Chapter 57✔

25 7 9
                                    

Assignment Problem

Kyla's P.O.V

Nagising ako dahil sa mainit na bagay na dumampi sa mukha ko, naimulat ko ang mata ko. Andito pa din ako sa unit ni Mark, walang pasok ngayon dahil linggo.

Nakita ko s'ya na nakatalikod sa akin at mahimbing na natutulog, humihilik pa s'ya pero hindi naman malakas. Napapitlag ako nang humarap s'ya bigla sa pwesto ko.

"Good Morning," bati nya sa akin habang nakapikit pa din at ngumiti. Napatikom ang kamao ko dahil sa hiya, hindi pa ako nag to-toothbrush.

Mabaho na naman ako eh...

"G-Good Morning," nauutal na bati ko din at tatalikod sana ako ng higitin nya ako at yinakap. Asa dibdib nya ako ngayon habang yakap yakap ako mula sa likuran.

"P-Pwedi na ba akong u-umalis? M-Mabaho pa kasi ako," sabi ko at tinulak s'ya ng bahagya.

"Hindi naman ah, ang bango mo pa din," sabi nya at sinubsob muli ang ulo nya sa leeg ko.

"Tatayo na ako, tara na magluluto pa tayo—I mean ako ng almusal." Ani ko at tumayo na, mabuti't nalang at pinakawalan na nya ako sa bisig nya.

Pilit ko s'yang hinihila patayo pero ang bigat nya, napakamot nalang ako sa ulo ko, nagmamalambing na naman ang isang 'to nyan eh. Ni hindi pa nga ako nakakauwi kay Mommy.

"Tsk! Tara na, bumangon ka na nga dyan, bahala ka hindi kita pagluluto!" Banta ko, natawa nalang s'ya at tumayo habang nagkukusot ng mata.

Ang cute cute talaga ng baby ko.

Pumunta s'ya sa banyo at alam kong maghihilamos s'ya. Mukhang hindi na nya kailangan ng hilamos, ang gwapo gwapo nya kaya sa paningin ko. Nakakainis din na gwapo din s'ya sa paningin ng iba, may mga kaagaw ako.

Tinapat ko ang kamay ko sa bunganga ko at nagbuga ng hangin, napangiwi ako, ang baho na talaga. Kailangan ko ng mag toothbrush, naalala ko wala pala akong toothbrush dito.

Pumunta ako sa banyo sakto naman na hindi naka-lock. Nakita ko naghihilamos ng mukha si Mark, kinalbit ko naman s'ya, napatingin s'ya sa akin sa salamin.

"What do you want my baby?" Malambing na tanong nya, yinakap ko s'ya mula sa likuran.

"My extra toothbrush ka?" Tanong ko, ngumiti naman s'ya at may kinuha sa cabinet.

Inabot nya ang kulay green na toothbrush at halatang bago din iyon, kinuha ko ang toothpaste sa gilid nya at nagsimulang magsipilyo. Nakatitig lang s'ya sa akin habang nagt-toothbrush.

"Bakit nakatitig ka sa akin?" Tanong ko pagkatapos kong magmumog, napapitlag ako ng halikan nya ako sa pisngi.

"You're so beautiful, my wife." Sabi nya, biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nya.

"A-Anong wife ka dyan? Akala ko ba baby mo ako, bakit naging wife?" Tanong ko, hinalikan nya uli ang magkabilang pisngi ko at yinakap ako.

"Nothing, you're just lovely my wife," ani nya at binuhat ako, napatili ako doon, tumawa lang naman s'ya.

"Bakit ka ba biglang namumuhat?!" Tanong ko at hinampas s'ya, hindi s'ya sumagot at pinaupo lang ako sa banggera.

"Ako na ang magluluto ha? Ikaw nalang maghanda ng kape," prisinta ko at bumaba, kumuha ako ng hotdog at itlog sa ref.

"Yes my baby," sagot nya at nagpainit na ng tubig sa kalan. Buti nalang talaga at dalawa ng kalan dito at makakapagluto kami ng sabay.

First Time Having A Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon