Chapter 37✔

27 8 14
                                    

Expect grammatical errors and a lot of typos, I don't do backreading. Thank you! Mwuah Mwuah😊

Entering

Kyla's P.O.V

“Hmm,”

May umaalog sa‘kin na para bang ginigising ako, naimulat ko ang mata ko ng dumampi ang kamay nya sa buhok ko tila ba hinahaplos ‘yon.

“Good Morning.” bati nya, naimulat ko ang mata ko.

“Morning, nag almusal kana?” tanong ko at lumayo ng kaunti sakanya dahil imbornal ang bunganga ko ngayon.

“Hindi pa, hinihintay kita para may kasabay akong kumain. Tyaka nakahanda na din doon,” sabi nya at tumayo na, napatingin ako sakanya ng ibaba nya ang kamay nya para maging alalay ko.

Naiilang na kinuha ko ang kamay nya, tumayo na din ako. Pero napasinghap ako ng humarap ako sakanya, ang lapit ng labi namin sa isa‘t-isa.

“Ehem,” saad ko at nakatungong lumayo sakanya, “Nga pala maghihilamos na muna ako,” pilit kong pinapatapang ang boses ko kahit nahihiya talaga ako.

Tumango naman s‘ya at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Do‘n ako nakahinga ng maluwag-luwag.

Nagtungo na ako sa banyo at naghilamos, nagsuklay, naglagay ng kauting pulbo at lumabas na ng banyo. Nakita ko ang cellphone ko na nakalagay sa may lamesa.

Kinuha ko iyon at tinignan kung may messages ba ako galing karila Mom okaya naman kay Kuya. Subalit kay Unknown Number lang ang nakita ko.

From, Unknown No.
Good Morning :-)

To, Unknown No.
Good Morning ;)

Lumabas na ako ng kwarto at ‘di naman ako nabigo ng makita ang almusal na nakahanda sa lamesa, nakaupo na din si Clarence sa couch.

“Tara na,” sambit ko at tumayo naman s‘ya.

Nauuna s‘yang maglakad sumusunod naman ako sakanya. Feeling ko nag heart shape ang mata ko dahil sa almusal namin ngayon.

Nakita ko ang mga vegetable muffins at oatmeal pati banana yogurt. Pati ang kape na nausok pa, halatang bagong timpla ‘yon.

“Wow,”

“You like it?” tanong nya, nginitian ko s‘ya ng matamis “That‘s nice, that you liked it” sabi nya at tinulungan akong umupo.

Umupo na din s‘ya at kinain na ang oatmeal nya, nakakatakam talaga dahil may strawberries at blueberries din at parang bagong pitas lang rin ng mga ‘yon.

“May itatanong lang ako, kung ayos lang sa‘yo?” tanong ko sakanya.

“Oo naman ano ‘yon?” pagsang-ayon nya.

“Nagka-girlfriend kana ba?” tanong ko napatingin naman s‘ya saakin.

“Wala pa, pero kung crush oo.” malamig na sambit nya “‘Bat mo natanong?” tanong nya uli.

“Nakakapagtaka lang kasi na wala kang girlfriend eh ang gentleman mo naman,” sabi ko.

“Wala sa utak ko ang ganyan, lalo na‘t bata pa ako at higit sa lahat sasakit lang ulo ni Nanay kung nagkataon” paliwanag nya at kumagat ng vegetable muffins.

Sinubukan ko ang muffins na kinakain nya, nang makagat ko iyon para bang gusto ko na akin nalang lahat ng muffins.

“Ang sarap! Sino may gawa nito?” tanong ko.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon