Chapter 27✔

43 8 0
                                    

Me realizing how cringey my old chapter is, hehe..

Expect grammatical errors and alot of typos, I don't do backreading, thankyou💖

Review

Kyla's P.O.V

Alam mo yung feeling na tinambakan ka ng madaming assignments tapos sabay-sabay ang performance ninyo sa mga projects?

'Yon ang feel ko ngayon, sobrang stress at pagod.

Kakauwi ko lang galing training nang maabutan ko si Manang sa kusina, naghuhugas ng plato.

Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig, sakto din na kakatapos lang ni Manang maghugas. Binanlawan ko ang ginamit kong baso at itinaob sa lalagyan.

Nginitian nya ako kaya sinuklian ko sya ng ngiti.

"Iha," tawag nya sa'kin.

"Po?"

"Kung okay lang sa'yo, sasabihin ko lang sana na dadating dito ang anak ko, pwedi bang malaman kung may kwarto pang pweding tuluyan nya?" Deretsahang tanong nya.

"Meron naman po, harap po ng kwarto ko, hehe" nahihiyang sabi ko.

Napaka-uncomfortable nito, ano ba 'yan..

"Salamat, salamat iha.."

"Kyla nalang po ang itawag ninyo sa'kin, okay lang naman po.." sabi ko, 'di kasi ako sanay na tinatawag sa ibang endearments pwera nalang sa pangalan ko.

Lalong-lalo kapag tinatawag ako ng 'hoy'.

"O-oo sige, Kyla" ngumiti sya.

Nginitian ko s'ya at pumunta nasa taas, naligo ako at dumeretso sa kama, tulalang napatingin ako sa ilaw na nanggagaling sa lampshade.

Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala 'ko.

***

*Ting!* *Briskk* *Ting!* *Briskk* *Ting!*

Napabangon ako sa pagkatulog ko dahil sa sabay-sabay na pagvibrate ng cellphone ko, katabi lang ng ulunan ko.

Ano nanaman kaya 'to, tsk!

Kunot-noong tinignan ko ang cellphone ko, nakita ko ang tatlong reply galing sa groupchat namin.

Galing sa school? May event ba? Hindi ba kakatapos lang ng event?

Grade 8 (Ms. Muños class)

Miss Muños: Grade 8, review ninyo ang mga subjects natin dahil nalipat ang schedule ng exam na'tin.
Seen by everyone✔

Noel: What? Kakatapos lang ng event.. tss!

Joel: Kaya nga, 'di pa masyadong ready yung utak ko..
Seen by everyone✔

Natawa naman ako sa mga chat nila, tss ang o-oa.

Hahaha..

Sineen ko lang 'yon at pumunta sa dining area na'min, para kumuha ng snacks.

Pumunta naman ako sa study area ko at inilabas ang mga notebooks ko at laptop. Sinimulan ko sa Mathematics, pati History.

Pero ang pinakamahirap na rineview ko ay ang probability and statistics, hays math nga naman.

Para akong hinahabol ng oras, halos mag alas nuebe na 'di parin ako natatapos. 'Di parin ako kumakain ng dinner.

*Ringggg! Ringggg!*

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon