Mommy.

"Sure, sasabay ko sya. Wala naman akong pupuntahan na kung ano man"

Binilisan kong kumain, uminom ako ng tubig at isinakbit ang bag ko. Sabay na kaming nagpaalam at pumunta sa kotse nya.

Nagsimula nang mag-drive si Kuya, habang nakikinig ako ng sounds sa kotse nya.

'I'm losing my self control~'

Napatingin sa'kin si Kuya, patuloy kong sinasabayan ang kanta.

'Yeah~ you're starting to trinkle back in~'

Nakita ko ang saglit na sumulyap si Kuya sa'kin, napailing-iling pa.

'But, I don't wanna fall down the rabbit hole..'

Rinig ko ang pagbuntong-hininga nya, napangiti ako do'n sa inasta nya. Nagpipigil akong tumawa, 'di naman kasi maganda boses ko pero kumakanta ako. Hehe.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon